Chapter 30: Mr. Possessive

113K 2.3K 55
                                    

Chapter 30

Mabilis lumipas ang mga araw at lalong tumibay ang relasyon nila Tyron at Amara. Naging super close ang dalaga sa pamilya ni Tyron, lalo na kay Becca na talagang love na love ito dahil nagkakasundo ang dalawa pagdating sa girl's stuff, and of course! Makeup's which they truly loved.

Habang nasa cafeteria ay biglang nagsalita si Amara nang, "Hay salamat! Sembreak na next week. Yahoo!" hiyaw ni Amara dahil sa wakas tapos na ang kanilang stress days sa pag-aaral.

"Oo nga bes, makakapahinga na rin tayo. Grabe ang stress this past months." relief na sagot naman ni Cindy sa kanyang kaibigan.

"Outing kaya tayo mga baklush?" biglang pag-anyaya ni Jefra.

"Game!" sabay na sagot nina Cindy at Bianca.

"Tanong ko muna kay babe, baka kasi may puntahan din kami."

"Ay grabe bakla nakakatampo," sabay irap ni Jefra. "Kayo lang talaga ni fafa Tyron, hindi kame kasama?" nagtatampong saad nito sa dalaga.

"Bestfriend mo pa ba ako, Amara?!" may galit na pahayag ni Cindy.

"Hahaha! Syempre joke lang bes, alam naman ni babe na tuwing sembreak tayo-tayo ang magkakasama. Relax 'yung ilong mo umuusok na naman." humahalakhak na turan ni Amara sa kanyang mga kaibigan.

"Oh siya, so what's the plan?" pagtatanong ng dalagang si Bianca.

Nasa ganoong pag-uusap ang magkakaibigan nang biglang bumungad sa kanila si Tyron, "Hi babe, what plan?"

"Oh babe nandito ka na pala, sama ka sa outing namin next week ha?" ani Amara saka humalik sa pisngi nito.

"Of course babe," sabay halik sa labi ni Amara. "I will go with you, kahit saan."

"So sa dati pa rin ba?" pagtatanong ni Bianca.

"Dati, where?" nagtatakang sambit ni Tyron bago napatingin kay Bianca.

"Saan pa, edi sa Amara's Beach Resort." sabay-sabay na saad ng magkakaibigan.

Tumingin naman si Tyron sa kanyang kasintahan na ngayon ay nakangiti ng sobrang tamis, "You have you're own Resort, babe?" hindi makapaniwalang usal ni Tyron dito.

"My parents named it after me, so yeah parang ganun na nga." natatawang sambit naman ng dalaga.

"Nice, hindi ko alam na big time pala ang baby ko." hindi makapaniwalang turan ni Tyron saka yumakap sa dalaga.

"Now you know fafa Tyron. So you better stop right now thank you very much, I need somebody with the human touch na 'yang kasweetan niyo. Baka langgamin tayo dito." sabi ni Jefra with matching kanta pa ng paborito niyang kanya ng spice girls.

"Ako na bahala sa van, babe. Isama na rin natin sila Mark, Migs and Drake, okay lang ba?" ani Tyron sa dalaga.

"Yehey may mga fafabols na kasama, exciting!" masiglang sambit ni Jefra habang pumapalakpak pa.

"Kaw bakla basta lalaki kating-kati ka." napapailing na sabat ni Cindy.

"Alam mo 'yan bakla." sabay flip hair si Jefra.

"Okay settle na lahat. Don't bring anything, just bring yourself and your bikini's girls!" ani Amara.

"Yahoo! Amara's Resort here we come!" sabay na sigaw nina Jefra at Bianca.

*****

Kinabukasan, aligagang nag-aayos na ng kanyang mga gamit si Amara, "Shemay naman oh, bakit kasi late na ko nagising." inis na sambit nito sa kanyang sarili.

Crush at First Sight ✔️ (Published) Where stories live. Discover now