CHAPTER 26

JUSTINE’S POV

Mabilis lang dumaan ang mga araw di ko na namalayan na Sabado na pala ngayon at mamayang gabi ay ang Company Party na nina Daddy nakaready na ang lahat ang isusuot kong dress ay yung pnili ni Saltik kahit na ayaw ko ang kulay nya magaan naman kasi sya isuot tapos malambot pa dahil wool ang tela ang kaso nga lang dahil matangkad ako medyo maiksi sya sa akin. Tuwang tuwa nga si Zach nung nakita nya yung dress nung minsan na pumasok sya dito sa kwarto ko ang cute cute daw kasi at sobrang girly ng dating pero biglang sumimangot nung sinabi kong s Saltik ang namili nun sabi nya dapat daw ako ang sinama nya nung bumili ako pero okay naman daw yung dress kaya okay na din. Sa totoo lang unti unti nakong naghihinala sa kapatid kung yun eh mahilig sya sa mga cute na bagay tapos kung makakilos maarte pa sa akin tulad ngayon nandito nanaman sya sa Kwarto ko at binubulabog nanaman ako

“ate excited nako mamaya nandun din kasi Si Angela KO business partners din kasi sila ni Daddy sa isang Construction firm natin” nakikinig lang ako sa kanya habang ikot lang sya ng ikot sa loob ng kwarto ko pinapapakelaman ang mga collection kong libro hanggang sa bigla na lang syang tumigil sa pagsasalita nangtaka naman ak kaya nilingon ko sya

Nakatayo sya sa harap ng shelf ko nakatalikod sya sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang tinitignan nya.

“Zach? Anong tinitignan mo?” nagtatakang tanong ko bigla nalang kasi syang nanahimik

Nagulat sya at biglang napaangat ang tingin nya bago nya ako nilingon.

“huh? Ah wala naman ate nakita ko lang tong picture mo nung bata ka pa lang haha ate noon maliit ka palang mukhang masungit kana ah! Haha”  sabi nya tapos tumawa sya na parang awkward pero di ko na lang pinansin yun may topak din kasi yang taong yan kaya normal na syang ganyan.

“tsk. Di ako masungit tahimik lang talaga ako!” depensa ko sa sarili ko

“weh?? Tahimik daw! Tignan mo nga salubong yung kilay mo”  sabi nya sabay pakita sa akin ng picture ko nung bata pako kasama si Lian, Shane, Jav, Drei, Fie, Jeremy at Clyde “yung mga kasama mo sina Lian ba to? Ang galing naman bata palang kayo magkakasama na pala kayo? Nakakaingit naman buti pa sila nakasama kana noon”  sabi nya na parang may halong lungkot at tampo

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

“ayos lang yan Zach atleast nagyon magkakilala na tayo, magkasama araw araw at higit sa lahat nakatira na tayo sa iisang bahay. Kahit na umalis ako dito pa din ako uuwi sa inyo.”

 Umaliwalas ang mukha nya sa sinabi ko nguiti din sya agad tapos biglang tumakbo at tumalon sa kama ko kaya pati ako napatalon din. Aish grabe may balak ba syang sirain ang kama ko?!

“Zach naman bakit tumalon masisira ang kama ko!”asik ko sa kanya pero nginisian nya lang ako at di man lang pinansin ang reklamo ko

“Ate ipromise mo sa akin dito ka palagi uuwi ah, wag mo kaming iiwan kami na ang pamilya mo ngayon . Masaya ako kapag nandito ka kasi may nakakausap ako ng matino”  sabi nya tapos nagtitwinkle twinkle pa yung mata nya

“eh pano ka magkakaroon ng matinong kausap eh ikaw mismo di ka matino” sabi ko sya namang biglang sumimangot tapos lumabi pa haha

“Bad ka ate inaaway mo din ako!” sabi nya na parang bata

Natawa naman ako sa kanya nag kulit kasi ng itsura nya. Hay ganito pala ang feeling ng mayroong nakakabatang kapatid kahit na 1 year lang ang Gap namin ni Zach feeling ko may bata pa din dito sa bahay na nangungulit sa akin.

finding Mi AMORBasahin ang storyang ito ng LIBRE!