CHAPTER 54

 

JUSTINE'S POV:

 

 Tahimik  kami Bus ng pauwi na, si Tristan na ang katabi ko at ewan ko ba kung asan na si Pretzie ngayon di ko kasi sya nakita na umakyat ng bus o baka naman nauna syang pumasok at di ko lang nakita. Napatingin ako sa Katabi ko na nakapikit mukhang tulog pero alam kong hindi naman.

Hindi ko naintindihan ang sinabi nya kanina. What does he mean by kapatid na matagal na di nakita or perhaps ni minsan di nalaman na nageexist, ano yun may kapatid ba sya na di nya kilala? Kapatid sa labas? Di ko mapaigilan na maisip ang katayuan ko sa bago kong pamilya ngayon. I wasn't a illegitimate child kasi noon pa man nakasunod na kay Dad ang apelyido ko pero hindi ako lumaki sa kanya pero sa mga taong di nakakaintindi ng sitwasyon malamang ganun ang isipin nila. Napapaisip talaga ako sa sinabi ni Tristan, ganun ba yun? May kapatid ba sya sa labas?

Nagaalangan akong magtanong kasi kita ko sa kanya na parang nasasaktan sya, he seemed bitter pa naman kanina ng sabihin ko ang Mommy nya. Narealize ko di ko pa talaga sya lubusang kilala, marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya.

Nagitla ako ng bigla syang magulat ng mata at nahuli nya akong nakatitig sa kanya, a sly smile formed his lips.

 

"Ang gwapo ko ano? I know right!" masigla nyang sabi. I rolled my eyes, his back to normal conceited as ever pero naisip ko mas gusto kong ganyan sya kesa sa kanina, nakakataot syang kausapin kapag malungkot sya. Di panamana ko comforting na tao.

 

"tsk. akala ko ba tulog ka?" masungit kunawri kong sabi.

 

"bakit kung tulog ba ako tititigan mo pa ako?" nakangisi nyang sabi. "Bitin ka pa sa pagtitig?" taas baba ang kilay nya. Tumaas ang gilid ng labi ko at napangiwi. Hampas lupa ang kapal!

 

"kapal muks! Di kita tinitititgan no!" nagiwas ako ng tingin.

Di ko anman sya tinititigan diba? Nakatingin lang naman ako. Magkaiba kaya yun! Tinusok nya sa daliri ang tagiliran ko kaya't napa talon ako sa gulat, sinamaan ko sya ng tingin pero parang balewala lang sa kanya.

 

"weh.. di daw, ramdam ko kaya. Feeling ko nga matutunaw na ako kanina kaya napadilat ako hahaha!" mapangasar at tawang tawa nynag sabi.

 

"Epaloid ka talaga! Ano feeling mo Ice cream ka? Tsk. sana nga may Laser na lang talaga yung mata ko para ngayon wala ka ng mukha!"kabuysit! tawa lang sya ng tawa as much as I want seeing him Laugh naiinis ako kasi ako ang tinatawanan nya. Gago to.

 

"wew! Superman ang Peg? Haha sige sige gusto ko yun pero ikaw syempre ikaw si Supergirl ang super hero Ko! Sa akin lang available ang serbisyo mo hah?" di ako sumagot pinanuod ko lang sya magimagine ng kung ano ano, yes this is him. Masiyahin at palaging nakatawa pero ito nga ba talaga sya? I suddenly doubt my thoughts for him.

Naging madali lang ang byahe namin , si Tristan din a nagawang manahimik at buong byahe na langa akong kinulit di tuloy ako nakatulog pero ayos lang may naikita kasi akong kakaiba sa kanya pakiramdam ko may pinaghahandaan sya.

finding Mi AMORBasahin ang storyang ito ng LIBRE!