For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

CHAPTER 52

 

LEAD’S POV

Hindi ko alam kung ano ang problema sa akin ni hunter. Kanina pa mainit ang ulo nya sa akin, ako na nga itong lumalayo pero ewan hindi pa din namin maiwasana ng isa’t- isa . Naiinis na talaga ako.

Hindi ko din alam kung saan nya hinugot lahat ng sinabi nya sa akin. talaga bang sumosobra na yung pambabakod ko kay Zaniel? Halata ba masyado? Well hindi naman nila ako masisisi kung gusto kong protectahan ang pagaari ko yun nga lang hindi nila alam yun. Mahirap magtago pero kailangan kong gawin ang gusto ni Zaniel.. naiintindihan ko naman kasi sya , ayaw nya lang makasakit at gusto nyang ipaintindi muna namin sa kanila ang totoo.

Nagwalk out ako pagkatapos ng pagiinitan namin ni Hunter. Di ko ugali ang umiwas sa away pero ayaw ko namang lumala kung ano ang meron ngayon, lalo kasi kaming mahihirapan ni Zaniel kung papatulan ko si Hunter. Naglakad na lamang ako palayo sa cabin namin hanggang sa Makita ko si Zaniel may kausap syang lalake kaya lumapit ako.

 

“anong ginagawa mo dito Zach? Hindi ka naman kasama sa amin diba?” dinig kong sabi ni Zaniel sa kausap. Tinignan ko ang naturang lalaki at Oo nga si Zach pala ito. Pero second year pa alng yan eh kaya bakit sya nandito?

 

“uy Zach! Camp Crasher no?” tanong ko dito. Medyo natawa sya sa tanong ko tapos muling umingin sa ate nya.

 

“hindi nga ako kasama sa inyo ate pero wala namang nagsabing bawal ako pumunta.. may bahay naman tayo dito sa Pampanga and we own the land next to this camp site.” Sabi nya. Medyo napatanga si Zaniel sa sinabi ng kapatid pero wala naman na syang nagawa.

Nagulat din ang iba naming kaibigan ng Makita nila si Zach pwera sa mga kuya nila na sa tingin ko ay inaasahan naman talaga na gagawin ng kapatid nila ito.

This Camping is supposed to be Fun . sana nga , pero hindi ko alam kung maeenjoy ko ba ito kung alam kong may taong galit sa akin. hindi ko alam ung kailan pa ako nagkaPake sa ibang tao kaya nakakainis tuloy.

Napatingin ako sa gawi ni Zaniel, nakatingin din pala sya sa akin . ang mukha nya ay parang nagaalala.. titig na titig sya sa akin na para bang alam nyang may bumabagabag sa akin kaya nginitian ko sya at kinindatan. Mukhang nagulat pa sya sa ginawa ko dahil nakita ko ang kanyang pamumula. Inirapan nya ako pagkatapos at naglakad patungo sa aming teacher na nagtatawag.

Hindi agad ako nakasunod ng mapansin ko na lumabas sina Hunter, Andrei at Nathan sa Cabin. Mukhang galit pa din si Hunter dahil salubong pa din ang mga kilay nya. Ano ba sya di pa din nakakamove on? Tsk. ewan.

Sa tingin ko ay si Andrei lang ang nakapansin sa akin .Tumingin kasi sya sa gawi ko at kumpara kay hunter sya kalamado lang naalala ko sya ang umaawat sa aming dalawa kanina pero hindi nakaligtas sa akin ang kakaibang tingin na ibinibigay nya sa akin, para syang nasasaktan at disappointed. Ano bang nangyayare? Meron pa akong nakita si Tiffany kasunod nilang lumabas at parang ang saya saya nya.

Sinabi n gaming teacher na magsama sama ang mga magkakagrupo kaya hindi maiiwasan na magsama sama kami sa isang tabi nina Hunter. Pero dahil sa hindi ko naman kilala ang iba naming kasama kay Andrei ako tumabi Harmless naman ito eh. Tumingin sya sa akin ng tumabi ako sa kanya at may kakaiba talaga sa tingin nya kinakabahan tuloy ako. Kapansin pansin din ang katahimikan ni Nathan para syang pinagsakluban ng langit dahil laylay ang balikat nya pero ng napatingin sya sa akin ay bigla syang sumimangot at inirapan ako. Tsk parang bading ang gago.

finding Mi AMORBasahin ang storyang ito ng LIBRE!