PART 3

35.8K 529 34
                                    

JHOANA POV

Today is monday, ngayon ang interview namin sa kilalang company sa buong metro manila, at pati na din sa buong pilipinas.

Hindi ko lang alam kung umabot na sa GBW or Global Business World ang pangalan nila, kasi nabasa ko lately sa newspaper na isa sila sa nakatanggap ng award mula sa Asian Commerce and Business Industry.

Wow lang! kung papalarin akong makapasok sa company na yun, siguro one of the best job experience ko yu-- .

Na cut yung pag iisip ko dahil sa biglang sigaw ng nag iisang tao na kasama ko dito sa bahay. Inayos ko na ang business attire na sinuot ko for interview, konting suklay, pressed powder and lip gloss pa. . .

And. . .

Tadaaaa. . .maganda na ako ang ready na for the question and answer portion mamaya . Charriing. Im doing dis por may pamili becoz i lab dem so matss. Diz is por u guys. Hahaha.

Last one glance sa mirror and Im ready to go.

"Jhoana Louisse! Lumabas kana malalate na tayo sa pag papaganda mo eh." rinig kong sigaw ng bestie ko.

"opo pababa na ako." sagot ko habang palabas ng kwarto.

"Hay nako bes, masyado kang nagpa ganda baka mamaya ma inlove sayo yung interviewer ha." natatawa nyang sabi.

"tangek! Syempre kailangan presentable tayo no, baka pag dugyot tayo tignan bagsak na tayo sa pleasing personality category nila. Hahaha. " litanya kong sabi kay bestie ko

"tama nga naman, ano okay na ba suot ko?" tanong nya sa akin kaya tumango nalang ako.

Pumara na kami ng taxi , at nagpahatid sa lugar ng interview na building din ng company. OFFLIONS GROUP nakikita ko na habang nasa taxi palang, medyo kinabahan ako pero mas mataas padin ang confidence ko para sa interview.

Nakarating na pala kami at Nakaparada na pala si kuyang driver di ko man lang napansin sa lalim ng iniisip ko. Bumaba na kami at nagbayad na. Jaiyo! Jaiyo! Para sa ekonomiya ng pilipinas. Ipaglaban natin si Andres Bonifacio. Awww. Nu bayan. Lolskie

Tumingala ako sa building ng future working site ko if papalarin ako na makapasa, So help me God! At grabe Bai. . Ang taas ng building, hindi ko alam kung ilang floors to pero tancha ko mga almost 40 na eh.

Nagtanong kami kay manong guard about doon sa interview na magaganap today, at todo smile naman si manong samin at tinuro kung anong floor kami. To 15th we go and up. . .

ting!

Sign na nakarating kami sa floor namin, at wow hindi lang pala kami ang interviewhin medyo marami din pala kami, kaya humanap na kami ng mauupuan ni Maki.

Well Ms. Congeniality naman ako kaya tinanong tanong ko din ang iba namin na kasama, pati narin si bestie Maki may naka usap narin. After an hour of waiting, the wait is over dahil tinawag na kami isa isa.

"Ahm. Good Morning po sa lahat, Ako nga pala Jorella call me Ella nalang, ganito ang process ng interview natin today, tatawagin po ang corresponding number nyo at pumasok na kayo dito sa loob ng opisina dahil doon naghihintay ang mag iinterview sa inyo. Maliwanag po ba.?" mahabang sabi ng babae na hindi katangkaran, mukhang mabait naman dahil todo ngiti sya sa samin.

Sana ganon din ang future Boss ko, hindi terror ba para happy happy tayo lahat.

"Yes po." sabay naming sagot.

Kaya binigyan na kami ng mga number at 8 ang nakuha ko. Tinignan ko naman si Maki ng "Ano-sayo look" tinaas nya naman at nakita ko na 5 ang kanya kaya mas mauuna sya. Binilang ko kung ilan kami lahat at 10 pala kami, mahaba habang bunuan to sa confidence. Pero Jaiyo tayo! heartstrong tayo Jhoana . .

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon