Part 12

32.9K 506 22
                                    

JHOANA POV

Bakit nya ako niyaya na lalabas kami sa weekend? Ahm siguro dahil secret bestfriends na kami. Alam ko naman na nakakahalata na ang mga kasama ko na medyo close na kami ni Beatriz kasi naman pinupuntahan nya ako sa cubicle ko. O kaya naman hinahatiran ako ng pagkain.

Paglabas ko palang mula sa office ni Bea dahil hinatid ko ang coffee nya. May nakasalubong akong Maganda rin ang pormahan. In short Magandang pogi din, siguro binisita lang si Beatriz.

Bumalik ako sa table ko at tinapos na ang dapat taposin, kasi saturday na bukas at niyaya ako ni Bea na lalabas nga daw, I dont know kung saan nya ako dadalhin.

Basta ang alam ko may mga alam na syang mga lugar na gusto kong puntahan.

Nagtrabaho na ako para naman hindi sabihin ng mga workmates ko na porket naging close ko lang ang boss namin, chill lang din naman ako kasi kailangan kong kumayod para sa pamilya ko.

Speaking of Family ilang months na din akong hindi naka uwi, kasi busy nga dito.
At gusto ko sana na pag--

Pinutol yung thoughts ko ng lumapit sakin si Jessie kasama si Ria, naging close na din kami dahil pareho kami ng department. Sa katunayan minsan pumupunta sila sa apartment namin, kaya pati si Maki close na rin nila.

"Hoy! Maraguinot masyado kang masipag. Ipagtimpla mo naman ako ng coffee, wag puro si Miss B--" hindi natapos ni Ria ang sasabihin nya ng batukan sya ni Jessie, alam kong may something tong dalawa kasi parang aso't pusa kung mag away pero kung maglambingan naman parang mag jowa. Edi kayo na may Feelings!

"Wag ka nga Marivic, baka mamaya marinig ka ni Miss Bea na inaalipin mo yung princesa nya, nako nako." sabi naman ni Jessie sabay nakapamewang pa ang lola nyo.

"isa ka din eh, wag nga kayong issue. Baka mamaya marinig kayo ni Beatriz, masesante pa tayo na wala sa oras." sabi ko sabay kurot kay Jessie, pero ang bruha tinawanan lang ako.

"Grabe Jho, maka Beatriz ka parang wala ka sa opisina ah. Konting respeto naman sa amin na hindi close oh." sabi ni Jessie na natatawa. Ganito kami pagnagkulitan, kulitan na wala sa oras.

"Sige na Jhoana magtrabaho ka na, lumabas na yung Bestfriend slash Boss mo. Hahah." bulong sakin ni Ria. Kaya napalingon ako sa opisina ni Bea at nakita na lumabas nga ito kasama yung Magandang Pogi din na nakasalubong ko kanina.

Kaya sumenyas ako na sige bumalik na baka kasi masita kami.

Habang nag continue ako sa ginawa ko parang feeling ko may papalapit sa cubicle ko, alam ko na kung sino kahit hindi ko tingnan. Amoy Bulgari perfume palang kilala ko na.

"Hey beautiful, thanks sa coffee." sabi ni Bea sabay wink pa. Kaya binato ko sya ng paper clip, humaharot eh. Kaya napatawa sya pati ang kasama nya.

"May bayad yun. Hahaha" pabiro kong sabi.

"Ah ganon ba, sige sure bayaran kita sa dinner mamaya. Pwede ka ba later?" sabi ni Bea na naka full smile pa.

"mga galawan mo Isabel." natatawang sabi ng kasama nya, oo nga pala may kasama nga pala kami. Maka pagharotan kami parang kaming dalawa lang. Char!

Sa mga iilang months din na magkasama kami ni Beatriz nahuhulog na talaga ang loob ko, hindi naman ako manhid kahit never pa akong ng ka Jowa, pero sa mga gestures nya at yung mood swings nya lalo nat magkasama kami nila Anton.

Feeling ko kasi nagseselos sya, pero hindi ako nag aassume mahirap na baka mamaya, yun ang inisip mo pero yun pala friends lang talaga kayo para sa kanya. Ugh.masakit yung ma Friendzoned Fam!

"Ah by the way Jho this is my mature bestfriend, actually madami kami sa tropa pero mga isip bata kasi." natatawang sabi ni Bea kaya napabalik ako sa wisyo ko nung nagsalita sya. Too deep my thoughts naman oi. Haha

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon