For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

CHAPTER

LEAD’S POV

“Hoy! Mamigay ka naman dyan ang damot damot mo talaga kahit kailan!” sigaw sa akin ni Shane habang kumakain ako ng isang gallon ng Ice cream Cheesecake flavour.

“ayoko nga! Wag kana humingi masyado ka ng mataba para kumain ng Icecream!” sagot ko naman sa kanya.

“aish! Ang damot damot mo talaga Lead kainis ka pero kung si Justine ang hihingi sayo sigurado bibigyan mo!” nagmamaktol din na sabi sa akin ni Lian.

“tsk. syempre naman mahal ko yun eh, kayo? Hindi ko kayo mahal at sino ba kayo para humingi sa akin ng Icecream, di tayo bati nilaglag nyo nga ako kay Hunter eh. Tsk mamatay kayo sa inggit!” naglupasay silang dalawa dun sa gilid. Haha bagay yan sa inyo kasalanan nyo kung bakit ako napiltang hamunin sa laban si Hunter eh. Tsk. tsk. tuloy di ko masyadong masolo si Zaniel ko.

Nakakainis pa hindi ko sya mapuntahan ngayon kasi umalis sila at pumunta sa Pampanga , Family gathering daw so I gave her Privacy naman. First time kasi ni Zaniel na makikilala at makikita ang iba pa nilang kamaganak sa Father side tinetext ko na lang sya, pero di nya ako nirereplayan . Badtrip! >.<

“tch ang sama sama mo talaga si Lian lang naman yun eh , di naman ako” parang bata na nagmamaktol na sabi ni Shane haha takam na takam na sya dito sa Icecream ko.

“and so? Atleast andun kanaman eh, kaya damay ka bleeh!” binelatan ko sya kaya lalo syang nainis.

“hmpt! Para ka talagang si CJ nakakainis!” sabi nya.

Wala akong pakelam sa mga sinasabi nya patuloy lang ako sa pagkain ng Favorite flavour ng Icecream ni Zaniel, I am Practicing to eat all f her Favorite foods para maging soulmate at meant t be talaga kami, naalala ko kasi yung sinabi nya nung halos di ko na malunok yung Ramen na kinain namin nung  monthsarry namin, tsk. eh sa hindi kasi talaga ako mahilig sa maanghang and sad to say mahilig pala dun ang babaeng iniirog ko :( pero okay lang kakayanin ko lahat para lang sa kanya. 

Sarap na sarap nako sa pagkain ko ng magsalita din si Lian at nagagree sa unang sinabi ni Shane.

“oo nga sinabi mo pa, parehong pareho talaga sila ni CJ. Nakakainis kala ko panaman nakatakas na tayo sa kadamutan  at pagka ungentleman ng lalakeng yun, pero hindi pala. May pumalit na mas madamot sa kanya” napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanilang dalawa, sa totoo lang hindi ko alam kung bakit nandito ang mga ito sa bahay namin at hindi lang silang dalawa, kasama din namin ngayon si Jav dito sa Garden ng pero tahimik lang na nakatingin sa Phone nya at minsan nakikinig sa dalawa.

“ako nga din akala ko walang ng mas madamot pa kay CJ meron pa pala, hmpt! Kainis talaga isusumbong kita sa kuya mo!” hindi ko pinansin ang sinabi nya tungkol sa kadamutan ko daw, ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang paulut ulit nilang pagsabi ng pagkakapareho daw namin nung CJ.

“sinong CJ?” curious kong tanong.

“basta, kaibigan namin yun dati at madamot din katulad mo!” sabi ni lian at inirapan pa ako. Di ako nakuntento sa sagot nya . dahil ilang beses ko ng naencounter ang pangalan nay un mas naging curious pa tuloy ako sa kanya.

“sino nga yun?” tanong ko ulit.

“kaibigan nga namin at sobrang close nya kay Justine so ano okay na? bakit ba ang kulit mo?!” iritableng tanong sa akin ni Shane.

“natural magtatanong yan eh ilang beses nyo ba namang sinabing para syang si CJ, eh di naman nya kilala yun”  sabi ni Jav at bahagyang tumingin na din sa amin. Tama sya ilang beses ko ng narinig na Ikinumpara ako dun sa CJ.

una nung araw bago mahospital si Jav ang sabi nila yung sinabi ko tungkol sa pangalan ni Zaniel ganun na ganun din daw ang sinabi ni CJ kay Hunter, tapos ngayon naman pareho daw kaming madamot.. Oh ano pa? Sino ba kasi yun kung maicompare nila sa akin, bakit gwapo bayun? Tsk.

finding Mi AMORBasahin ang storyang ito ng LIBRE!