Chapter 20: Peace Offering?

Start from the beginning
                                    

"No, I'm good." mabilis na sagot nito habang hindi pa rin maialis ang tingin kay Amara.

"Okay, suit yourself, magbibihis lang ako." kibit balikat na sambit ng dalaga saka naglakad papunta sa kanyang kwarto.

Tanging tango na lang ang naisagot ng binata dahil parang nabusalan ang kanyang lalamunan sa hindi niya malamang dahilan. Nakita na lang niya si Amara na lumapit sa isang pintuan banda sa kusina. Sinundan niya pa ito ng tingin at sa hindi inaasahang pagkakataon bigla siyang nilingon ni Amara, dahilan para siya'y mahuli nito sa akto nang pagsilay sa dalaga. Mabilis na iniiwas ni Tyron ang kanyang paningin sa gawi ng dalaga.

Napangiti na lang si Amara ng palihim, dahil sa itsura ng binata. Halatang nagulat ito sa kanyang biglang paglingon, bago tuluyang pumasok na sa kanyang silid.

Habang hinihintay ni Tyron ang dalaga, sinipat niya ang condo unit ni Amara. Bigla na lang s'yang napailing, dahil naalala niya ang pagkatulala niya kanina sa ayos ng dalaga.

"Mas maganda pala siya kapag walang kolorete sa mukha." usal ng binata sa kanyang isip.

Nasa ganoong pag-iisip si Tyron nang biglang bumukas ang pinto kung saan pumasok ang dalaga kanina. Mabilis tiningnan ni Tyron ang kabuuan ni Amara, sing bilis ng tingin ni Superman.

Amara's wearing a soft cotton grey crop top knitted and a white high waisted skirt, na talagang nakapagpalabas sa angking ganda ng katawan ng dalaga.

Photo CTTO

"Let's go?" ngiting sambit ni Amara nang makalapit ito sa harapan ng binata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



"Let's go?" ngiting sambit ni Amara nang makalapit ito sa harapan ng binata.

"A-alright." tanging naisagot ni Tyron, dahil hindi niya namalayan na nasa harap na pala niya ito.

Lumabas na ang dalawa at tinungo ang elevator. Ilang segundo lang ang kanilang pinag-antay bago dumating ang lift.

Ting!

Sabay na pumasok sina Tyron at Amara sa loob. Habang pababa ang elevator ay dumami na ang taong nakasakay doon, kaya't nasiksik ang dalawa sa bandang likod.

Magkadikit na ang kanilang mga balat sa sobrang dami ng tao sa lift. Bigla namang nagulat si Amara nang ilagay ni Tyron ang braso nito sa kanyang balikat. Binalewa na lang ito ng dalaga, pero sa loob-loob niya ay kinikilig na siya sa sitwasyon nila ngayon nito.

Nasa ganoong posisyon sila nang marinig muli ang tunog ng elevator. Lumabas ang dalawa ng Building at sumakay sa kotse ni Tyron, ilang minuto ang lumipas nang makarating ang dalawa sa paboritong Restaurant ni Amara.

Habang hinihintay nila ang kanilang order biglang nagsalita si Tyron, "Amara." anito sa dalaga.

"Hmmmm..." tanging sagot nito habang abala sa pagtipa ng kanyang cellphone.

"I want you to have this." at ipinatong ni Tyron ang puting envelope sa ibabaw ng lamesa.

Kunot noong inabot naman ito ni Amara, saka binuksan ang laman ng puting sobre, "A blank cheque, para saan 'to?" saka iwinagayway sa ere ang papel na kanyang hawak.

"Peace offering ko sayo, for saying stupid things about you. Buy anything you want or travel anywhere you want." mabilis na sagot nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ng dalaga.

"Gusto mo ba talagang patawarin kita?"

Tanging tango lang ang naisagot ni Tyron rito.

"Okay sumama ka sa 'kin at may pupuntahan tayo."

"Where? I have an important..." sabay tingin sa kanyang relo. "May lakad pa kasi ako, I'm just dropping by para mabigay ko 'yan sa'yo." alanganing usal nito sa dalaga.

"Then you're not forgiven." matigas na saad ni Amara saka sumandal sa upuan habang nakahalukipkip ang mga braso.

Nasa ganoong pag-uusap ang dalawa nang biglang dumating ang kanilang order. Hindi na muling nag-usap ang dalawa at sobrang taas ng tensyon na pumapagitna sa kanila.

Habang kumakain nakaisip naman ng ideya si Amara, kung paano niya mapapapayag ang binata na sumama sa kanya.

"Excuse me, ladies room lang ako." saad niya sabay alis ng table.

Pumunta si Amara sa kitchen ng Restaurant at isinagawa ang kanyang matinding plano.

"Lagot ka sa'kin Mr. Tyron James Anderson." sarkastikong sambit ni Amara habang hawak ang isang bagay.

Habang busy si Tyron sa pagkalikot ng kanyang cellphone, hindi n'ya namalayan na may ginagawa na palang kabulastugan si Amara sa labas ng restaurant.

Ilang minuto ang lumipas bago nakabalik si Amara na may malaking ngiti sa kanyang mga labi, "Hi babe! I'm back!" nakangiting bungad nito sa binata.

"Amara can I take you home, now? I really have to go, pasensya na sa mga nasabi ko sayo." punong-puno ng sinseridad na usal nito sabay hawak ng kamay ng dalaga "I really mean it, Amara. Sorry talaga."

Hinawakan naman ni Amara ang pisngi ni Tyron na parang naglalambing sabay sabing, "It's okay babe, maybe next time?"

"Thank you Amara, I'm happy dahil napatawad mo na ako."

"So tara na, baka malate ka pa sa lakad mo." mabilis na saad ni Amara saka ito tumayo.

Nang makalabas na sina Tyron at Amara ng Restaurant bigla namang nagprisinta si Tyron na ihatid ang dalaga sa condo nito.

"Hatid na kita sa condo mo?"

"No need babe, sa kabilang kanto lang naman 'yung building. Lalakarin ko na lang." nakangiting sambit ni Amara habang hindi makatingin ng diretso sa binata.

"Are you sure?" paniniguradong usal ni Tyron.

"Yeesss! I'm pretty sure, babe." wika ng dalaga saka ngumiti ng sobrang tamis kay Tyron.

"Just take care okay?" saad ng binata at hinaplos pa ang pisngi ni Amara bago ito sumakay ng kanyang sasakyan.

"Babye!" at kumaway pa ito habang tinatanaw ang kotse ni Tyron na papaalis na ng parking lot.

"Akala mo Tyron, mauutakan mo ko ahh, humanda ka sa'kin!" wika ni Amara sa kanyang isip at nagmamadaling tumakbo papunta sa kanyang condo.

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Crush at First Sight ✔️ (Published) Where stories live. Discover now