Part 35

26.8K 379 76
                                    

BEA POV

Di ko gusto ang ginagawa ni Kian kay Jhoana sa harap ko ngayon, alam mo yung feeling na gusto mo nang itaob ang lamesa sa sobrang inis at selos mo, pero pinigilan ko lang kasi ininvite lang din ako.

Bakit ba kasi ako pumayag na sumama dito?

Naglalandian pa talaga sila sa harap ko, kanina pa talaga ako nagpipigil pero na realize ko na wala na pala akong karapatan na sumbatan si Jhoana, pinakawalan ko na eh.

At noong nalaman ko na she lost her phone? Sa opening ng Bar ni Ysay? Diba she texted me pa na she found someone better than me? How come na nawala? Or sinabi lang nya dahil kaharap nya ako.

Nabalik ako sa realidad ng magsalita ang kasama kong babae na I bumped kanina, she's my friend, close actually.

Celine Dominggo shes morena, I find her attractive and pretty, and shes also malambing. Pero Jhoana is more prettier and attractive. Jhoana is still the best.

"okay naba yan Bei?" tanong nya at dinikit ang pisngi nya sa balikat ko, habang tinitingnan ang ginagawa ko sa grill.

"Malapit na to, gutom ka na ba?" tanong ko sa kanya at ngumiti.

"okay lang, aantayin ko nalang." sabi nya sa akin at ngumiti kaya nginitian ko rin sya.

"Sakit.." biglang sabi ni Jhoana habang nakapikit ang mga mata, kaya lahat kami napatingin sa kanya.

"Alin?" sabay naming tanong ni Kian. Kahit naman ako ang nakipaghiwalay, may malaking lugar parin naman sya sa puso ko.

Di ko naman sinasabi na porket hiniwalayan ko sya, wala na agad akong love sa kanya, yung Jhoana na minahal ko andito parin sya sa puso ko, at alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko parin sya.

Tumikhim naman si Ate Ella na alam na ang nangyayari.

"sakit ng ulo ko" sabi nya still nakapikit parin at may tumulong luha sa right eye nya, ako lang ang nakapansin kasi nakasandal naman sya sa balikat ni Kian.

Parang may biglang tumusok sa puso ko nong nakita ko ang luha nya.

"ikiss ko nalang para mawala ang sakit." sabi ni Kian at hinalikan sya sa sentido nya.

Putcha! Ako dati gumagawa nyan sa kanya, pero ngayon iba na.

Selos na selos na ako sa pinag gagawa nya. Pero wala akong magawa.

Niloloko pa ni Ate Ells at Maki ang dalawa kesyo laging naghaharutan, feeling ko close na din si Maki at Kian, kilala ko naman si Kian hindi naman sya mahirap pakisamahan kasi makulit din naman yan, matindi din kung magmahal.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain, hindi ko lang pinahalata na anytime sasabog na ako sa pinaggagawa nilang dalawa sa harap ko.

Nagpaalam si Jho na magccr, gusto ko syang kausapin tungkol sa napag usapan kanina, hindi na nya kasi tinuloy ang sinasabi nya kasi biglang dumating ang waiter dala ang meat at veggies.

Naglakad na si Jho papuntang CR,  kaya minutes lang din ang pinaabot ko at sinundan ito.

"Guys, CR lang ako." pagkasabi ko non, napansin kong nakatingin sa akin si Kian ng seryoso. Pero wala akong pake sa kanya, susundan ko si Jhoana.

Nang makarating na ako sa banyo, alam kong kaming dalawa lang kaya nilock ko ang pinto.

Pumasok ako sa isang cubicle at nagmadaling umihi, lumabas agad ako at aabangan ko si Jhoana dito, timing din na nag flush na kaya alam kong tapos na ito.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon