CHAPTER 29

JUSTINE’S POV

Kanina pako nahihilo kay Zach dahil ikot sya ng ikot sa harapan ko, pabalik balik sya ng lakad at di mapakali. Gusto ko na ngang itali para di na makagalaw.

“Zach pwede bang maupo ka muna kanina pako nahihilo sayo eh, ano ka ba uuwi naman yun malaki na sya alam na nya yung mga ginagawa nila” pagsinghal ni Kuya Zaikel kay Zach pati sya naiinis na din sa kalikutan ng kapatid namin.

“eh sa ba kasi pumunta yun, lahat tayo nakauwi kagabi pero sya hindi eh nauna pa syang umalis sa atin kahapon!” nababahalang sabi ni Zach.

Nagaalala kasi sya dahil di umuwi kagabi si kuya Zander late na kaming nakauwi kagabi mga past 11 na din ata yun pero di namin sya nadatnan kagabi tapos di pa nya sinasagot ang phone nya ngayon.

“alam mo Zach ang O.A mo daig mo pa si Mommy kung magalala sya nga nung nalaman nyang di umuwi si Zander sabi okay baka nagovernight s bahay ng Kaibigan pero ikaw?? B=para kang asawa na di inuwian!” natawa ako sa sinabi ni Kuya Zaikel, sira ulong Zach naman kasi to para namang mawawala yung gunggong nyang kuya ngayon ko lang nalaman na ganito pala sya magalala kahit na palagi silang nagaaway ni kuya Zander sobra sya magalala.

“eh kuya pano kung may masamang nangyare sa kanya? Pano kung nakidnapp pala sya o kaya dinukot ng mga sindikato tapos kukunin yung mga internal organs at ibebenta yung kindney nya! Or worst baka ibinenta sya sa bahay aliwan!!” nagpapanic na sabi ni Zach

=___=

Hay Zach.. ano ba namang imagination ang meron ka??

“so? Anong pinaglalaban mo ngayon Zach?”  tamad kong sabi

Sinimangutan nya ko.

“Zach kung nakidnapp man yun dapat kanina pa or kagabi pa meron ng tumawag dito para humingi ng Ransom money at kung may dudukot man dun palagay mo ba di manlalaban yun? Ano pang silbi ng pinagaralan nyang kickboxing kung dir in nya magagamit pamproteksyon sa sarili nya at yung worst na sinasabi mo?! Tsk asa ka naman! Baka nga maenjoy pa nya yun eh si Zander pa? Natural na ang kalandian sa katawan nun!”  sabi ni kuya at nagtawanan kami si Zach naman sumimangot sa amin dahil di  pa din nya matanggap ang mga binigay na Reasons ni Kuya Zaikel.

“kaninong kaibigan ba sya madalas pumupunta kuya? Baka nakitulog lang yun” tanong ko

“uhm ang madalas nya kasama at puntahan si Jonathan pero ang alam ko wala yun ngayon kasi may Family trip sila” sabi ni Kuya

Jonathan??

Uhm parang familiar yung pangalan pero di ko matandaan kung saan at kailan ko yun narinig?

“wala nabang iba bukod kina Jonathan na pwede nyang tulugan?” tanong ko ulit

Biglang nagliwanag ang mukha ni Zach pati na din ang ulo nya. Ehh? Ano yun light bulb? Seriously?

“waaah kuya! Alam ko na alam ko na!” nagtatalon sya sa Sofa napapagitnaan namin siya ni Kuya kaya nung binato namin siy ng pillow sapol ang magkabilaan nyang mukha “aray naman kahapon pa kayo ah! Pinagtutulungan nyo ko!” sbi nya tapos nagpout pa.

“wag ka kasi magtatalon Zach para kang bata itapon kaya kita?” now a days nagiging bayolente si kuya haha pero joke lang di lang siguro ako sanay na maingay at magulo sya madalas kasi tahimik sya at mahinahon I wonder ano kaya nakain nito??

“eh sorry naexcite lang!” sabi nya tapos nagpacute pa “kuya di pa natin na Check sa Condo baka nandun si Kuya tawagan mo yung front desk itanong mo kung nagpunta dun si Kuya”

finding Mi AMORBasahin ang storyang ito ng LIBRE!