PART 66

26.7K 352 103
                                    

JHOANA POV

Natuwa kami sa message ng mga tao na malalapit sa amin, parang encouragement narin yun bawat sabi nila na "Keep your Relationship strong and Keep the Love burning, dont let anyone off that fire", ramdam mo na supportado ka ng pamilya at mga kaibigan mo. Huling magbibigay ng mensahe si Papa.




"Ahmm. . Ano pa ba ang masasabi ko? Halos nasabi na nila eh, pero ito lang ang dapat nyong tatandaanan mga anak, dahil ganap na kayong mag asawa wag pairalin ang galit, dapat pag uunawa sa bawat isa ang mangingibabaw, pag may problema pag usapan hindi yung susumbatan ang may mali, respeto, tiwala at pagiging faithful ang pairalin para mas matibay pa ang iniingatan nyong relasyon, Wag kalimutan na tumawag sa Diyos pag may pagsubok. Wag patagalin ang away dahil hindi mabubuo ang Apo ko kapag laging ganon." sabi ni Papa kaya natawa kami sa huli nyang sinabi.



Malaki din ang tulong ng pamilya lalo na at andyan sila para supportahan ka, mas masarap kasing mamuhay na walang may galit o kaya may taong nagtatampo sa inyo kaya ang ending hindi masyadong kampante dahil sa alinlangan na hindi magustohan ng pamilya mo.




Minsan kasi pag gusto natin, gugustohin talaga kahit hadlang ang lahat pilit mo paring gagawin dahil sa ginusto mo nga, hindi mo na iniisip na kong ipilit mo iyon ay maaring may consequences na mangyayari.




"Baby, paano ba yan Apo agad ang hinihingi ng lahat." sabi nitong katabi ko sabay kagat labi pa. Ngumiti lang ako sa kanya hinimas ang pisnge nya.



"depende na sayo kung kailan mo gustong buoin, Basta ako? Matagal ng handa" sagot ko sa kanya, at ngumiti lang sa akin bago hinapit ang ulo ko para mahalikan ito.


Honestly speaking, matagal na akong handa at alam kong alam na ng Asawa ko kung gaano na ako ka excited na magkaroon ng anak.


Iniimagine ko na nga kapag may mga maliliit na tao na kaming kasama sa condo at magulo dahil nagkalat ang mga laruan, umiiyak dahil gusto ng chocolates or something, tapos ako sumisigaw dahil umaakyat sa stante ng pantry nangunguha ng mga candies, pero ganon paman di baleng magulo basta kasama ko ang Asawa at mga anak ko masaya pa rin ako.



"So congratulations and best wishes mga anak, may huling magbibigay pa ba ng mensahe?" sabi ni Papa at lumingon lingon hawak ang micropono.



Ang akala namin ay huli na si Papa pero may isang taong nagsalita at lumabas mula sa Decorated post, kaya nagulat ako pati itong katabi ko sa taong iyon, hindi namin inaasahan na pupunta sya, though invited ang pamilya nya.



"Ako po, magbibigay po ako ng mensahe sa mag asawa." sabi nito.



"Bang. . ." bulong ko.



Naramdaman ko naman na hinawakan ng Asawa ko ang kamay to assure me, ngumiti sya sa akin kaya ganon din ang ginawa ko. Tumingin ako sa table nila Kian at parang alam din nila ang takbo ng isip ng Beatriz ko na hayaan itong magsalita.


"Hija, bakit parang nahuli ka ata magbigay, nauna na ang mga kaibigan mo." natatawang sabi ni Papa.



Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni Bang ngayon, kung ano man ang nasa isip nya ngayon. Pero sana hindi na mauulit ang nangyari doon sa opisina ni Beatriz at sasabihin nya iyon sa harap ng 600 visitors namin, ewan ko nalang.



"Ahm Good Evening po sa inyong lahat, pero Sir hindi ko na po kailangan ng Mic dahil gusto ko po na sa kanila ako lalapit at magbigay ng mensahe, gustohin ko man na marinig ninyo ang sasabihin ko pero mas gusto ko na silang dalawa lang ang makarinig dahil ito ang gusto kong regalo para sa kanila." sabi ni Bang at binigay ulit kay Papa ang Microphone.



 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon