CHAPTER 38

JUSTINE’S POV

Magkahawak kamay kaming pumunta ni Tristan sa loob ng Gym, marami ng tao doon halos siguro lahat ng tiga Danford ay nandoon hindi ko alam kung bakit pero binigyan kasi kami ng Memo na kailangan buong student Body namin ay pumunta sa School kahit na meron o wala ka mang gagawin doon ay kailangan kang pumunta.

Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa din ang tension na nanggagaling sa kanyang nanginginig na kamay, kahit na pinapakita nyang kalamado lang sya alam kong niniisip pa din nya ang mga sinabi ni Hunter kanina.

“kalma ka nga, para kang natatae eh”  biro ko sa kanya para mabawasan ang pagaalala nya.

“tsk. kasalanan ko ba kung ayaw kitang mawala sa akin?” seryoso nyang sabi pero medyo natawa ako, nakakatawa kasi ang itsura nya ngayon halos di mo na maipinta dahil sa sobrang kaba, kahit na ideny nya alam kong ninenerbyos sya.

Buong oras ng awarding ay hawak hawak lang nya ang kamay ko binibitawan nya lamang ito kapag natatawag kami para kuhanin ang award. For the 3rd time nakuha kong muli ang Title ng MVP of the year, ganun din si Kuya Zander sa VBall Boys,si Tristan ay sya ding Mvp para sa Basketball, nanalo din pala sa Badminton single si Zach at MVP din sa Football si Kuya Frenan. Masaya ang lahat pero di pa din mawala ang tension kay Tristan

“C.R lang ako” paalam ko sa kanya, naiihi kasi ako at hawak nya ang kamay ko kaya di ako makaalis.

“samahan na kita” akmang tatayo na sya pero pinigilan ko

“ako na lang malapit lang naman” nang una ay ayaw nyang pumayag, ayaw talaga naynag mahiwalay sa akin pero sabi ko isasama ko naman si Lian kaya pumayag na din sya.

Nung pababa nako sa Bleachers ay nahagip ng mga mata ko si Hunter na nakatingin sa akin, mataman nya akong pinagmamasdan pero di ko sya pinansin.

Di ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis sa kanya.  nananahimik na ako, kinakalimutan ko na ang ginawa nya parang Handa na nga akong tanggapin sya muli bilang KAIBIGAN pero bakit ngayon nanggugulo sya? Ang dami ng nagbago sa akin, nagagawa ko ng tumawa at sumaya ulit tapos babalik sya? Handa naman akong tanggapin ulit sya bilang kaibigan at sa tingin ko ay hanggang doon na lang yun.

Pumasok kami sa C.R ni Lian , napansin kong nananahimik sya siguro hanggang ngayon naguilty pa sya dun sa nasabi nya kahapon.. haha wala nay un angtampo lang naman ng Konti si Tristan sensitive yun eh naalala ko tuloy sa kanya CJ para syang si Tristan.

“oy bat ang tahimik mo ata ngayon?” nakaharap kmai sa Salamin nakatingin ako sa kanya doon, nakatungo sya at para bang nahihiya.

Oh? Marunong pala tong mahiya? Haha joke lang.

Umiling lang sya tapos ngumuso.

“Sorry Justine” mahina nyang sabi

“kung yung tungkol dun sa kahapon wag mo ng isipin yun, wala na ayos na si Tristan kunwari lang na ang tampo yun pero ang totoo gusto lang magpalambing” tumingin sya sa Reflection ko sa Salamin. Umilig sya ulit nagtaka naman ako “eh? Kung hindi yun ano?”

 Lumabi sya, ginagawa nya lang yun kapag may nagagawa syang kasalanan.

“bakit anong nagawa mo?” seryoso kong tanong

Nagaalangan syang magsalita, alam kong may tinatago talaga sya di kasi sya ganito palagi yang maingay at madaldal at kapag nanahimik sya alam na alam mong may ginawa syang kasalanan.

finding Mi AMORBasahin ang storyang ito ng LIBRE!