PART 58

28.3K 367 68
                                    

JHOANA POV

Isang linggo na ang nakaraan at walang Bang na nagparamdam, mabuti naman at alam nya kung saan sya lulugar, sana lang hindi na sya magpakita kay Bea kahit dito sa office, kung pwede ko nga lang ipagdamot ang Mahal ko ginawa ko na kaso hindi pwede.



Balik normal kami puro sweet sweetan at landian lang ang ginagawa namin, though minsan nanandya talaga ang panahon at sinusubok kami pag minsan napagusapan si Kib, kagaya nalang noong isang araw may nagpadala sa akin ng basket of food, mostly mga favorite ko ang nandoon, may card sya pero walang pangalan kong sino ang nagpadala. Ang nakasulat lang is "eat well" .



Minsan iniisip ko na baka si Kib ang nagpadala ng mga iyon, sinekreto nga ako ni Maki at ganon din ang sinabi nya, pero sinabi ko sa kanya na hindi ko rin alam dahil walang nakalagay na pangalan.



Nang nalaman ng Beatriz ko na may nagpadala sa akin dahil dito mismo sa opisina pinahatid, timing din kasi nasa office ako ng Baby ko that time at tinawag nalang ako ni Ate Ells na may nagpadala nga daw sa akin, kaya nacurious ako dahil wala naman akong inorder online ganon din ang girlfriend ko at yun nga tumambas sa amin ang mga pagkain, hindi pa nabuksan ay dinala ito ng Beatriz ko kila Ria at pinakain sa kanila, napailing nalang ako at hindi na kumuntra dahil alam nyo namang selosa ang Jowa ko, at ayokong ito na naman ang pag aawayan namin.



Naalala ko tuloy ang una naming pagkikita after 6 years.

Flashback:

Habang namimili ako dito sa mga bibilhin ko, naramdaman ko na may biglang bumangga sa hita ko kaya napatingin ako, at nakita ko ang bata na natumba pero parang natatawa pa ito kaya yumuko ako para mapatayo sya at makalevel na rin pero nagulat ako dahil ang batang yon ay ang batang nakita namin sa airport.

Si Miggy 


"Miggy? Baby ikaw nga." tuwang tuwa kong sabi, pero tiningnan nya lang ako habang  nagbiblink ang mga mata nya. Siguro ay nakalimutan nya ako.

"dont you remember me?"  tanong ko at nailing naman sya.


Kaya kinuha ko ang  natitirang mga hersheys kisses ko at pinakita sa kanya. Biglang nagliwanag ang mukha nya tapos sabay sabing. .

"Mooooommmmmy"  tuwang tuwa nyang sabi at niyakap ako. Kaya niyakap ko rin pabalik ang bata.


Mommy parin ang tawag nya kahit sinabi ko na kanya na hindi ako ang mommy nya. May biglang nagsalita sa likod at tila pamilyar sa akin ang boses.


"Miggy, baby andito ka lang pala, sala--, Jhoana Louisse?!" sabi nito kaya napalingon ako at hindi nga ako nagkamali.


"Kib. ." mahina kong sambit.



Hindi ako naka pagsalita at tila natulala ako ng makita ko sya muli, malaki ang pinagbago nya mas naging tisoy na sya at ang matured na ng pormahan nya.


"Jhoana. . How are you? its nice to see you again after 6 long years."  sabi nito at ngumiti. Hinawakan nya ang kamay ko.


"Im good, ikaw kamusta ka?"  tanong ko sa kanya habang hindi nya parin binitawan ang kamay ko at parang ngayon lang nya ako nakita dahil kung makatitig sa akin ay para akong matutunaw.


"Ito okay naman, God! Wala ka paring pinagbago ang ganda mo parin." sabi nya sabay titig at ngiti sa akin.


"Ikaw talaga, mambobola ka pa rin."  sabi ko sabay hampas sa kanya.


 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon