Chapter14: TUBIG AT LUPA

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bela, you're agreeing already with Amiro? Naku friend, iba na yan!" hirit ni Andrea.

"What? With Amiro? NOOOO!" padabog na sagot ni Bela.

Malakas naman ang tawa ni Amiro na parang kinikilig.

"Excuse me, I'll just go to the ladies' room." palusot ni Andrea para makalayo lang kay Sky.

"I'm coming with you!" dali-daling tumayo din si Bela dahil hindi na niya matiis ang pang-aasar ni Amiro.

"You don't like him or do you?" tanong ni Bela habang nagre-retouch ng light pink na lip gloss sa labi.

"Bela, sorry pero di ko talaga feel si Sky. He's fine and everything pero walang..."

"Spark?"

"Hah? Siguro. I don't know. Di pa kasi ako nagkaka-boy friend, eh."

"Masyado ba akong pushy awhile ago?"

Tumango si Andrea.

"I'm so sorry, bessy!" niyakap ni Bela si Andrea. "I just thought, you'll like him. With him being in a police academy and all pero I was wrong. Sorry."

"Okay lang. Pero how about you?"

"Me? Why?"

"Bakit hindi mo na lang ituon ang atensyon mo kay Sky para makalimutan mo ang feelings mo para kay Amiro."

"Correction, it's the Amiro in my dreams, okay?"

"Okay. I'll repeat, bakit hindi mo na lang ituon ang atensyon mo kay Sky para makalimutan mo ang feelings mo para kay Amiro in your dreams?"

Napaisip si Bela.

"Hmm. Well I do have a crush dati kay Sky when I first met him pero madalang lang kasi sila dito. And kung hindi siya nasa school niya sa Cavite ay nasa kung saan sila ng daddy nya. What I know, nasa malayong lugar daw ang mommy niya that it has to be days for a visit. Not to mention na he is not so active sa social media. The picture I've shown you kanina, is his picture months ago. Kaya since I've never really known him, nawala na yung crush ko sa kanya."

"Ah, ganun ba. Well, anyway I think Sky is a nice guy naman."

"Girls, there you are!" tawag ni Jun-Jun pagkalabas ng dalawa mula sa restroom.

Pinakilala ni Jun-Jun si Daniel Solis kay Andrea at pagkatapos ay nagpaalam na may importante silang pag-uusapan. Iniwan nila ang mga bata sa lamesa.

Nakabalik na si Steve, nakasimangot pa rin at nagsimulang kumain ng inorder. Hindi niya maiwasan na paminsan-minsang tumingin sa kinauupuan nina Andrea at Sky na nag-uusap.

Nagkakamabutihan na kaya sila? Andrea, k-kung magiging masaya ka kay Sky...

Anak ng tokwa! Sino ba ako para magselos! Tsk!

Habang padabog na kumakain si Steve, busy si Amiro sa pagbwi-bwisit kay Bela.

"Miss, yung hot coffee -" pagfollow-up ni Prince dahil ito lang ang bukod tanging wala sa na-serve na sa kanila.

"S-Sir..." marahang nilapag ng waitress na si Suniya ang kape.

Nilalamig na talaga si Prince at kape ang paborito niyang pangpainit sa katawan. Agad niyang ininom ang kape kahit umuusok pa ito sa init.

Natigilan si Prince at hinabol ng tingin ang waitress na mabilis na pumasok sa may kusina ng restaurant.

What the-. Bakit ang sarap ng kape?!

Naubos niya ito agad at humingi ng isa pa.

Dali-dali namang naglabas pa ng isang kape si Suniya pero bago pa ito makaalis ay hinawakan ni Prince ang kamay nito.

"Teka, Miss sino ang nagtitimpla ng kape nyo?" tanong ni Prince.

Nagulat ang waitress. "Umm... A-Ako po..."

"Paano mo nalamang-"

"Ah!" napasigaw si Suniya dahil sa sobrang lamig ng kamay ni Prince. Kitang-kita ang panginginig niya.

"Ayos lang po ba ang lahat?" agad namang lapit ng may ari ng restaurant.

Binitawan ni Prince ang kamay ni Suniya na mabilis namang tumakbo papalayo.

"Ah, Ayus lang po, Ka Juan. Sorry po." sagot ni Prince at muling humigop ng kape.

Hindi talaga ako nagkakamali, ito ang eksaktong lasa ng kapeng lagi kong pinapatimpla kay Sunny sa mga student council meetings namin! Paanong alam ito ng isang waitress dito?! Hindi ito coffee shop para lagyan ng mint ang kape at hindi naman ako nagrequest na lagyan ito sa waitress! How come?

Nag-iba bigla ang palabas sa telebisyong nakasabit sa ilang sulok ng kainan. Isa itong YouTube video ng isang babaeng naka-cosplay na pang-anime at kumakanta.

Napatayo si Prince at lumapit sa telebisyon.

Sa buong araw, ngayon pa lang napangiti si Prince at napahawak sa dibdib. Malalim ng kanyang paghinga na nagiging white mist sa paglabas nito sa kanyang bibig. Kung titingnan dahil sa mahabang coat na suot-suot nito at sa sobrang putla ng kanyang mga balat at kahit ang blond niyang buhok ay halos mamuti na rin, iisipin ng lahat na nasa malamig siyang lugar kahit ang totoo ay tanghaling tapat pa!

Titig na titig si Prince sa kumakanta. Nais man niyang makita ang buong mukha nito, may nakatakip na maskara sa may parte ng mga mata nito at tanging ang mapulang mga labi at cute na ilong lang ang kanyang nakikita. Pero sa kabuuan ng itsura nito, alam niyang magandang babae ito.

"Siya ang bagong-bagong youtube sensation na si Enchantress." pakilala ni Juan. "At dahil sa kanyang biglaang pagsikat ay naisipan niyang magkaroon ng isang mini concert. Swerte ako dahil ang Ka Juan's Grill and Music House ang naisipan niyang unang ganapin ang concert!"

"Tagala po!" tanong ni Prince. Hindi niya maitago ang pananabik.

"Oo." tumango si Juan. "Gaganapin na ito sa katapusan ng buwan, halos pa sold-out na pero may natitira pang tickets kung interesado ka."

"Opo! Opo! May VIP tickets po ba, yung meet and greet. Gusto ko siyang makausap na personal! Gusto ko siyang makilala."

"Huh? Ah- W-Wala kaming ganun. Para lang sa lahat ang tickets at nais lang kumanta ni Enchantress sa lahat ng tao. Ang totoo ito ang magiging first time niya na live performance."

Ngunit nagmatigas si Prince.

"Magbabayad ako kahit magkano basta makausap ko lang siya." may tono na ng pagmamakawa. "Sino po ba ang manager niya. Sabihin nyo magbabayad ako kahit magkano!"

Hindi inaasahan ni Juan ang reaksyon ni Prince.

Nagtaka sina Bela, Andrea at Steve. Napakamot naman sa ulo si Amiro. Ngayon lang nila nakita na nagkaganito ang kilalanng kalmado at chill lang na student council president.

"O ganito na lang - Magkano po ba ang isang performance niya? Babayaran ko ang lahat ng na-sold na tickets para exclusive lang siyang kamanta para sa akin!"

Nabitawan ng waitress ang kanyang hawak-hawak na mga pinggan at nahulog sa sahig. Napalakas ng tunog ng pagkabagsak at pagkabasag kaya lahat ng atensyon ay napunta sa kanya.

"Sunny!" tawag ni Juan. "Er - Suniya!"

===June 04, 2017 =============

Hello awesome people! Thanks for reading. Share some love by giving this chapter a vote! Kamusta naman ang chapter na ito? I would love to see your comments!

Follow and say hi!

Official FB Page: GilLandicho

Youtube: GilVlogs

Instagram: @gillandicho | @wondersofgil

Twitter: @gillandicho

Wattpad: @GilLandicho

Elemento ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon