Chapter 29: Meet the Anderson's

Magsimula sa umpisa
                                    

"Good evening, hija," saka ito bumeso sa dalaga. "I'm glad nagkita na rin tayo. Hanggang sa kwento lang kasi kita nakilala." natatawang saad ni Cris nang humiwalay ito sa dalaga.

"Nice meeting you din po, maam." nahihiyang sambit ni Amara, dahil naiilang talaga siya sa presensya ng Ina ni Tyron.

"Drop the Maam, just call me Tita or Mommy Cris if you want. I'm sure Tyron will be happy if you start calling me Mommy Cris." nakangiting sambit nito sa dalaga.

"Sige po Tita..."

"Okay go to the living room, patapos na rin ako dito sa mga niluluto ko." ani Mommy Cris.

"Thankyou po, Tita." nakangiting tugon ni Amara.

Nagpunta naman ang magkasintahan sa living room at naupo sa sofa, "Becca come here." tawag ni Tyron sa kanyang kapatid nang makitang sumisilip ito sa kanila ni Amara.

"Yes kuya?" anito nang makalapit sa kanilang kinauupuan.

"From now on, she's your Ate Amara. Di ba you wanted to have an Ate before?"

"Really kuya?" namimilog ang mga matang sambit nito bago binalingan si Amara. "May Ate na ako, yes!" anito saka yumakap sa dalaga.

Napangiti naman si Amara sa kalambingan ni Becca kaya hinagkan niya rin ito na parang kanyang sariling kapatid.

"Is it fine with you Ate, if i call you Ate Ara?"

"Oo naman Becca, gusto ko rin magkaroon ng baby sister, before." nakangiti niyang sambit dito.

Matapos noon ay nagchikahan na ang dalawa at humantong na sa sabay-sabay na hapunan. Nailang naman si Amara sa striktong presensya ng Ama ni Tyron.

"Babe, I want you to meet my Daddy Richard." pagpapakilala ni Tyron sa kanyang Ama.

"Good evening po sir, I'm Amara po." alanganing wika ni Amara rito.

"Good evening din young lady, So you're Tyron's girlfriend?" mabusising tinignan siya nito.

"Yes sir."

"Just call me Tito, you're really beautiful hija. My son is lucky to have you as his girlfriend, right Becca?"

"Yes dad, ewan ko ba kung anong nagustuhan mo d'yan kay Kuya, pangit n'yan eh." natatawang buska ni Becca rito.

"You little bratt, edi pangit ka rin. Magkamuka kaya tayo." ani Tyron saka ginulo ang buhok ni Becca.

"Iiihhhhh... Kuya naman eh, why did you have to do that? You're always messing my hair." iritableng sabi nito saka umirap sa kawalan.

"You two, stop that. Mamaya n'yan magkaasaran pa kayo." suway ni Mommy Cris sa kanyang mga anak. "Hija kain lang ng kain, Tyron said, favorite mo raw ang kalderetang baka kaya niluto ko talaga 'yan para sa'yo."

"Thankyou po, Tita." nahihiyang saad ni Amara.

"So hija, how are you related to Roberto Gomez?" biglang pagtatanong ni Daddy Richard.

"He's my father po, Tito." magalang na saad naman ni Amara rito.

"What a small world, your Dad and I known each other way back in college." magalak na turan nito.

"Talaga po? I'm glad kilala niyo po si Dad."

"Hindi lang kilala hija, They're bestfriends in college." nakangiting sambit naman ni Mommy Cris.

"Wow, I can't believe it a small world indeed. Don't worry po Tito, kapag nakausap ko po si dad I will tell him na nameet ko po kayo."

Natapos ang hapunan ni Amara sa bahay ng mga Anderson, na masaya hindi niha akalain na matatanggap siya ng mga ito, kahit bago lang silang nagkakilanlan ng pamilya ni Tyron.

"Tama nga si babe, mababait ang pamilya nya." sambit niya sa kanyang sarili. Nasa ganong pag-iisip si Amara nang biglang magsalita si Tyron.

"Are you happy babe?" wika nito habang ang mga mata ay natuon sa kalsada.

"Yes babe, thank you because you have a wonderful family."

"I told you mababait sila right? Except my bratt sister." ani Tyron saka tumawa ng malakas.

"Can you imagine, best of friends pala ang Dad mo at si Daddy?"

"Small world indeed, kaya nga meant to be tayo eh." anito saka kinindatan ang dalaga.

Mabilis namang pinisil ni Tyron ang pisngi ng binata sabay sabing, "Meant to be ka d'yan, hindi mo nga ako pinapansin dati. Kung hindi pa kita kinidnap, hindi ka pa aamin na mahal mo rin ako." natatawang sambit ni Amara sa kanyang kasintahan.

"Ouch babe sakit naman non," sabay himas sa kanyang pisngi. "Mahal na kita babe matagal na, minamahal kita sa malayuan nga lang." makahulugang sambit nito saka nilingon panandalian ang dalaga.

"Sus, mahal mo na ako dati pa?"

"Oo babe simula pa no'ng birthday ni Cindy, I followed you when I saw you run away inside the house. When you passed out nasabi ko sa sarili ko, mahalin kaya kita? Sisiguraduhin kong aalagaan kita at 'di sasaktan." malambing na litanya ni Tyron saka hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Nang mag-aral ako sa Ford university, doon ko lang nalaman na ikaw 'yung babae sa Mall at 'yung bestfirend ni Cindy, ay iisa." dadgdag pa ng binata.

"Waahh! Ang cheesy naman ng babe ko," sabay pisil sa ilong ni Tyron. "Mas nauna naman kitang minahal babe, na crush at first sight nga ako sayo sa Mall eh. Kaya lang wala talaga akong effect sayo, kung hindi pa kita kikidnapin di ka pa mapapasaakin."

"And I love you for that babe, for loving me even from the start." sambit ni Tyron at hinalikan ang kamay ni Amara.

"Mas mahal kita babe."


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon