Kabanata 1: Meet the Club

Start from the beginning
                                    

"Halerrrr mga girls! I'm sorry coz I'm super duper late. Traffic eh!"

"Gagi, bihira lang magka-traffic mula sa bahay niyo hanggang dito. Sabihin mo, may extra-curricular activities ka na naman. Hmpp!" anas ni Junie. 

Tumaas ang kamay ng isa sa tatlong babaeng nasa harapan nila. Teka, pangalanan nga natin. Si Janice ang tumaas ng kamay at una ding magsasalita. Si Denise ang kasunod, at si Alyssa ang last. 

Pinansin ni Junie ang pagtaas ng kamay ni Janice at nag-nod sa kanya. 

"Ah eh, Ms. Junie, akala ko po ba We Hate Boys Forever ito?  Bakit po nandito siya?"

Nag-pout si Charlie, ang lalaking kadarating lang at naging center of attraction. Ngumiti at sumagot si Junie.

"Hindi kasi siya boy. You know naman what I mean right? Kagaya nyo, sinaktan din siya nung last boyfriend niya at nilapitan ako kasi malapit ko ng buksan ang club noon. Wala akong kasama, as in ako pa lang noon. Tapos ayun nga, nagpakilala siya sa akin at medyo naantig ang puso ko sa kwento niya. And voila! Kaming 2 ang nagtayo ng ating samahan! Yes! Nagpapasalamat nga pala ako sa inyong lahat dahil lumalaganap pa rin ito. Salamat sa mga P.I.O. natin, maraming naiinformed na mga broken-hearted girls. Saka-"

"Tseb, tinanong nya lang kung bakit ako nandito. Hindi siya nagtanong sa history nitong club. Daldal mo! Makakapag-introduce pa ba sila kung ikaw at ikaw lang ang dumadakdak?" pang-aasar ni Charlie.

"Haha, pahiyang konti naman ako don Tseb, kaya mahal kita eh. Sige tatlong maria, start your introduction na. Mamaya na lang sa Q&A ko ipagpapatuloy."

Ayun nga, nagpakilala na ang tatlo. Actually, yan lang magiging script nila. Ay, si Janice nga lang pala nagsalita. So kung gusto nyong magkaroon sila ng dialogue, just comment na lang. ^_^v

Nagkaroon ng Getting-To-Know-Each-Other stage, Tell-Your-Story and Question-and-Answer portions. After 3 hours, natapos din ang meeting. Naiwan sina Junie, Charlie at Nica.

"Hoy Nica, wala pa rin bang kabulastugang ginagawa yang boyfriend mo?" tanong ni Junie.

"Ano ka ba Junie, syempre wala ano! Loyal kaya siya! Naku, hindi mo pa rin ako mako-convince na sumali sa WHBF club nyo. Sorry ah, sa ibang bagay na lang ako babawi as your original bestfriend," sagot naman ni Nica.

"I can smell jealousy all over the place! Kaw naman Nica, alam ko namang ikaw pa rin ang original. Pero ako ang madalas niyang kasama, so sino nang mas matimbang sa atin?" sabat naman ni Charlie.

"Hoy kayong dalawa, huwag nyo akong pag-agawan! Lesbianism, ewww! Kahit na ayoko sa boys, di naman ibig sabihin papatol na ako sa kapwa ko," - Junie.

"Atcheng, iba din ka-wild ang imahinasyon mo! May sinabi ba kaming gusto ka naming syotain? Kaloka ka ah! Ganyan pala ang tingin mo sa amin na bestfriends mo," wika ni Charlie, with pout ulit. 

"Tayo na nga lang ang mag-BFF Char! Hindi ko rin keri itong si Junie. Dalhin na kaya natin siya sa mental? Muka namang makakapid niya doon eh. Friendly naman siya." - Nica.

"Heh! Magsitahimik nga kayong dalawa, baka di ko kayo matantya eh kung ano pang gawin ko sa inyo! Makalayas na nga dito!" sabi ni Junie with walk-out.

"AFRAID! Mam Juniora!" mala-Mr. Fu na sabi ng mga naiwan na sina Nica at Charlie.

Mas lalong nainis si Junie at ibinasibas ang pinto ng resto. Ayaw niya kasing tinatawag siya sa full first name niya. Ikaw ba namang magkaroon ng pangalang iyan, matuwa ka kaya? (Pananaw: Ako OO! Ang cute kaya. Actually nakuha ko itong name sa sis ng hayskul classmate ko. FYI. XD)

"Hoy babae, babayaran mo yan pag nakita kong may latay ang state-of-the-art na pinto namin!" pahabol na sigaw ni Nica. 

"Nakoo, monster mode na naman si Junie. Ikaw kasi eh, kung ano-ano ang dinadakdak mo! Ayan tuloy," - Charlie.

"Aba ako pa talaga ah! Kapal! Eh ikaw naman ang blah blah blah" - Nica.

Di ko na tatapusin ang conversation nila. Hahaba lang itong chapter 1. Walang katapusan kasi kung mag-bangayan itong dalawa eh. :D

Habang naglalakad pauwi si Junie, may nararamdaman siyang kakaiba. Parang may sumusunod sa kanya. Kapag titingnan naman niya sa likod, wala naman. You know, yung mga scene na ganun. Bibilisan mo ang lakad mo tapos parang yung sumusunod sayo bibilis din ang yabag ng paa. Tapos pag titingnan mo, wala. Tapos sa sobrang kaba mo, mapapatakbo ka na lang at didiretso sa kuwarto mo, habang hinahabol ang iyong hininga. Ayan ang mismong nangyari kay Junie. 

Tanghaling tapat, naging thriller/suspense ang tema ng araw niya. Pinost niya ito as status sa Facebook. Ilang saglit lang, maraming nag-like at comment. Nakalimutan niya ang takot niya. Maganda talagang pang-divert ng attention ang FB. Hehe. :D

==================

Galing sa Otor:

 Hala! Sino (o ano) kaya ang susumusunod kay Junie?

Haha! Wala lang. Another attempt na maggawa ng story. Bahala na si Batman. Kaya ko to.

Sa may last part, di ko inaadvise na sa Facebook mo ibaling ang atensyon mo. Meron din namang Wattpad eh (sipsip!)

Please comment. I badly wanted to hear from you guys. Mwah! God bless you :DDDD

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now