Chapter 32: bonFIRE

Start from the beginning
                                    

"Babe, where have you been? Alalang-alala ako sayo, bakit lasing na lasing ka?" usal ng binata bago tiningnan ang mukha ng dalaga.

"Wala kang pakielam! Manloloko!" sigaw ni Amara at buong pwersang itinulak si Tyron.

"Babe what do you mean? Hindi kita niloloko."

"W-wag mo akong lokohin, n-nakita ko kayo!" lasing na anas nito sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

"Babe stop it! Hindi kita niloloko ano bang sinasabi mo?" walang ideyang tanong ni Tyron sa nagwawalang dalaga.

Hindi na nagsalita pa si Amara at patuloy ito sa paghampas sa dibdib ng binata. Patuloy din naman sa pagsangga si Tyron dito, bago niyakap ang dalaga ng sobrang higpit sapat na para hindi makagalaw ito.

Nagpupumiglas pa rin si Amara, ngunit sa puntong iyon ay medyo mahina na ang mga hampas nito at bigla na lang nawalan ng malay sa sobrang kalasingan.

Nang maramdaman ni Tyron na tumigil na si Amara, ay hindi na siya nag-atubili at ura-urada niya itong pinangko. Dinala niya ito sa kwarto ng mga babae at mababakas sa mukha ni Tyron ang lubos na pag-aalala.

"Sige na Kuya Tyron, kame nang bahala sa kanya." ani Cindy.

"Are you sure? I can help you guys if you want."

"No need fafa Tyron, kayang kaya na namin 'to." saad naman ni Jefra.

"Alright just take care of her, text me if you need anything." malungkot na turan nito bago hinalikan ang dalaga sa noo.

Mabilis tinungo ni Tyron ang kanilang sariling kwarto, bago naglinis ng sarili. Humiga ito sa kama habang inaalala pa rin si Amara,

"What happened to you babe? Bakit ka galit sa 'kin? Anong ibig mong sabihing nakita mo kami?" naguguluhang tanong ni Tyron sa kanyang isip.

"Sh*t! Di kaya nakita niya kami ni Cassie sa fire exit?" Napasabunot na lang si Tyron sa kanyang buhok nang maalala ang nangyari kanina.

Flashback

Papunta si Tyron sa comfort room nang bigla siyang sundan doon ni Cassie, "Tyty!" napalingon naman ang binata nang mapagtanto kung kaninong boses ang tumawag sa kanya sa loob ng banyo.

"Cassie, what the hell are you doing here? This is a mens room for pete's sake!" bulyaw ni Tyron dito.

"I just wanted us to talk."

"Talk about what?" iritableng sambit ni Tyron.

"About us Tyty, about us." naluluhang sabi ni Cassie sa binata.

"You know what, this conversation is useless!" bulyaw nito sabay umalis sa harap ng dalaga.

Nang akmang papunta na si Tyron sa labas ng lobby ay mabilis siyang hinila ni Cassie papasok sa fire exit bago ito niyakap ng sobrang higpit.

"Are you crazy, woman?!" singhal ng binata rito.

Hindi na nag-abalang sumagot pa si Cassie at saka niya sinunggaban ito ng mapusok na halik sa labi. Patuloy lang sa paghalik ang dalaga kay Tyron, sa una ay tutol ang binata ngunit nang kalaunan ay nadala na rin ito, dahil sa tama ng alak.

Lumalim ang kanilang mga halik habang ang mga kamay ni Cassie ay naglalakbay na sa katawan ng binata. Mabilis na hinubad ng dalaga ang damit ni Tyron at kusa na rin naghubad ng damit si Cassie sa harap nito.

Nasa impluwensya ng alak si Tyron, kaya't ganoong na lang ang init na kanyang nararamdaman, nang makita ang hubad na katawan ng dalaga. Dala ng init at tawag ng laman ay bigla na lang binuhat ng binata si Cassie at marahas itong isinandal sa pader.

Pinaghalong init at pananabik ang nararamdaman ni Cassie ngayon, kaya hindi na n'ya tinigilan pa na lasapin ang mga labi ni Tyron.

Nasa ganoong posisyon sila nang biglang rumehistro sa utak ng binata ang mukha ni Amara na nakairap sa kanya. Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Tyron at natauhan ito't itinigil ang ginagawa nilang kasalanan.

"I am sorry cassie nadala lang ako... Mali itong ginagawa natin, magbihis ka na." sabay inabot ang damit ng dalaga.

"I am not sorry Tyron, ituloy natin mahal na mahal kita!" umiiyak na sabi ni Cassie habang patuloy sa paghalik sa leeg ng binata.

"Cassie alam mong tapos na tayo. Bago pa ako umuwi ng Pilipinas ay nag-usap na tayo 'di ba?" singhal ni Tyron dito.

"Pero mahal pa rin kita Tyron, please come back to me sweetie, please" umiiyak na makaawa ng dalaga na kulang na lang ay lumuhod sa harap nito.

"No cassie, this is wrong. Mahal ko si Amara at hindi ko kayang lokohin siya."

"D*mn you Tyron! Tandaan mo akin ka lang! Hindi ka pwedeng mapunta sa kanya!" galit na anas ni Cassie sabay takbo palabas ng fire exit.

Naiwan naman si Tyron na frustrated. Ilang saglit lang ay inayos na n'ya ang sarili at lumabas na rin ng fire exit.

End of Flashback

"You stupid moron!" singhal ni Tyron sa kanyang sarili. "Paano mo nagawa kay Amara 'yun?! May dahilan talaga s'ya para magalit sayo!"

"I'm sorry babe, I'm so sorry." naluluhang sambit nito sa kanyang isip. Napagpasyahan na lang ng binata na matulog na lang at bukas na kakausapin ang kanyang nobya.


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes

Crush at First Sight ✔️ (Published) Where stories live. Discover now