"Mamasyal siguro" sarkastiko ko'ng sagot.

"Tsk. Sasama ako sa'yo" ani nya at kumaha na ng baril na nakalatag sa kama. Hindi na ako nag protesta dahil alam ko'ng hindi naman ako mananalo sa lalaking to. Matigas ang bungo nyan eh.

---

Nang makababa na kami sa balkonahe ng kwarto ay nag hanap na kami ng pwedeng masasakyan.

Wala naman kaming makitang zombies dahil nasa probinsya na kami. Palinga-linga ako sa paligid ng makarinig ako ng ugong ng makina ng motor. Nang pag talikod ko ay nakita ko syang nakasakay sa motor.

"Hop in" sambit nya at sinenyasan​ nya akong umupo sa likod. Saan naman nya yan nakuha ng ganu'ng kabilis?

Nag kabit balikat nalang ako at umupo sa likuran nya. Hahawakan ko na dapat yung hawakan sa likod ng hilahin nya yung dalawang kamay ko at pinayakap sa bewang nya. Naramdaman kong uminit yung pisngi ko pero hindi ako nag salita.

"Kumapit ka" malamig nyang sambit at kasabay na nun ang pag andar ng motor.

* * *

Naka punta kami sa malaking palengke kaya maraming bumungad sa aming zombies. Mabilis na pinaharurot ni Eren ang pag takbo sa motor habang ako naman ay bumabaril sa mga zombies na humahabol sa amin.

Yung isang kamay ko ay nakayakap sa bewang nya habang yung isa kong kamay naman ay nakahawak sa baril ko. Habang bumabaril ako ay narinig kong nag mura si Eren.

Tumingin ako sa harapan ng dinadaanan namin at may nakita akong matangkad na zombie na nakaharang sa dadaanan namin. Halatang hinihintay nya lang na makalapit kami sa kanya.

Ngumisi ako at kinasa yung baril gamit yung isa kong kamay. Pinatong ko yung dalwang braso ko sa balikat nya habang hawak-hawak​ ko yung baril ko. Sa posisyon namin ngayon ay parang niyayakap ko si Eren. Narinig kong nag mumura sya ng paulit ulit pero hindi ko na sya pinansin at tinuon ang pansin sa zombie na nakaharang sa daanan.

Pinag babaril ko yung ulo ng zombie haggang sa matumba na sya sa lapag. Sa sobrang bilis ng pag mamaneho ni Eren sa motor ay nasagasaan namin yung zombie na palakad-lakad sa daanan.

Bawat zombie na nasasagasaan namin ay tumatalsik yung mga dugo nila sa pananamit at mukha namin ni Eren.

Makalipas na ilang minuto ay nakalayo na kami sa palengke. Pati rin yung mga zombies ay hindi na kami nahabol dahil sa sobrang bilis ng pag patakbo ni Eren sa motor.

----

Nang makakita na kami ng gasolinahan ay agad naming pinarada yung motor.

Kinasa ko yung baril na hawak ko ng may makita akong limang zombies na papalapit sa amin. Nag simula na akong bumaril at ganun din si Eren.

Nang mapatay na namin yung mga zombies ay nag hanap na kami ng galon na pwedeng masasalinan ng gaas.

Habang nag hahanap kami ng galon ay napadako yung tingin​ ko sa kotseng nakaparada sa tabing kalsada. Tumayo ako at tumingin kay Eren.

"Hoy lalaki, kung nakahanap ka na ng galon ay puntahan mo nalang ako sa kotseng yun" sabi ko sa kanya at tinuro yung kotse. Tumango lang sya at nag patuloy sa pag hahanap.

Tumakbo ako papunta sa kotse. Napangiti ako ng mabuksan ko yung pintuan ng kotse. Pero laking gulat ko nalang ng may zombie na aatakihin ako. Agad kong tinutok sa ulo ng zombies yung baril ko at pinaputukan iyon.

Nang mamatay yung zombie ay hinawakan ko yung kwelyo ng damit nya at hinila palabas ng kotse. Pumasok ako sa loob ng kotse at hinanap yung susi. Mga ilang sandali lang ay nahanap ko na yung susi at inistart na yung makina ng kotse.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now