CHAPTER 6

JUSTINE’S POV

Tinanghali ako ng gising ngayon na masakit ang ulo ko past 1 am na din kasi kami nakauwi kanina

Pgbalik namin ni Zander sa lugar namin kagabi di ko alam pero parang nagkaroon ako ng urge para uminom

Hinayaan lang ako nina Zaikel at Zach dahil siguro napansin nilang nagbago ang mood ko .

Naparami ang inom ko kaya inalalayan na lang nila ako pauwi wala si Dad at ang Mommy nila kaya di kami napagalitan

“halika dito Tin kumain kana inomin mo tong Mainit na Tea” pahanyaya sakin ni Zaikel pagbab ko sa garden

Nandito na silang tatlo siguro brunch na to dahil 11am na

“okay na ba pakiradam mo ate masakit ba ang ulo mo?” tanong naman sakin ni Zach pagupo ko sa Tabi nya

“medyo lang naman”

Nakikita ko ang pagaalala sakanila alam kong gusto nila malaman kung bakit ako nagkaganun kagabi pero nagpapasalamat ako dahil di sila nagtatanong

Si Zander tahimik lang na kumakain pero paminsan minsan nakikita ko syang tumitingin sakin.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik din ako ulit sa kwarto ko wala talaga akong balak na umalis ngayon sa Bahay maghapon lang akong nagbasa at nagdrawing ng kung ano ano

Ting! Ting!

Kinuha ko ang phone ko para tignan kung sino ang nagtext

From: kuya Frenan

--Hoy!

Yan ang text nya .

Wow. Makahoy naman to kala mo sobrang close nanamin ah

To:Kuya FRenan

--ano??

Ano kayang kailangan nito , sabi sa akin ni Lian maganda naman daw ang kinalabasan ng ginawa nila kahapon natuwa daw si Kuya Frenan sa surprise sa kanya ni Shane

From: kuya Frenan

--ikaw ba yung kaibigan ni Shane?

Ano daw??

Teka nga sino ba tong katext ko hindi ba si Frenan to??

To: kuya Frenan

--Oo ako nga. Bakit? Sino bato?

Tanong ko dito tss. Kug makapagtanong to ah kala mo kung sino.

-__-

From: Kuya Frenan

--Di ako bato.

Huh??

Sino ba nagsabing bato sya?

To : kuya Frenan

--sino ba nagsabing bato ka?

Mataray kong sabi dito

From: kuya frenan

--ikaw sabi mo ‘sino bato?’ tsk.

O_O

Aish.

finding Mi AMORBasahin ang storyang ito ng LIBRE!