Chapter 32: bonFIRE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nasaan na si babe?" tanong ni Amara sa kanyang mga kaibigan.

"Nagbanyo lang bakla." lasing na sagot naman ni Jefra.

Napatingin naman si Amara sa gawi ni Cassie at nakita niyang wala rin ito sa kanyang kinauupuan. Bigla namang kinutuban si Amara sa isiping baka magkasama ngayon sina Tyron at Cassie, kaya't walang sabi-sabing pumunta na rin siya sa comfort room para sundan ang kanyang kasintahan.

"Bakit wala siya?" pabulong na sambit ng dalaga nang puntahan niya ang bakanteng banyo ng mga lalaki. Napagpasyahan ni Amara na puntahan na si Tyron sa kwarto ng mga boys.

Ngunit nang akmang papasok na s'ya sa elevator ay biglang napansin niyang lumabas si Cassie ng fire exit door habang umiiyak.

Nagtago si Amara sa gilid para hindi siya makita nito. Nang aktong lalabas na sana ang dalaga ay bigla naman niyang napansin, na lumabas din si Tyron sa fire exit kung saan galing si Cassie.

"Anong nangyayari, bakit magkasama sila sa fire exit?" tanong ni Amara sa kanyang isip. Hindi naman namalayan ng dalaga na may luhang tumakas na pala sa kanyang mga mata. Tumakbo ito papalabas ng resort at pumunta sa kalapit na bar, para doon maglabas ng sama ng loob.

"Ano ba talagang meron sila, bakit sila magkasama?!" sigaw ng dalaga sa kanyang isip. "Niloloko na ba ako ni Tyron?!" lumuluhang sambit ni Amara sabay tinungga ng isahan ang kanyang iniinom na alak.

"Waiter another round please! Iyong sobrang tapang ha!" sigaw niya sa bartender.

*****

Sa kabilang dako naman ay alalang-alala na si Tyron at ang kanyang mga kaibigan kakahanap kay Amara.

"Babe where are you?" sa isip ng binata habang patuloy sa pagtawag sa telepono ng kanyang kasintahan, na hindi man lang sumasagot.

"Sh*t! Where are you babe, please answer your phone." frustrated na sambit ni Tyron.

"Ano nacontact mo na?" tanong ni Cindy.

Umiling lang ito sabay sabing, "Ano ba talagang nangyari, bakit siya umalis?"

"Nagising siya bro, bigla kang hinanap." kibit balikat na turan ni Migs.

"Tapos sinabi ko nag-CR ka lang." sabat naman ni Jefra.

Nag-isip sandali ang mga kaibigan ni Amara, nang maalala kung saan possibleng pumunta ito, "Alam ko na baka nandoon sa bar malapit dito." ani Cindy.

"Korek, doon kame pumupunta kapag nabitin kame sa inom." sagot ni Jefra.

"So ano pang hinihintay natin, puntahan na natin si Amara." wika naman ni Mark.

"Tara!" sabay na tugong ni Drake at Bianca.

Akmang lalabas na sila ng lobby nang biglang dumating si Amara. Mugto ang mga mata nito at gegewang-gewang maglakd dala ng sobrang kalasingan.

"Babe!" sabay takbo ni Tyron at niyakap ito ng mahigpit.

"Oh! Tyty nandito ka pala." sinisinok na usal nito.

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon