CHAPTER 34

JUSTINE'S POV

~continuation~

hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya ako sa mga kakornihan na pinagsasasabi ni Saltik, langya tong lalaking to talagang walang patawad kung anong maisipang gawin at sabihin gagawin at sasabihin ayt! ano daw? haha basta ganun .

lahat ng mga tao sa gym ay tutok sa pakikinig at panunuod sa aming dalawa pero sa hindi ko ko malamang dahilan hindi ako naiinis sa mga pinaggagawa nya, at dahil di sa kagagawan nya nadelay ang laro ng basketball tulad lang nung dati nung may inanaounce sya , hindi ko alam kung paano nya nagagawa yun napapasunod nya ang lahat sa gusto nya. kakaiba talaga ang lalaking to na kahit ako ay nagagawa din nyang manipulahin.

"alam mo nakakahiya ka talaga kahit kailan, di magawang magstart ng game dahil sa mga kalokohan mo!" mahina kong sabi sa kanya, nginitian nya ako ng nakakaloko tapos lumapit sa akin at bumulong malapit sa  tenga ko.

"aminin mo kinilig ka naman" naramdaman ko ang pagngisi nya.. Arhg! nakakainis talaga ang lalaking to, tinulak ko sya ng mahina para hindi masyadong mahalata dahil hanggang ngayon ay nasaamin pa rin ang atensyon ng mga tao.

sinimaan ko sya ng tingin pero tinawanan nya lang ako, hayop ka! kung kaya ko lang tumayo ngayon nabatukan na talaga kita aish... pero kahit na naiinis ako sa kanya natuwa pa rin ako sa ginawa nya.

"hey, dyan ka lang ah? wag ka ng magtangkang tumayo. maglalaro lang ako , pagkataposko dito may pupuntahan tayo" sabi nya at akmang aalis na sya patungo sa mga kasama nya nagreready na para sa game nila, pero hinawakan ko ang kamay nya.

"huh? san naman tayo pupunta?" tanong ko, ano ba sya may laro pa kaya kami mamaya bakit kami aalis?

"basta, wait ka na lang dyan panuorin mo kung gaano ako kagaling magshoot! papakainin ko ng Bola yung panget mong ex" sabi nya ng mayabang... aish. sira ulo talaga.

"adik! di si Hunter ang kalaban mo kaya wag kang epal dyan. magkakampi kaya kayo. tsk"

"oo na, pero ipangako mo sa akin na ako lang ang panunuorin mo okay? kundi malalagot ka sa akin mamaya" tinaasan ko lang sya ng kilay, hanep para talaga syang bata. pano naman kaya mangyayare na sya lang ang papanuorin ko eh hindi lang naman sya ang maglalaro, tsk bahala na nga mas maganda na sigurong gawin ko na lang ang sinabi nya baka kasi totohanin nya yung banta nya may amats pa naman to. tumango na lang ako para  magtigil na sya, ngumiti sya at kinurot ang pisngi ko.  "good. ang cute mo talaga!" pinanggigilan nya ang pisngi ko kaya medyo namula pinalo ko na ang kamay nya. ang sakit kasi eh tado talaga to.

akmang maglalakad na sya ulit pero muli ko ding hinila ang kamay nya.

"wait!" sigaw ko pero sya lang ang nakarinig kasi busy na din ang iba, buti naman may iba na silang pinagkakaabalahan mas mabuti na yun para walang makakita.

"bakit?"

"ahh k-kase.." shit! ibibigay ko pa ba? baka di nya magustuhan.

"ano?" tinaas nya ang dalawa nyang kilay at naghintay sa sasabihin ko.

"may ano.." kumunot ang noo nya... sheez ahh nahihiya ako, dapeng hindi ako sanay sa ganito bakit ko ba kasi naisipan pang bumili nun tapos baka masayang lang.

"ano nga?" parang naiinip na sya. damn sige na nga sasabihin ko na , bahala na kung di nya magustuhan atleast may ibinigay ako baka akalain nya nakali,utan ko ang Minthsary thingy namin.

finding Mi AMORBasahin ang storyang ito ng LIBRE!