32: Warning

8.9K 176 5
                                    

Who's the Mafia Prince? Why Elizabeth help us? And also why Khalil and Hermina help us too? Alam kong may iba pang dahilan bukod sa gusto nilang makita kaming naghihirap.

Para kaming bumubuo ng isang napaka gulong puzzle. Ang hirap buoin. Ang hirap gawin.

"You done? " tanong sakin ni Claude habang sinusuot ang kanyang tinted glass.

"Yes, we should think clearly about our steps. Pahirap na nang pahirap ang gagawin natin. " that's the truth. We can't escape here. We will die here.  Pero sisiguraduhin ko munang makakaganti ako. Nakapagdesisyon na 'ko. I'll kill the Mafia Prince no matter who he is and no matter what will happened.

I'll die with a peace on my heart. I'll die with a justice for my father. I'll die with a smile on my lips. I'll do everything before my heart stop its beat. I won't let that demon continue his journey.

"Mamaya na ang masquerade, we need to be ready. "  napatingin ako kay Rheign at palihim na napangiti. Paano ako nagkaroon ng kaibigan na tulad nila? They are willing to sacrifice themselves just to help me. 

"Every corner. Si Sue at si Keane sa left front corner, si Claude at Rheign sa right front corner. Then kami ni Ween ang sabay papasok, pero ako sa left back corner at sya naman sa right. Get it? " tumango naman silang lahat at sinuot na namin ang mga tinted glass namin.

I hope this will work. Matagal ko na itong inasam at hindi o na 'to papakawalan. And if this plan of mine won't work, then I have a plan B.

-


"Zenn, here! Bilisan mo. " pabulong na sigaw ni Sue. Agad ko naman syang sinunod at naglakad ng dahan dahan habang dala-dala ang isang bag na puno ng pinagbabawal na armas.

This guns are limited. Walang katulad at walang pwedeng tumulad. Higit na mas malakas 'to sa gamit ng mga army kaya hindi na 'ko magtataka kung isang putok palang ay malalagutan kana agad ng hininga. 

Lahat ng gamit na pag mamay-ari ng Draylen Mafia ay illegal. Lahat, pati transaksyon at kung ano ano pa. What can we expect? Madumi sila makipaglaro.

"Shit! " I cursed and suddenly stop walking fast. Her smile creeps me. Draylen Reaper no. 3
Linzer, Hermina

"Zenn— crap! " lumapit samin si Sue pero agad na iniharang ni Hermina ang kanyang kamay at itinutok nya sa sentido ko ang hawak nyang baril.

"Don't move or I'll kill her. " cold... Everything's cold about her. Her eyes and the way she talks. Meron ba silang puso o emosyon?

"Stop right there, Sue. It's alright. " binaling ko ulit ang tingin ko kay Hermina. Parang meron syang gustong sabihin pero ayaw nun lumabas sa bibig nya.

"Stop this shits. I'll help you get out of here— "

"No, we won't get out of here. Nasimulan na namin 'to. At kailangan namin 'tong tapusin. " once I started it, I'll finish it. Hindi ako magsisimula kung hindi ko rin naman tatapusin.

"Just get the hell out of here, Santillan! Can't you see?! I'm helping you and your friends— "

"We don't need your help, Linzer. "

"Okay, fine! Don't blame me for this. I warned you, but you refuse to listen. It's your choice. Your choice to let yourself breakdown. " wala na kong nagawa nung bigla nalang syang umalis at iwan kami ni Sue.

What's her point? At ano bang pakialam nya? Breakdown? Matagal na 'kong sira. Matagal na. Simula nung mawala lahat sakin. Lahat lahat.

"Zenn! You okay? " hindi ko namalayan na napaupo na pala ako sa sahig. It's just a word. A word that knocks out my feet. May part sakin na gusto syang sundin, pero may part din na nagsasabing wag. Para akong mababaliw sa kakaisip.

What's with her words? Bakit bigla nalang nya kaming gustong ilabas dito? What's with the sudden changed of her mind?

Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko at ni isa ay walang nasagot. Only Elizabeth, Khalil and Hermina can answer those questions. May alam sila. Higit pa sa alam ng iba.

My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon