PART 65

24.4K 328 66
                                    

BEA POV

Di ko napigilan na di maluha habang naglalakad kanina ang Jhoana Louisse ng buhay ko, ito na yun mangyayari na ang pangarap naming dalawa na haharap sa Panginoong Diyos at humingi ng gabay at lakas sa susunod na kabanata ng aming buhay bilang mag asawa.




Tanging hiling ko lang kanina habang nag hohomily ang pari ay sana maging masaya kami pareho kasama ang mabuo naming pamilya.




Habang nagbibigay ako ng wedding vow sa Jhoana ko di ko parin napigilan ang luha sa sobrang saya, saya dahil finally, Akin na talaga sya. Akin na akin lang.



Dahil alam ko na sa lahat ng sinabi ko sa kanya ngayon ay galing sa puso ko at totoo. Iyakin ako pagdating sa Mahal ko, ganon talaga diba nagiging mahina tayo at bumibigay ang luha pag masaya ka kaharap ang mahal mo.




Sino ba naman kasi ang hindi sasaya, na sa pinagdaanan nyong pagsubok sa relasyon nyo, kayo at kayo parin pala hanggang sa huli. Sabi nga ng matatanda sa hinaba haba man ng prosesyon sa simbahan parin ang tuloy. Tapos ito na kaharap ko na ang taong pinangarap na  makasama ko habang buhay.




Natapos ako sa wedding vow ko, ay isusunod ko naman ang paglagay ng singsing sa kanya, kinuha ko ito na dala dala ni Miggy boy na nasa gitna namin ni Jhoana. Ngumiti ako sa bata at hinalikan ito sa noo. Soon magkakaroon din ako ng little Jhoana and little Beatriz.




"Now, Baby Jhoana ko, take this ring as a sign of my Love, promise to be with you in sickness and in health, in richer and in poorer and selflessly surrender myself to you that Im yours, only yours, through infinity and beyond until death do us apart." sabi ko habang naluluha parin.





Dahan dahan ko ng nilagay ang singsing sa ring finger nya at nginitian sya, nakita ko na naluha din ang babaeng mahal ko.



"Now its your turn young lady." sabi sa amin ng Pari at ngumiti.



Bago ko sya pinagsalita pinasok ko ang kamay ko sa loob ng viel na nakaharang sa mukha nya as a modernize but traditional wedding gown nya para napunasan ang luha at nginitian sya. Tumango ako to signal her na, ipagpatuloy na nya.




"Hi Boss, ikaw. . Oo. . Ikaw na kaharap ko ngayon." introduction nya kaya napangisi ako. Wala namang ibang Boss ah ako lang.


"First of all, Thank you sa lahat, I mean sa lahat ng ginawa mo para sa akin, para sa atin at pati narin dito dahil ako ang napili mong pakasalan at makasama habang buhay." sabi nya at nginitian ako, tumango lang ako habang mahigpit akong nakahawak sa kamay nya.



"Hindi ko inaakala na ikaw pala ang taong nilaan ni tadhana para sa akin, dahil alam ng lahat na wala pa akong nakarelasyon ni isa, ibig sabihin wala akong experience kung ano ang pagmamahal, pero ang bait ni tadhana dahil dumating ka para turuan ako kung ano ang pagmamahal at paano magmahal, binigay ka nya sa akin. Hindi sumagi sa isip ko na ikaw, na ang Chinitang Suplada na uminom ng kape ko ang mapapangasawa ko, alam kong nagtaka ang lahat kung bakit babae at hindu lalaki ang pinili ko, ang sagot ko? Hindi ko rin alam basta ang alam ko lang Mahal kita, as in mahal na mahal kita." sabi nya sa akin habang naluluha at ngumiti parin.


"Hindi ko nga lubos maisip kong anong nagustohan mo sa akin at gagawin mo lahat wag lang akong mawala sayo. Noong mga panahon na alam ko sa sarili ko na Mahal na kita, akala ko hinding hindi mo ako magugustohan at kaibigan lang talaga ang turing mo sa akin, dahil ano lang naman ako isang ordinaryong empleyado lang at ikaw nasa taas ka, pero wala eh, masyado akong maganda sa paningin mo kaya tuluyan ka ng nainlove sa akin." sabi nya ng nakangiti.




 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon