PART 46

33.4K 437 38
                                    

JHOANA POV

Nagising ako ng maaga kahit medyo late na kami nakatulog kagabi dahil sa sinuyu ko pa ang Beatriz ko dahil hindi ito nagsasalita at tila may bumabagabag.


Tinatanong ko naman sya kung anong problema pero sinasabi nyang wala daw, siguro iniiwasan nya munang makipagtalo sa akin dahil syempre two weeks palang kami nagka ayos.

Sa ganitong posisyon namin ngayon na nakaunan ako sa braso nya at nakayakap naman ako sa kanya, di ko maiiwasan na di titigang muli ang mukha nya, namiss ko rin to, namiss ko rin matulog na okay ang lahat sa tabi nya after dalawang buwan na misunderstanding.

Di ko mapigilan ang di mapangiti dahil lalong gumandang gwapo ang Baby ko, those chinita eyes, rossy cheeks, pinkish lips, and white and glowing skin.

Ano bang ginawa ko dati sa buhay at binigay ka ni Lord sa akin para mahalin ako, alagaan ako, at protektahan ako ng ganito ka tindi.

Siguro, ibinigay ka sa akin di dahil gusto ko ng may makasama ako habang buhay na mamahalin ako, kundi binigay ka sa akin dahil ako ang mag mamahal sayo. Binigay ka hindi dahil kailangan kita, binigay ka dahil mahal kita.

Di ko maiiwasang di maisip kung bakit mas gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka instead na tunay na taong magbibigay sa akin ng anak na hinihiling ko, gaya nga ng sabi ko hindi ko kailangan ng anak para maging kompleto dahil sayo palang kompleto na ako.

Dahan dahan akong tumayo sa kama para makapaghanda ng breakfast namin, pumasok na ako sa banyo at ginawa ang morning rituals ko.

Bago ako tuluyang lumabas nilingon ko muna ang Baby Boss ko na mahimbing parin na natutulog yakap yakap ang unan na ginamit ko na pinalit ko sa pwesto ko.


Dumiretso ako sa kitchen at tumingin ng pwede lutuin. Tocino with boiled egg, Hotdog Bites at Garlic rice nalang, typical breakfast.


Habang hinalo halo ko ang garlic rice na ginagawa ko, naramdaman kong may  malaking tao na biglang yumakap sa akin mula sa likod ko. Amoy palang kahit galing sa bed kilala ko na.


"Hi sweetie, Good Morning." lambing na sabi ko while continue sa paghalo.

Siniksik nya ang mukha nya sa leeg ko, kaya binend ko ang leeg ko para bigyan sya ng malaking chance kung ano man ang gusto nyang gawin. Naramdaman ko nalang na  sinisinghot at dahan dahan na hinalikan ito.

"Good Morning Jhoana ko." sabi nya at hinalikan ako sa cheeks. Napangiti nalang ako at hindi na sumagot.

Natapos ang ginagawa ko kaya inilipat ko na ang garlic rice sa bowl habang ganon parin ang posisyon namin.

"Bakit di mo ako ginising? I thought umalis ka na." sabi nya still naka back hug at nakapatong nag baba nya sa balikat ko.

"Kasi po ang sarap pa ng tulog mo, ayokong istorbohin ka kasi alam kong pagod ka, at tsaka bakit naman ako aalis? Diba dito mo na ako gustong tumira." sabi ko at humarap na sa kanya.

Wow, ngayon ko lang pansin na naka sports bra lang pala sya at naka short na lumabas ng kwarto, di naman ganyan suot nya kanina ah nong iniwan ko sya doon.

"alam mo naman diba." sabi nya at nag iwas ng tingin, still yung kamay naka tungkod sa mga gilid ko na parang na corner ako.


"Baby ko ano naman kung nandito sya, e nandito ka rin naman. I will always choose you over him at tsaka kalimutan na natin yun matagal na yun, di natin alam na may karelasyon na yung tao at si Syd pinagtutulakan lang ang pinsan nya sa akin, kilala ko yung batang yun." sabi ko para naman kumalma sya at hindi agad magpapanic pag mawala ako.


 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon