CHAPTER 53

 

JUSTINE’S POV

 

“ano nakita nyo ba sila?” tanong ni Shane kina kuya.

 

“hindi eh.” Pagod at kinakabahang sagot ni kuya Zaikel. “sana walang nangyareng masama sa kanila.. delikado na lalo dahil madilim na.”

 

 Ako man ay kinakabahan na, nasaan nab a kasi ang apat na yun? Lahat ng mga grupo nakabalik na sa paghahanap ng mga pagkain pero si Tristan, Hunter, Nathan at Andrei hanggang ngayon wala pa. May nabalita pa na may mga gumagalang NPA sa bundok kaya lalong nadoble ang pagaalala namin.

 

“siguro magkakasama yung apat nay un, sila na lang kasi ang wala pa.nku naman talaga!” Saad ni lian.

Halos magkagulo na kanina dahil sa announcement at biglaang pagtitipon sa amin sa Site sinabihan kaming wag lumabas at lumayo para sa kaligtasan pero napansin ni Kuya Zander na wlaa yung apat na mokong kaya nagpasya ang mga Camp facilitator namin na maghanap at sumama sina kuya pero hindi nila sila nakita.

Umupo na lamang ako sa isag sulok ,pumikit at mataimtim na nagdasal , masama ang kutob ko pero pinipiliti kong maging positibo. Walang mangyayareng masama sa kanila mga masasamang damo yun eh kahit NPA di nila uurungan pwera na lang kay Nathan. Duwag yun eh haha

Diyos ko po sana ay wag nyo po silang pababayaan, ayoko pong mabalo ng maaga. Wew! Ansabi ko? Mabalo? Joke lang po.

Ilang sandali lang ay nakadinig ako ng ingay, tilian at malalakas na yabag na parang tumatakbo. Kaya napamulat ako at tumambad sa akin ang apat na lalaking hinihintay namin, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko lalo na ng Makita ko silang apat na nakangiti at parang tuwang tuwa pa na magkakaakbay pero nanlumo ako ng mapatingin ako sa ilalim..

 

“Oh My God! Saan kayo galing?!” pagalit na sabi ni Shane pero agad ding napatakip ng bibig ng Makita ang paa ni Tristan. “Jesus! What happen to your foot Lead?! Oh my god ang daming dugo! At bakit ang dami nyong pasa?!”

Nanghina ako at namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. Shit! What happen to him??! What happen to them?!

 

“wala galos lang yan malayo sa bituka diba tol?” nakangiti nyang sabi at nakipagappear pa kay Hunter.

 

“oo galos lang yan, di nya ikamamatay” at nagtawanan pa silang apat. Kami naman ay hindi maipinta ang mukha dahil sa mga reaksyon nila. Tangna gusto ko silang pagsusuntukin lahat , pagkatapos nila kaming pagalalahanin tatawa tawa lang sila? At ano to magkakabati na ba sila?

Nahigit ko ang aking hininga ng mapatingin  sa akin si Tristan, hindi ako lumapit sa kanila at nakatayo lang sa isang gilid.. para bang di ko kayang maglakad tama lang na nakatayo ako pero hanggang doon lang. Humupa ang tawanan nila at napatingin din sa akin ang tatlo kaya ngayon ay silang apat na ang nakatingin sa akin. napatingin ako kay Nathan at nginitian nya ako, lumipata ng tingin ko sa tabi nya at nginitian dina ko ni Andrei, napatingin di ako kay Hunter nagsalubong ang mga mata namin ng panandalian dahil yumuko sya pero agad ding ibinalik ang tingin sa akin at ngumiti.. isang ngiti na akala ko ay hindi ko makikita sa kanila sa oras na malaman nila ang katotohanan.

finding Mi AMORBasahin ang storyang ito ng LIBRE!