Those words.....

G-ganon ba talaga yung tingin niya sa akin? Parang nanlamig yung buong katawan ko. Para akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa mga sinabi ni Eren mula sa akin. Para akong nanliit sa sarili at tinapak-tapakan ang buong pag katao ko.

Hindi ko alam pero parang gusto ko ng tumakbo pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Masama ba talaga ako? Isa ba talaga akong mamatay tao sa paningin nila? Niya?

Hindi ko inaasahan na nararamdaman kong nag init yung mga mata ko at may unti-unting may lumabas na butil na luha sa sulok ng mata ko. After 1 year ay may lalabas na muling luha sa mga mata ko.

It's because of him.

"I-isa akong traydor? Masama akong tao? Ganyan ba talaga kababa yung tingin mo sa akin?" tanong ko habang may lumalabas na masasaganang luha sa mga mata ko. Hindi sya nag salita at parang nabigla ng makita nya akong luhaan. Pati rin yung mga iba ay mukhang gulat gulat na makita akong umiiyak.

Ngayon nakita na nila na isa akong mahina. Mahinang tao.

"S-sana naman alamin mo muna yung buong pangyayari bago mo ako husgahan. Mas tatanggapin kong masama akong tao pero hindi ko matatanggap na isa akong mamamatay tao" piyok ko'ng sabi at hindi makapaniwala na nakatingin sakanya.

"I don't fvcking know why i feel this way towards what you've said to me?  Ang sakit ng nararamdaman ko dahil yung taong pinagkatiwalaan ko ng lubos ay hindi nya magawa sa akin. Hindi nya magawang pagkatiwalaan ako dahil ang tingin nya sa akin ay isang mamamatay tao" sabi ko habang humihikbi. Nasasaktan na ako sa mga sinasabi nilang lahat tungkol sa akin. Lalo na si Eren. Dahil sa mga bawat salitang binibitawan nya ay naaalala ko yung tinanong nya sa akin nung araw bago mag simula mag apocalypes.

"Pwede mo ba akong pag katiwalaan, babae?"

"Yes. Pinagkakatiwalaan kita"

Kahit masama akong tao ay may kabutihan pa rin akong loob. Kaya nga ako nandito ay dahil para tulungan sila sa kapahamakan at hindi sila patayin.

Alam ko naman na natatakot sila sa akin dahil isa akong hunter. Alam ko na may kung anong masasamang salita sila na sinasabi sa akin habang naka talikod ako but i don't give a fvcking damn. Pero yug ganito? Yung tapak-tapakan ang buong pag katao ko? Hindi ako makakapayag kapag napunta na sa ganung usapan.

Mariin kong pinunasan yung basang pisngi ko at malamig syang tiningnan sa mata. Kung ganito lang pala ang magiging ugali ng mga taong ililigtas ko ay malamang sa malamang ay kailangan ko ng tuldukan yung mga nangyayari ngayon.

Enough with the bullshits and their fvcking nonsense attitudes.

"You're right. Masama akong tao. Kaya ang halimaw na katulad ko ay dapat lumalayo sa mga perpektong katulad mo" ngumiti ako ng malamig at taas noo syang tinignan sa mga mata.

"Kung nag kamali ka na makilala mo ako pwes nag kakamali din ako na makilala ka. Akala ko isa kalang aroganteng tao pero nagkakamali pala ako. Isa ka palang tangang​ tao na nakilala ko" walang emosyon kong saad at iniwan s'yang tulala.

Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Pagod na akong tulungan silang lahat. Mas maganda palang mag isa nalang ako. Hindi yung ganito.... pinipilit na maging masaya para lang sa kanila.

---

Makalipas ng ilang minuto ay nakarating​ ako sa mapunong lugar. Nakaramdam ako ng pagod kaya umupo ako sa malaking ugat ng puno. Huminga ako ng malalim at sumandal sa puno.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now