I smiled. "Hi Ate. Nabisita lang ako dito. Gusto ko lang makita si Mom. Uuwi narin ako."

Hindi ko na sila hinayaang magsalita. Ayoko nang makipagusap. Sasakay na sana ako ng kotse ko nung nakita ko si Taehyung na tumatakbo papunta saakin.

"Entice."

"Oh, Taehyung? Sorry kanina ah, naistorbo ko pa kayo ni Ate."

"Entice, let me explain."

"Explain? I need to go, Tae. Mamaya nalang. Masakit ulo ko."

__________

Miranda's POV

Ano kayang flavor masarap? Mocha or Strawberry? Mocha nalang. Bibisitahin ko kasi si Ann. Dadalhan ko ng cake. "Ate, isang mocha cake nga po."

Napatingin nalang ako sa ibang cakes. I like sweet foods. Napalingon ako sa tumabi saakin. Wow, biniyayaan siya ng malusog na ilong.

"Ito na po yung cake niyo, Ma'am." Sabi nung cashier.

Inabot niya saakin yung cake at syempre, nagbayad ako. "Salamat."

Aalis na sana ako ng may humablot sa cake ko. What? Yung ilong. "Hey nose man, akin na yung cake ko!"

"Akin nalang. Gutom na ako eh."

Kawawa naman to. Ang gandang lalaki pero pulubi. "Naku, pasensya na. Nasaan na yung mama mo?" Naaawa kong tanong. Bakit naman siya pinapabayaan?

Kawawa naman. "Miss, i'm not poor. Favorite ko kasi yung mocha cake." Sabi niya. Ang weird naman nito.

Grabe naman. Aalis na nga lang ako dito. Medyo nainis ako. "Wait Miss, what's your name?"

"Miranda."

____________

Taehyung's POV

Gago ako. Kasalanan ko naman talaga. Nagpaakit ako. Malandi kasi yung Ate niya. Sinabunutan ko nalang yung sarili ko.

"Tae~ Ok lang 'yan." Sabi ni Irene. "Kung sayo okay, saakin hindi!"

Nagulat siya sa pag sigaw ko. "Akin kalang, V. Kahit anong lapit mo sa kapatid ko, akin ka lang."
Entice's POV

BWISIT! Ang lalandi. Hindi ko alam kung sinasadya ni Ate Irene 'to eh. Hindi na tama yung ginagawa nila. Hello? Kakasal na kami ni Taehyung.

"Hayaan mo sila, Entice. Sinungaling talaga si Taehyung." Bulong ko sa sarili ko.

So lahat ng sinabi saakin ni Taehyung, Hindi totoo? Hindi niya ako mahal. Oo nga pala, papaasahin niya lang ako. Muntik ko nang makalimutan. Akala ko kasi totoo eh.

Humiga nalang ako sa kama ko. Itutulog ko nalang 'to.

________________

When i woke up, I saw Taehyung sleeping beside me. Hindi ko siya pinansin, tumayo nalang ako para magshower. Pipili na ako ng wedding gown ngayon.

Sana may bagong maganda. Nagsuot lang ako ng black tshirt and shorts. Nung lumabas ako, nakita ko si Taehyung na nagcecellphone.

Katext siguro si Ate Irene. Napatingin siya saakin. "Why are you wearing shorts, Gabrielle?"

"You don't care. And don't call me Gabrielle."

Lumabas ako ng kwarto pero sinundan niya ako. Hinatak niya ako paharap sakanya. "Sorry.."

He hugged me tightly. "I hate you, Mister." Sabi ko habang pinapalo ang dibdib niya pero yakap yakap niya parin ako.

"Ikaw lang, promise."

"Ako lang? Ano yung ginagawa niyo ni Ate?"

"Maniniwala ka ba saakin?"

I nodded. "Nilalandi niya ako."

Natigilan ako. Umiling ako at ngumiti. "N-No. Hindi 'yan magagawa ni Ate, V." Sagot ko.

He rolled his eyes. "Akala ko ba maniniwala ka, Entice?"

"K-Kasi hi-"

"Punta lang akong BigHit."

Kinuha niya yung bag niya at umalis. Hindi gagawin ni Ate Irene 'yun. Simula nung bata ako, si Ate Irene yang lagi kong kasama.

Nagaaway man kami, nagbabati naman agad. I shouldn't be stress. Titingin nalang ako ng gown.

Kinuha ko yung bag ko at sumakay sa kotse ko. Habang nagdadrive ako, hindi ko maiwasang isipin yung sinabi ni Taehyung. Dapat ba akong maniwala?

Tatawagan ko nalang si Ann at Miranda para masamahan ako sa pagpili ng gown.

__________

"Girl, mas gusto ko 'to." Wika ni Ann at pinagmasdan ang gown. Kaso, yung gown na yon yung nakareserve para kay Ate Irene.

I smiled. "Kay Ate Irene yan eh."

"Huh? Kakasal rin ba 'yon?" Tanong ni Miranda. Umiling ako.

"Hmm, i smell something fishy."

Wag naman sana.

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon