CHAPTER 23

ZANDERS POV

“Badtrip!”  mahinang sabi ko sa sarili ko

Naiinis ako sobra, bakit ba kasi umuwi pa yung hayop nay un tsk. Kala mo kung sino wala pa ri pinagbago.

Pagkatapos naming magaway or what We call magkasagutan kanina ni Prince agad akong umalis dun, di naman sa naduwag at natatakot ako sa kanya umiiwas lang ako sa  mas malaking gulo alam kong di sya titigil hanggat sumasagot ako, unhang yun eh ayaw  palaging magpatalo.

Tsk. Ang yabang nya! Tignan lang nya iiwan din sya ng Girlfriend nya ngayon which is my Ex. Wag muna natin sabihin ang pangalan nya forbidden word kasi yun sa akin, hindi ako bitter it’s Just I don’t want her to ruin my Life again okay nako ngayon I’m Happy already ayoko ng guluhin nya pako. Kung gusto  nya sakanya na sya asa namang maghahabol ako May Javy naman ako haha

Nandito ako ngayon sa mall magpapalamig muna ako. Nagtataka siguro kayo kung paano ako nakalabas ng school? Well di kasi ako dumaan sa front Gate dun ako sa Likod lumusot lang ako sa barricades nagtaxi lang din ako papunta dito dahil nasa loob ng school parking ang kotse ko.

Hay nakakastress talaga ang buhay kanina nakita ko ang pagkagulo sa mukha ni Jussy alam kong gusto nyang magtanong pero mas pinili nyang manahimik at makinig lang sa amin. Nakakainis bakit ba kasi kailangan pang ilabas ng gagong yun ang mga hinanakit nya sa akin kung tutuusin nga wala naman akong kasalanan sa kanyayan tuloy nasaksihan pa ng kapatid ko ang mga nangyare nakita pa nyang nasuntok ako tapos di ako gumanti.

Hindi kasi ako yung tipo ng tao na kapag sinaktan ka gantihan mo at saktan mo din, hindi ako palaaway minsan lang kapag kailangan talaga.

“Miss sige na sumama kana kasi sa amin mamamasyal lang naman tayo tapos mageenjoy!” dinig kong sabi ng isang lalake na nasa likuran ko di ko siya nilingon wala naman akong pakelam sa kanila , nakaupo ako sa isang bench sa gitna ng Mall

“ano ba?! ano ba sa AYOKO ang hindi nyo maintindihan?!” mataray na sagot ng babae sya siguro yung kausap nung lalake.

Tsk ang taray ni ate naalala ko tuloy si Grumpy Javy ..haha nakakamiss talaga ang katarayan ng babaeng yun sa halip na mabadtrip ako sa kanya masisiyahan pako sa pagtataray nya sa akin.

“Miss wag kana pakipot!” sabi pa ng isa pang lalake

“bakit ba ang kulit nyo kuya?! Ayoko ng kasama kaya nga ako magisa ngayon kasi ayaw ko ng may kasama diba?! Tapos ngayon gusto nyo sumama ako sa inyo? Eh hind ko nga kayo kilala eh!!”  sagot ng babae medyo malakas na din ang boses nya parang frustrated at sobrang inis

“ang taray mo naman masyado Miss ikaw na nga tong sasamahan eh ang arte mo pa tara na kase wag kana pakipot di ka na man masyadong kagandahan. promise mageenjoy ka kasama namin!” may halong kapilyuhan ang tono ng pananalita ng lalake tsk. Modus ng mga to puipick up ng  mga babae

“Ay wow naman kuya! Hiyang hiya naman ako sayo ako di kagandahan?! Eh kapag nadikit ka nga sa akin magmumukha kang alaly or worst hardinero namin sa bahay grabe ka lang ah! Nakakaloka ka kuya!” medyo natawa ako sa sinabi ng babae , di ko pa din sila nililingon kaya di ko alam kung ano ang itsura nila pero sa way ng pananalita ng babae siguro mayaman to may hardinero eh haha

“sira ulo kang babae ka! Itong mukhang to? Hardinero at alalay mo? Mahiya ka nga sa malaki mong salamin! Pasalamat ka at pinagtatyagaan pa namin yang itsura mo!”  galit na sabi ng lalake

“bakit anong problema mo sa itsura ko? Pinoproblema mo yung kagandahan ko? Aba di dapat mukha ko ang inaalala mo yang mukha mo dapat!”  tuluyan nakong natawa sa kinauupuan ko, pinagtitinginan nadin ako ng mga tao na malapit sa akin kasi tumatawa ako magisa , hahahaha! Laughtrip si Ate ano ba kasing itsura ng mga nangungulit sa kanya?

finding Mi AMORBasahin ang storyang ito ng LIBRE!