chapter 33: dagat ng pagibig

57 1 0
                                    

CHAPTER 33

JUSTINE'S POV

bakit ba pakiramdam ko ang laki laki ng kasalanan ko sa mundo? wala naman akong inanapakan na tao, mabait naman ako, di na nga ako masyadong nambabara ngayon tinigilan ko na din ang pantitrip kay Zach at ang pagtatanong ng mga nonsense na bagay para mainis sya, di ko na din inaasar si Kuya Zander tungkol dun sa nangyare sa kanila ni Jav at lalu na tinigilan ko na din ang pagsinghot ng pabango ni kuya Zaikel kasi ubos na. pero bakit ganito pa din? ano bang kasalanan ko? bakit Niya ko ginaganito?!

=___________=

bakit ba nagiguilty ako ano bang masama sa magtanong kung bakit nya inaway si Hunter? mali ba yun? di ba nya naisip na bak nagaalala ako sa kanya kahit na hindi naman kasi alam kong malakas sya at walang laban sa kanya yung kaaway nya? Lion kaya ang lalakeng yun tapos nangaaway sya ng Maliit na tuta, sya na nga ang nangaway sya pa ang galit hanep tigas ng mokong.

Waah! sira ulo kang saltik ka! bakit mo ba ako pinapaisip ng ganito yan tuloy napapasenti ako eh wala naman akong kasalan nadadamay ako sa init ng ulo mo!

"Ate bakit ganyan ang mukha mo?" tanong sa akin ni Zach na nasa tabi ko, nilingon ko sya with my buggy face

"bakit? matagal ng ganito ang mukha ko Zach wag mo na pansinin" I boredly answer, wala akong gana buong araw kahit kanina sa practice palagi akong napapagalitan dahil ang lamya ko daw kumilos... kasalanan ko ba kung tinatamad ako?

"tsk. Jussy alam mo? mukha kang tanga!" inis na sabi sa akin ni Kuya Zander na nasa harapan ko naman , tinignan ko sya

"oh talaga?" I boredly answered again, napangiwi sya sa reaction ko sa sinabi nya. napahilamos pasya ng kamay sa mukha nya at para bang frustrated.

"putcha! anong problema mo?!" galit na tanong  nya sa akin "kanina ka pa huh! ay hindi kahapon pa pala, bakit ka ba nagkakaganyan. Jussy kung may Problema ka hindi solusyon ang droga ilang katol ba ang siningot mo kulang pa ba? tara ibibili pa kita!" sarcastiko nyang sabi kaya binato ko nga ng Karrrots .. inis na inis na sya sa akin kasi kanina nya pa ako hindi makausap ng maayos , tsk hindi lang naman sya ang naiinis sa akin no ako din naman naiinis sa sarili ko, di ko na kasi maintindihan kung bakit ako nagkakaganito.

"tin? may problema ka ba? di ba sabi ko sayo kapag may Problema ka sabihan mo kami para matulungan ka namin?" malumanay na sabi sa akin ni Kuya Zaikel tapos hinawakan pa ang kaliwa kong kamay, umiling ako dahil wala naman talaga akong problema

"wala lang akong gana kuya" matamlay kong sagot sa kanya tapos humilig ako at ipanatong ang ulo ko sa table, nandito kami ngayon sa canteen para maglunch pero ni hindi ko man lang nakalahati ang pagkain na ibinili para sa akin ni Kuya.

"Tin kumain ka, napagod ka kanina sa Volleyball di pwedeng walang laman ang tiyan mo baka magcollapse ka doon lalo na't matamlay ka ngayon" paalala sa akin ni Kuya Zaikel

"di nga ako napagod kanina eh, palagi lang akong nakaupo tinatamad akong kumilos" sabi ko

"ah alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan! haha!" malakas na sabi ni Kuya Zander tapos tumawa pa ng nakakaloko, sinamaan ko sya ng tingin dahil sa tingin ko ay alam nya talaga ang dahilan , nasabi na siguro sa kanya ni Jav ang mga nangyare kaya siguradong mangaasar yan. hmp. pasalamat ka wala ako sa mood makipagaway ngayon. tumingin si KUya Zaikel at Zach sa kanya

"ano?"sabay pa nilang tanong , nginisian muna ako ni Kuya Zander bago nya nilingon ang dalawa na nasa tabi ko. humilig sya sa table palapit sa akin.

finding Mi AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon