CHAPTER 46

 

JUSTINE’S POV

 

 

“guys napansIn nyo ba yung kanina?” sambit ni Lian. Napatingin kaming lahat sa kanya.

 

“ano naman?” tanong ni Zach. Umirap muna si Lian kay Zach bago ito sumagot. Ang arte talaga ng dalawang to.

 

“Yung reaksyon ni Tita at CJ.” Napatitig ako sa kanya.

 

“ bakit ano bang meron sa Reaction nila?” tanong naman ni Kuya Zander.

 

“yung parang bigla silang naging uneasy? Yun ba?  Napansin ko nga.” Ani Jav.

“uneasy? Bakit naman? Di naman sila magkakilala diba?”

Naglalakad kami ngayon papunta sa bahay nina Shane doon kasi ipinark lahat ng mga kotse na ginamit namin kanina papunta kina Tristan. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Akala ko ako lang ang nakapansin nun..

 

“Oo, di sila magkakilala pero masyado silang weird kumilos.” Sabi ni Lian.

 

“ano ba kayo, wag nyo na nga pagtsismisan si Mama at CJ! Baka nagkataon lang na kailangan na talagang umuwi ni Cj at sumama ang pakiramdam ni Mama, mabuti pa umuwi na tayo at magpahinga... napagod ako sa pakikipaglaro kina Princess kanina haha nakakatuwa talaga ang mga batang yun.” Pagiiba ni Shane.

Kahit na papaano ko isipin, hindi maalis sa isipan ko ang mga nangyare kanina... kakaiba talaga ang nararamdaman ko pero siguro nga tama si Shane baka nagkataon lang talaga.

Pagkauwi namin sa bahay nagulat kami nung datnan namin si Dad, na nasa sala kasama si Mama at nanunuod ng TV.

 

“Dad! Nakauwi kana pala? Bakit di mo sinabi?” bumati lahat kami sa kanya, nagmano at humalik pati na din kay Mama.

 

“wala naman gusto ko lang makauwi agad at makapagpahinga.” Ngumiti sya sa akin at ibinaling ang tingin kay Kuya Zaikel “And... Zaikel . Son. We have something to talk about.” Sabi nya ng medyo seryoso.

Nagkatinginan kami ni Zach,bigla kasing parang naging seryoso din ang atmosphere, si Mama ngumiti lang ng bahagya sa amin at si Kuya Zander naman seryoso at ukhang nagaalalang nakatingin kay Kuya Zaikel. Pero si Kuya Zaikel mukhang kalamado lang at inaasahan na ang paguusap nila ni Dad.

 

“Yes Dad. I’ll Just Change.” Sabi nya at naunang umalis.

Bakit ba bigla naman akong kinabahan? Ano ba naman yan... nagiging seryoso ang ikot ng Istoryang ito! Ano bang iniisip ni Author at napakaseryoso ata? Hayyy...

finding Mi AMORBasahin ang storyang ito ng LIBRE!