CHAPTER 9

JUSTINE’S POV

Excited nako para mamaya sa surprise na gagawin namin para kay Drei pero at the same time kinakabahan ako kasi hindi ko pwedeng igreet or itext man lang siya.

Siguradong magtatampo sya sa gagawin namin pero sabi naman ni Jav magiging okay daw ang lahat.

Nasa loob ako ng room ngayon pero wala sa klase ang isip ko lumilipid sa ibang lugar at ibang tao

Haha galing ng utak ko no may pakpak?

Okay korny .

-____-

Kahit kailan wala akong sense of humor magjoke

Ting! Ting!

Tumunog ng mahina ang phone ko kaya hindi narinig ng teacher ko.

From:Jabillee ^_^

--okay na lahat ikaw na lang ang hihintayin mamaya :)

Text ni Jav .

To:Jabillee

--okay.

Nakapagpaalam nako kina Zakiel at tita para mamaya pero sabi nila ihahatid daw ako ng mga kapatid ko

Di naman masyadong malayo ang dati namin Subdivision sa bago kong tinitirahan

Masyado lang talaga paranoid ang mga kapatid ko kaya ihahatid nila ako

Ang weird nga eh si Zander pa mismo naginsist na ihatid nila ako.

Tsk.

As if I know nalaman nyang may kaibigan akong babae doon na kakakitaan ko kaya ganyan na lang sya kaatat.

Natapos ang klase ng di ko namalayan buti na lang kanina nasagot ko yung tinataong nung teacher ko sa Math kaya di ako napagalitan pero nalaman ko na matagal na pala nya akong tinatawag nung mga time na yun pero di ko sya naririnig

^_^

Sorry naman.

Paguwi agad akong naligo at nagbihis nagtext na din sina Jav na tapos na daw ang klase nila diretso daw ako sa Bahay nina Shane dun namin gagawin ang surprise.

Pagbaba ko ready na din yung tatlo

Seriously?

Silang tatlo talaga ang maghahatid sa akin?

-____-

Hay . bahala na nga sila

“magiingat kayo huh? Zander Drive carefully”  sabi samin ni Tita

Nagpaalam na din kami sa kanya then OFF WE GO

Medyo kinakabahan ako nung nasa kotse na kami pero di ko pinahalata sa mga kasama ko

“ate madami ka bang kaibigan doon?” tanong sa akin ni Zach

“hindi naman, kung sino makikita mo mamaya doon sila na lahat yun” sagot ko dito

Totoo naman eh sila lang talaga mga kaibigan ko madami akong kilala pero di ko sila kaibigan

“ganun? Naeexcite nakong Makita sila sana mababait sila para naman maging kaibgan ko din sila “

Masaya nitong sabi

Sigurado ako magugustuhan nya yung mga yun kasi katulad nya makukulit at maingay sila

finding Mi AMORBasahin ang storyang ito ng LIBRE!