Chapter 34: Heartaches <\3

Magsimula sa umpisa
                                    

"What is it babe?" at sa puntong iyon ay nakaramdam ng kaba si Tyron dahil sa seryosong mukha ng dalaga.

"I want you to be honest with me," matigas na wika nito. "Even if it hurts me, gusto ko 'yung totoo." seryosong turan ni Amara.

"Okay babe, what's your question?" kinakabahang tanong ni Tyron dito.

Humugot muna ng malalim na buntong hininga si Amara sabay sabing, "Anong ginagawa niyo ni Cassie sa fire exit, kagabi?" diretsong tanong nito habang matamang nakatingin sa mga mata ng binata.

Natigilan saglit si Tyron bago ito sumagot. Ikinuwento niya ang lahat at buong detalye kung bakit sila nasa fire exit ni Cassie, nang gabing nakita sila ni Amara.

Natahimik lang si Amara sa kanyang mga narinig, wala ni isang salita ang lumabas sa bibig nito. Kaya naman mas nabahala siya sa katahimikang ipinapakita ng dalaga.

"Babe, I know galit ka. Slap me if you want but please, 'wag 'yung ganyang tahimik ka. Mas pipiliin ko na magalit ka sa 'kin. pero 'wag naman ganyan babe, please." nag-aalalang sambit ni Tyron habang pilit na hinuhuli ang paningin ng kanyang kasintahan.

Nagulat na lang ang binata nang biglang nagsalita si Amara ng malungkot habang nakatulala.

"Alam mo Tyron, marami ng lalaki ang nanloko sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit nila ako sinasaktan ng ganoon, ginagawa ko naman lahat para sa kanila. Minamahal ko sila kahit wala ng matira para sa sarili ko." nang maisambit ni Amara ang mga katagang iyon ay mabilis na nagbagsakan ang kanyang mga luha, na kanina pa niya pinipigilan.

"Dati may lalaki akong sobrang minahal, binigay ko lahat ng atensyon at pagmamahal ko sa kanya. Pero niloko niya ako, sila ng babaeng pinagkatiwalaan ko." anito sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

"Pinagmukha nila akong tanga, halos magmakaawa na ako sa kanya. Kamuntikan ko pa ngang ibigay pati ang pagkababae ko 'wag lang n'ya akong iwan."

"I know sa mata ng ibang tao sobrang pathetic ko, na kahit pride ko nilunok ko na, para sa lalaking minahal ko." ani Amara saka pinunasan ang kanyang mga luha.

"Pero h-hindi pala sapat ang lahat ng 'yon, para magstay siya sa tabi ko." halos humagulgol na si Amara dahil hanggang ngayon ay parang sariwa pa rin ang alaala ng nakaraan.

"Kaya sinabi ko sa sarili ko, na simula nang araw na 'yon, mawawala na ang Amara'ng tatanga-tanga na hahabol sa mga lalaki. Mas magiging matapang na 'ko para sa sarili ko. Hinding-hindi na ako masasaktan at lalong hindi ko na sasayangin ang mga luha ko para lang sa mga walang kwentang tao." malungkot na turan ng dalaga saka tiningnan mata sa mata ang binata.

"Pero bakit ganoon Tyron, bakit umiiyak pa rin ako hanggang ngayon? Maayos na 'ko eh, pero bigla kang dumating. Akala ko naglilibang lang ako sa'yo, pero habang lumilipas ang mga araw lalo lang ako nahuhulog sa nararamdaman ko para sa'yo." At sa puntong iyon ay hinawakan ni Amara ang kamay ng binata saka ito tiningnan sa mata saka nginitian ng pilit.

"So please Tyron, habang maaga pa, please maghiwalay na tayo. Habang kaya ko pang iahon ang sarili ko sa pagkakahulog sa pagmamahal ko sa'yo." pakiusap nito sa binata at nagulat na lang siya nang bigla siyang yakapin ni Tyron ng sobrang higpit.

"Babe, no..." umiiyak na usal ng binata.

"Mahirap para rin para sa akin ito, pero habang kaya ko pa, nagmamakaawa na ako sa'yo." humahagulgol na saad ni Amara habang pilit na inilalayo ang sarili sa kanyang kasintahan.

Mas hinigpitan pa ni Tyron ang pagkakayapos sa dalaga sabay sabing, "No no no! Babe please, don't give up on us. I love you so much, that I don't know how to live anymore kung mawawala ka sakin." at sa puntong iyon ay sobra na rin sa paghagulgol si Tyron dahil sa isipin na mawalay sa kanyang kasintahan.

Inalis naman ni Amara ang pagkakayakap kay Tyron at hinawakan ang magkabilang pisngi ng binata.

"Tyron..." tingin sa mga mata ng binata. "I love you too, but I need to do this for myself. Nasaktan ulit ako sa isa na namang pagkakataon. Nalamatan na ang tiwala ko para sayo, kaya please, pakawalan mo na 'ko." pagmamakaawa ng dalaga habang nakatingin sa mga mata nang lumuluhang binata.

Umiyak naman si Tyron at hinawakan ang kamay ni Amara, na nakahaplos sa kanyang mga pisngi, "Babe don't leave me please, I will fix the mess that I made. Just give me another chance, please babe, please." nagmamakaawang pagsusumamo nito habang ang kanyang mga luha ay patuloy pa rin sa pag-agos.

"Tyron don't make it hard on me please, masakit din para sa 'kin ito. Ayoko na habang tayo ay pagdududahan kita, na kahit wala ka namang ginagawa ay paulit-ulit akong kukutiltilin ng utak ko. Kaya please, I'm begging you."

Sandaling katahimikan ang pumagitna sa dalawa, tanging mga hikbi at buntong hininga lamang nila ang maririnig sa loob ng silid.

"Can I ask you a favor, for the last time... Babe?" malungkot na saad ni Tyron sa dalaga habang nakayuko.

"Sure what is it?" sabi ni Amara habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"Pwede pag-uwi na lang natin ng Manila, natin simulan ito, please?" pagmamakaawa ni Tyron sa dalaga.

Huminga muna ng malalim si Amara saka ngumiti ng pilit kay Tyron, "Okay..." aniya bago ito nginitian.

Nagulat naman si Amara nang bigla siyang yakapin ni Tyron nang sobrang higpit, "Than you, babe. I love you." usal ng binata habang umiiyak ng palihim.

Hindi naman sumagot si Amara sa sinabi nito, kaya't muling nag salita si Tyron nang, "Please say you love me too, babe."

"I love you too, babe." alanganing sagot lang ni Amara rito, dahil baka magbago ang kanyang isip kapag nagkataon.


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon