chapter 33: dagat ng pagibig

Magsimula sa umpisa
                                    

"meron ka ngayon no?" pananlakihan ko sya ng mata, Putek na! akala ko pa naman alam nya! "ang sungit mo eh hahaha ganyan din ba si Jav kapag may Dalaw? sana oo para tahimik lang din sya hahaha" sinimangutan ko sya , tawa lang sya ng tawa napailing na lang kaming tatlo sa kanya at ng tumigil sya ay nilingon nya kaming tatlo na para bang nagtataka " bakit? mali ba ko? wala ka ba ngayon? di ba ganyan si Jav kapag meron?" tanong nya sa akin nabatukan ko na sya ng tuluyan dahil sa katangahan nya , sira ulo talaga to .

"wala ako ngayon! pwede ba kung wala ka ng masabing maganda manahimik ka na lang dami mong alam si Jav na lang tanungin mo!" inis kong sabi sa kanya, nakakainis sya napaupo nako ng maayos dahil tumataas lang ang prisyon ko sa taong to.

"edi kung hindi yun eh anong problema mo? para kang piangsakluban ng langit at lupa dyan ay hindi mukha ka na palang lupa! hahahaahha" saya nya eh no, sige lubusin mo yan kapag ako nabuhayan ng dugo sasamain ka sa akin. di ako sumagot at pinilit na lang kainin yung pagkain ko, wala talaga akong gana nakakainis naman bakit ba masyado akong apektado ano namang pakelam ko sa kanya. iiiissssh!

"oy! kawawa naman yung pagkain sayo dinudurog mo lang kung galit ka wag pagkain pagbuntungan mo maraming bata ang nagugutom!" sigaw sa akin ni Kuya Zander tapos tinapik pa yung kamay ko, sinamaan ko sya ng tingin at tinaasan naman nya ako ng kilay.

"mayaman ka naman di ba? edi pakainin mo tsk. wag mo ko pakelaman baka ikaw durugin ko dyan!" nagsisipaan kami ng paa sa ilalim ng  mesa kaya medyo nagagalaw yun ,pinapanuod na kami ng ibang nasa Canteen din dahil panay ang usog ng Mesa namin.

Blag!

nagulat kaming lahat ng biglang hampasin ng malakas ni kuya Zaikel ang mesa nakatingin sya sa aming dalawa ni Kuya Zander at nanlilisik ang kanya mga mata.

"ano ba hindi ba kayo titigil? nasa harapan tayo ng mesa away kayo ng away para kayong mga bata!" bumaling sya ng tingin kay kuya Zander "ikaw Zander tigilan mo na nga yang pangaasar mo hanggat di napipikon di mo tinitigilan" tapos bumaling sya ng tingin sa akin natakot naman ako kasi ngayon ko lang nakita na galit si kuya Zaikel "at ikaw  naman Tin Kumain ka ng maayos dyan! ang payat payat mo na oh kaya ang tamlay mo ubusin mo yan inoorder pa kita mamaya!" napatango na lang ako dahil sa takot nanahimik din si Kuya Zander at mukhang nasindak din

Nanahimik na lang kaming lahat maging si Zach ay nagiwas ng tingin dahil ayaw na madamay sa inis ni Kuya Zaikael sa amin.

Naubos ko ang laman ng plato ko at tulad ng sabi ni Kuya Zaikel biilhan  pa nga nya ako ng Cake pagkatapos kumain.

“now tin tell me what’syour problem?” bumaling sya sa akin kaya medyo nagitla ako, ano bang gusto ilang malaman at bakit kanina pa nila inaalam kung ano ang problema ko kung problema man talagang matatawag yun. Pero no choice ako mukhang di naman nila ako ttigilan kakatanong kung di ko pa sasabihin sa kanila ngayon.

>_< pero shete! Nakakahiya!!!

“eh kase…” I’m idling because I really don’t know how to say it , it’s hard you know.

“kase ano?” atat na tanong ni Kuya Zander nakatuon na din pala ang atensyon nilang dalawa ni Zach sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.

“ano…” fudge! Dapat ko bang sabihin sa kanila? Wag na lang, it isn’t big anyway pakelam ko ba dun. Tsk.

“ano na nga?!” inip na tanong ulit ni Kuya Zander…. Aish kainis to bakit ba nagmamadali siya eh di ko nga masabi eh.

finding Mi AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon