CHAPTER 12

JUSTINE'S POV

“CALLING THE ATTENTION OF MISS SUNGIT!! KUNG SINO KA MAN IPAGCHEER MO DAW SI LEAD TRISTAN ARANETA PARA GANAHAN SYANG MAGLARO! AYIIIIIEEEEEE MISS SUNGIT PAGBIGYAN MO NA SI POGI OH DALI!!!"

o_o

POTEK NA!

 don't tell me ....... don't never... ever tell me that..

shete!

"oh my! sino kaya si Miss sungit ni papa Lead? kainggit naman!"

"kyaaaaaah!  taken na ba sya? sayang naman!"

"andito ba talaga yung miss sungit na yun? dito ba sya nagaaral?"

"siguro malamang eh wala pa naman yung mga Vball girls nila eh"

"ehh! sino naman kaya sya?"

yan ang mga naririnig kong paguusap ng mga kateam ko .

Putik naman na Saltik to oh! bakit kailangan pang ipangalaandakan yun?

hindi naman sa assuming ako no pero alam ko namang ako yung miss sungit na sinasabi nila at malamang sa malamang wala namang kilala yan dito kung di kami nina Kuya eh.

>.<

"Kyaaaah! ang sweet naman ni Lead talagang ipinaannounce pa nya yun? sino kaya si Miss sungit?"  isa patong babaeng nasa tabi ko

putcha basag na eardrums ko sa kanya!

"ewan ko at wala kong pakelam" I said boredly

tinignan ko yung lalakeng kausap ni kuya kanina na nasa tabi nung speaker, nakatingin sya sa direksyon ko at nakikita ko ang pagngisi nya.

tsk.

walang duda si Saltik nga nakababa ngayon yung buhok nya unlike nung una kaming nagkita na lahat nakataas kay mukha syang troll.

"gosh! dito sya nakatingin!!"

"omo! omo! Oo nga kyaaaah! baka ako yung sinasabi nyang Miss sungit!"

"gaga anong ikaw?! baka ako masungit kaya ako!"

~_~

okay PAYN kayo na masungit.

mga self proclaimed Miss Sungit sana nga kayo na lang eh para hindi ako yung binubuysit ng lalakeng yan

nagresume na ang game kaya medyo natigil na ang topic tungkol kay Miss sungit na yun.

lamang ang Team nina Saltik ng 5points. I must say magaling talaga maglaro yung saltik na yun palagi na nalulusutan yung bantay nya .

madalas ko din syang makitang tumutingin sa akin tapos kikindat.

>.<

kaya ang resulta nagaaway away nanaman ang mga kasama ko sa Team kasi feeling nila sila yung kinindatan nga mokong na to.

tsk.

bahala kayo magagawan dyan.

matatapos na ang laro oh di ba ang bilis lang di ko na din kasi namalayan di naman kasi ako interesadong malaman kung sinong mananalo nakatingin lang ako sa kanila pero di sila pinapanuod.

galing ko no? haha talent ko yan.

"EHEM! EHEM! hoy  sungit!" nagitla ako sa pagtunganga ko ng marinig ko ang isang nakakainis na boses sa speaker , napatingin tuloy ako sa direksyon kung saan nakatayo ang pinaka nakakainis na nilalang na nakilala ko.

finding Mi AMORBasahin ang storyang ito ng LIBRE!