Chapter 19: becca

109K 2.5K 26
                                    

Chapter 19

Third Person's POV:

Apat na araw na simula nang makausap ni Tyron ang kanyang mga kaibigan. Pinayuhan siya ng mga ito kung ano ang kanyang dapat gawin, para tuluyan na siyang mapatawad ng dalagang si Amara.

"Tama susuyuin ko s'ya, so she can forgive me." wika ni Tyron habang nakahiga sa kama.

Ilang minuto pa itong nagmuni-muni habang nakatingin sa kisame, inaalala ang imahe ni Amara na rumerehistro sa kanyang isipan.

"God, I missed her so much!" napaupo si Tyron sa dulo ng kanyang kama at ginulo ang buhok sa sobrang frustration.

Nagkikita sila ng dalaga sa classroom, cafeteria, at minsa'y pati na rin sa bahay nila Mark, pero patuloy pa rin sa pag-iwas si Amara kay Tyron.

Gustuhin man n'yang kausapin ito, pero wala siyang lakas ng loob dahil sa tuwing magtatama ang kanilang mga paningin, hindi malaman ng binata kung bakit parang nabubusalan ang kanyang bibig.

Bumalik na sa dati n'yang sigla si Amara, ang kakulitan nito, ang maingay at malakas na pagtawa na halos kita na ang ngala-ngala.

Ang pagiging friendly nito sa mga lalaki, na halos ikabaliw na ni Tyron dahil sa sobrang selos niya, lalo na kapag may mga lalaking lumalapit at nakikipag-usap sa dalaga na talagang nakakapag-painit ng ulo n'ya.

"Ano bang ginawa mo sa'kin Amara? Bakit para na akong mababaliw kakaisip sa'yo!" nasa ganoong pag-iisip ang binata nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Nangunot ang makapal na kilay ng binata, nang tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya.

Baby Becca, Calling...

Dali-dali naman n'ya itong sinagot, para malaman kung anong pakay nito.

"Hey baby girl." wika ni Tyron nang masagot ang kanyang telepono.

"Hey yourself, handsome." maarteng bungad ni Becca sa kabilang linya.

"Kamusta na ang baby girl ko?" pagtatanong niya rito habang nilalaro ang kanyang aso.

"Ihhh... Naman eh, I'm not a baby anymore Kuya. I'm 14 na kaya, so you better stop calling me baby girl." maarteng saad nito.

"Hahaha!" natawa naman si Tyron sa pagka-conyo ng kanyang kapatid kaya naman sinabihan niya ito nang, "Kahit ano pang sabihin mo, you're still a baby for me."

"You're so annoying Kuya." pagtataray ni Becca, alam ni Tyron na umiikot na naman ang mata nito kahit hindi niya nakikita ng harapan.

"Anyway, why did you call?" biglang tanong niya sa dalaga. Kilala niya si Rebecca, hindi ito basta-basta tatawag kung wala naman itong kailangan.

"Bakit masama bang mamiss ang kuya ko?" pambobola pa nito sa kabilang linya.

"Haaayyy... Come on baby girl, I know you enough, so you cant fool me. Ano ngang meron?"

"Okay! you got me Kuya, sabi ni Mom umuwi ka raw sa bahay.' saad nito na ikinanuot naman ng noo ni Tyron.

"And why is that?"

"Wala lang naman, kakauwi lang naman namin kanina baka gusto mo lang daw kami makita." dire-diretsong sambit ng dalaga na agad namang ikinatuwa ng binata.

"Really? Bakit hindi niyo sinabi sa akin, para nasundo ko kayo sa Airport?" masiglang usal ni Tyron.

"Edi hindi na surprise kung sinabi namin sayo!" pambabara ni Becca sa kanyang Kuya.

"Okay okay, i'll be there later, may dadaanan lang ako. Tell mom to cook my favorite Chicken Pesto Pasta, alright?"

"Noted kuya, take care love you." pamamaalam ni Becca sa kabilang linya.

"Love you all, bye baby girl." saad ni Tyron saka pinutol ang linya.

Masayang nagbihis ang binata, dahil halos tatlong buwan na n'yang hindi nakikita ang kanyang pamilya. Kaya't excited na siyang makasama ang mga ito.

Habang nag-aayos ng kanyang sarili naisip ni Tyron na puntahan muna si Amara bago tumuloy sa kanilang tahanan.

"Dadaanan ko muna si Amara, para ibigay 'tong peace offering ko sa kanya." sambit ng binata sa hangin habang hawak ang isang puting sobre.


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon