Napangiti ako ng mapait at pinagmasdan yung kabilugan ng buwan. Habang pinagmamasdan ko yung buwan sa kalangitan ay nag lalaro sa isip ko yung mga sinabi ni Eren sa akin.

Mahirap mang paniwalaan pero parang mahal ko na sya. Simula palang nung nag confess na sya sa akin ay parang natamaan na din ako sakanya.

Lalo na kapag nakikita ko sya ay bumibilis yung tibok ng puso ko. Nararamdaman ko yung mga paru-paro sa tyan ko kapag niyayakap nya ako tuwing matutulog na ako. Lahat ng iyon ay may kumikiliti sa dibdib ko.

Mahal ko sya pero kailangan ko ng itigil itong nararamdaman ko sa kanya dahil alam kong masasaktan lang ako kapag pinairal ko pa yung pagmamahal ko sa kanya.

Dahil una palang ay mali na ang nangyayari. Dahil ang para sa akin, kung mahal mo yung taong minamahal mo ay dapat mong pinagkakatiwalaan.

Bumalik ako sa ulirat ng marinig ko'ng tumunog yung wrist watch ko. Nang pag kasilip ko doon ay alas-dose na pala ng madaling araw. Umiwas ako ng tingin sa orasan ko at muling tumingin sa kabilugan ng buwan.

Ngumiti ako ng malungkot kasabay na nun ang pag labas ng luha sa mata ko.

Ngayon na pala yung kaarawan ko at ni kuya. Ang bilis talaga ng panahon.

"Kung naririnig mo ako ngayon kuya Derrick gusto ko lang sabihin sa'yo na sobrang saya ko ngayong kaarawan natin" mapait kong bulong habang patuloy parin na lumalabas yung luha sa mga mata ko.

Ang saya talaga ng araw ko ngayon.

* * *

Colbie's POV

"Pa I'm sorry. Naligaw lang kami ng daan. But don't worry alam ko'ng bukas na bukas ay makakarating na kami dyan"

[It's ok anak. Basta nasa ligtas kayong lugar ni Megan. By the way, na bati mo na ba si Megan?] kumunot yung noo ko. Nabati?

"What do you mean dad?" takang tanong ko sa kabilang linya.

[Ohhh...Mukhang hindi mo pa alam na ngayon ang kaarawan nya. It's 12 am in the morning kaya batiin mo na sya dahil birthday nya na ngayon] nanlaki yung mga mata ko. Seryoso?! Ngayon na birthday ni bunso!!

"A-ahhh thanks dad na sinabi mo sa akin na birthday nya ngayon. Mag ingat ka dyan dad. Bye" sabi ko at binaba yung tawag. Ipinasok ko yung phone ko sa loob ng pants ko at tumakbo papunta sa garden.

----

Nang pag dating ko sa hardin ay hinanap ko si bunso pero hindi ko sya makita. Shit nasan na ba sya?! Don't tell me umalis na naman sya na walang paalam sa akin?!

"Where's Megan?!" tarantantang tanong ko sa kanilang lahat. Napahinto sila sa kinakainan nilang pag kain at napatingin sa akin.

"Tinatanong ko kayo! Nasan na yung kapatid ko?!!" galit ko'ng sigaw. Lalo akong nainis nung hindi sila nag salita at umiwas lang ng tingin sa akin. Damn!! Bakit ko ba kasi sya iniwan dito?!

May nararamdaman akong masama kaya kailangan ko syang makita. Bakit ba kasi ayaw nilang sagutin yung tanong ko?!

"C-colbie" tawag sa akin ni Nina. Nakatayo sya at kasama nya si Yvonne at Patricia. Kumunot yung noo ko dahil nag tataka ako kung bakit sila umiiyak. Bakit sila umiiyak?

Pero wala na akong pakialam kung bakit sila umiiyak. Galit ako sa kanilang lahat dahil tinalikuran nila yung kapatid ko.

"What?!" inis ko'ng sigaw sakanila. Napalunok sila at napaatras dahil mukhang natatakot sila sa akin. But i don't care!

"I-im sorry c-c-colbie pero u-umalis sya. P-pumunta sya sa mapunong lugar. May nangyari kasing hindi magand--"

"Na ano? Na binigyan nyo na naman sya ng masasakit na salita? Ganun ba?!" hindi makapaniwala kong sabi. Inis ko'ng sinuklay yung buhok ko at malakas sinuntok yung puno. Naramdaman kong kumirot iyon pero wala akong paki. Nasasaktan ako dahil nasasaktan yung kapatid ko.

Ngayon ang kaarawan nya pero ito ang nangyari sa kanya?! Great! Just fvcking great Colbie!

Muli akong tumingin sa kanila at matalim silang tinignan sa mata.

"Hindi ito mangyayari kung hinayaan nyo lang syang mag paliwanag kahit saglit lang! Paano nyo nagawang husgahan sya?! Kaibigan ba talaga ang turing nyo sa kanya?! Answer me! Goddamit!!" nanggagalaiti kong sigaw. Hindi sila sumagot at humahagulgol lang. Pati rin ang iba ay umiiyak na din habang nakatingin sa akin.

Napa-pikit ako ng mariin kasabay na nun ang paglabas ng luha sa mata ko. Kahit kailan hindi ko magagawa kay bunso yung ginawa nila. Ilang beses nya na akong tinutukan ng baril at kung ano ano pang ginagawa sa aking masama pero hindi ko parin sya iniwan. Dahil alam ko na kailangan nya ng makakasama. Pero itong mga nakilala nya palang ay tinalikuran agad sya dahil sa isang aksidenteng hindi namin malaman kung paano nangyari.

"Umuwi sya dito para tulungan kayo hindi para lokohin kayong lahat. Mahirap ang mission nya dito kaya may posibilidad na may mangyaring​ masama sa kanya. Pero wala syang pakialam dahil iniisip nya kayong lahat" mapait ko'ng saad. Masakit mang sabihin pero totoo yung sinasabi ko.

Matagal na naming napag-usapan ang tungkol​ doon ni dad. Napaka delikado ng mission nya kaya may posibleng may mangyaring masama kay bunso. Kaya nga ako sumama sa kanya dito ay para protektahan sya. Pumasok parin ako sa school kahit tapos na ako sa pag aaral. Pero ang mahalaga ay maprotektahan ko lang sya.

"I-im sorry, c-colbie" humihikbing sabi ni Yvonne. Umiling-iling​ ako at masama silang tiningnan.

"Kapag sinaktan nyo ulit yung kapatid ko ay ako na yung makakalaban nyo" seryoso kong sambit at nilagpasan sila. Pero bago ako makaalis ay matalim ko'ng tiningnan si Eren na naka upo sa ugat ng puno.

Malamig syang nakatingin sa akin pero may nakikita akong lungkot sa mga mata nya. Pero mas malungkot at nasasaktan ako sa nangyayari ngayon.

"Magtutuos tayo kapag may nangyaring masama sa kapatid ko, tandaan mo yan"

* * *

Vote.Comment you're reaction, Hunters.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now