CHAPTER 32

LEAD’S POV

Takbo dito..

Takbo doon..

Puntang kanan..

Lingon sa Kaliwa..

Nakakahilo, nakakapagod, nakakamatay . Joke , maghapon na Practice sa Basketball lang ang ginagawa namin sa School sa Wednesday na kasi ang Laban namin sa Northzone kaya puspusan na training ang ginagawa namin sabi ni Coach isa sa pinakamatindi naming kalaban ay ang Team nina Zaikel kahit na natalo namin sil doon sa minsan naming practice game ay wag daw kaming magpaka kampante dahil siguradong puspusan din ang Training na ginagawa nila ngayon pero ano pa bang pinanganamba ni coach andito nako? Haha yabang ko.

Maraming students din ang nanunuod sa amin kaya medyo maingay dito sa loob at karamihan doon ay mga babae na kung ano ano pa ang ichinicheer nakakarindi lalo na sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng hunter nayun pero syempre mas madami ata ang supporters ko mas gwapo ako eh at walang panama ang Aso nato sa kagwapuhan ko kita mo nga ayw na syag balikan ni Zaniel kasi nakita nako hahahahaha.

“GO HUNTER! WE LOVE YOU!! KYAAAAAHH!!”

“ANG HOT MO LEAD! SA AKIN KA NA LANG PLEEEEEAAAASSSSE!!!”

“GO BABY RAVEN MAHAL NA MAHAL KITA GALINGAN MO!!”

“WAAAH so gwapo talaga!!”

Kahit na sabihin natin na practice lang ito ay mainit na ang laro na nagaganap dito sa Gym namin dahil magkaiba kami ng Grupo ni Hunter , kanina pa namin pinagiinitan ang isa’t isa kami din ang nagbabantayan, tsk. Aaminin ko OO mgaling sya pero mas magaling ako sa buong laro halos kaming dalawa lang ang nagpapataasan ng score napansin din yun ng mga kasama namin kaya nakipagcooperate sila at talagang seryoso din silang naglalaro. Kasama ko sa grupo si Raven ang aming point Guard at si Ken naman ay nasa Grupo ni Hunter patas lang ang pagkakagrupo sa amin .

Ipinasa sa akin ni Raven ang Bola pero hinarangan ako ni Hunter para di ko ito mashoot , mahigpit ang pagbabantay nya pero balewala sa akin yun magaling ako eh, kaya ayun nalusutan ko sya at nalay up ko ang bola sa Ring pagkatapos kong mashoot ang bola ay nginisian ko sya nagigting ang kanyang panga naiinis na siguro sya.

Tinapik ni Raven ang balikat ko ng bumalik na kami sa mga pwesto namin.

“ang init ng laban nyo ni Hunter ah? Basketball lang ba ang dahilan nyan o may iba pa?” nanunukat na sabi nya mukhang nangaasar tapos nakangisi pa.

“tsk. Ayaw mo nun mas maganda yung practice natin kase serious yung laban” sagot ko sa kanya. Tumango na lang sya at pumwesto na, pagkatapos ng mahabang laro ay pinapahinga muna kami ni Coach lunch na din naman kasi. Umupo ako sa benchers ng mga players katabi ang aking bag at isinukbit ko ang mga braso ko sa sandalan. Whoo! Kapagod pawis na pawis ako pero syempre mabango pa din, tumabi sa akin si Kero isa sa mga kateam ko at kasama nya ang Girlfriend nya pinunasan nito ang pawis nya at inasikaso pa tsk. Kaasar naman tong dalawang to dito pa naglandian sa harapan ko namiss ko tuloy bigla si Sungit sayang di ko sya naabutan dito sa school nato edi sana may nagaalaga at nagpupunas din ng pawis ko pagkatapos ko maglaro. Psh.

Kainis talaga matext na nga lang ang Ms. Sungit ng buhay ko nakakakain na kaya yun? Baka naman masyado syang pinapagod ng Coach nila mababangasan ko talaga yun ayokong pinapagod yun kasi mamahalin ko pa at magpapakasal pa kami *o* waah! Kinilig naman ako dun sa sinabi ko ang sweet ko talaga, wait magpapaawa muna ako sa kanya para naman maging  sweet din  sya sa akin hehe ^_^

To: Babe Sungit ko ^_^

--Babe! Kumain kana? Ako hindi pa gutom na gutom nako kinakawawa ako ng coach namin di nya ko pinapapahinga lutay na yung katawan ko sa pagod :(

finding Mi AMORBasahin ang storyang ito ng LIBRE!