Chapter 11: Stalking her

Magsimula sa umpisa
                                    



Wala sa isip kong bumangon at lumabas ng aking penthouse. Nagmamadali kong tinungo ang SM Aura para makita siya. Good thing at naabutan ko si Amara na papalabas palang ng coffeeshop, kaya agad akong nagtago sa gilid para hindi n'ya ako makita.

Sinusundan ko si Amara habang naglalakad at patingin-tingin sa mga boutique sa mall. She's wearing a short maong shorts and a hanging maroon crop top.

Photo CTTO

"Sh*t! Why are you dressed like that woman?" I scolded her in my mind

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Sh*t! Why are you dressed like that woman?" I scolded her in my mind.

Nagpatuloy lang ako sa pagsunod dito at hindi ko namalayan na para na akong stalker sa ginagawa kong pagmamasid sa kanya, "D*mn Tyron! What are you doing, why are you following her?" I angrily asked myself, while hiding on the pole.

Halos isang oras din akong pasunod-sunod sa dalaga. Nang biglang nakita kong tumigil ito sa grocery ng mall. Kumuha si Amara ng basket at sinimulan ang kanyang pag-gogrocery.

Nakita ko si Amara na pilit inaabot ang bottled drinks sa taas ng rack. Hirap na hirap siyang abutin ito, kaya tumaas lalo ang crop top na kanyang suot at may naaninag akong kumikinang na bagay sa kanyang pusod.

"She has a piercing in her navel." bulong ko sa hangin.

Hindi na rin ako nakatiis at inabot ko na ang bote sa kanya. She thank me without even looking at me. Napangiti ako sa loob-loob ko nang makita ko ang reaction ng kanyang magandang mukha. Narealize n'ya siguro kung sino ako kaya bigla n'yang ibinaba ang kanyang damit at napayuko habang namumula ang mga pisngi.

"T-thank you..." she said and in a bit second she looked at me and smiled so widely. Uh-oh! There she goes again, smiling at me like she was teasing me.

In a matter of seconds, biglang nagsalita ulit si Amara, "Thanks BABE, and Goodbye." mapang-asar na saad sa akin nito at narinig ko pa ang tawa niya hanggang sa hindi ko na namalayan na nakaalis na pala s'ya sa harapan ko.

Third Person's POV:

Busy ang dalaga sa pamimili ng kanyang mga stock sa condo, nang maalala nito na kailangan n'ya magstock ng bottled drinks. Pilit inaabot ng dalaga ang inumin sa taas ng rack pero hindi n'ya talaga maabot ito dahil hindi s'ya biniyayaan ng katangkaran.

"Shemay na palaka naman ohh. Ang taas naman kasi nitong rack na 'to, 'di ko tuloy maabot 'yung mga inumin." sambit nito habang pilit na inaabot ang bottled drinks.

Nasa ganoong posisyon si Amara nang biglang may lalaking umabot nito para sa kanya. Alam niyang lalaki ito dahil sa masculine scent na pabangong gamit ng binata.

"Ahh Kuya, thank you po." naka-ngiting pasasalamat ni Amara sa lalaking tumulong sa kanya.

Nang balingan niya ang mukha nito, nanlaki ang mga mata ng dalaga nang mapagtanto kung sino ang taong nag-abot sa kanya ng mga bote.

Hindi niya alam kung paano siya makakabawi sa pagkakagulat niya nang makita niya si Tyron. Sa totoo lang ay nahiya talaga siya ng bahagya, dahil sa pabigla-biglang pagsulpot ng binata sa kanyang harapan.

Tanging pasasalamat na lang ang nagawa niya kaya't wala sa sariling napayuko na lang ito ng wala sa oras. Nang balingan nito ang mukha ni Tyron, biglang na-concious ang buong niyang sistema dahil sa mataman na pagtitig ng binata. Lakas loob na tiningnan naman din niya ito sabay sabing,

"Thanks Babe, and goodbye." dinaan na lang niya sa malakas na halakhak ang kaba ng kanyang nararamdaman, para gumaan ang tensyon sa pagitan nila ni Tyron.

Nang makalayo sa binata ay bumulong-bulong na si Amara sabay sabing, "Ewan ko ba, simula no'ng dumalaw ako kila bes Cindy at sa kapilyahan ko hinalikan ko si Tyron sa labi. Nag-iba na ang way nito nang pagtitig sa 'kin. Although hindi pa naman siya umaamin na may gusto s'ya sa akin. Hindi ko lang talaga alam kung anong meron, pero simula no'n naiilang na ako sa kanya. Kahit gustong-gusto ko s'ya hindi na ako masyado nagpapapansin kay Tyron, pero palihim ko pa rin s'yang tinitingnan kapag hindi s'ya naka-tingin. Argh! Ang gulo!" iritable niyang sambit sa hangin bago tuluyang nakalayo sa kinatatayuan ni Tyron.


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon