12: Side to Side

14.5K 299 11
                                    

Ween's


Nandito kaming lahat sa cafeteria, kasi trip lang namin. Syempre kakain kami dahil lunch break na. Ewan ko ba sa mga nilalang na kasama ko at hindi sila nagsasalita, hindi naman sila pipi. Sa totoo lang ay boring silang kasama nagtya-tyaga lang ako kasi wala akong kaibigan dito sa mundo. Hahaha, biro lang. Si Zenn at Rheign lang naman ang tahimik eh, magka-away sila sa maraming bagay pero pag dating sa trouble at gang battle? Lagi silang nangunguna.

"Nakakabingi ang katahimikan? Paos ba kayong lahat? Love na love nyo ba ang boses nyo? " syempre ako yan. Tumingin naman sakin si Sue at ngumisi. Tss, buddy talaga kami!

"Pre. Walang katahimika'ng nakaka-bingi--- " -Keane.

"Tama na ang logic Keane, nasosobrahan ka ata eh. Yan tuloy na-sasabaw ang kukute mo. " pagsasalita ni Claude habang naka-akbay sa babaeng nilalandi nya. Walang hiya talaga itong lalaking ito, paniguradong hindi na virgin yan!

"Tss. Kung makapag salita ang isa dyan. Muka namang pulubi slash clown yung kasama, hindi yan bibe, inahing manok na ata yan eh. " ani Keane habang nakatingin sa malayo. Itong hinayupak na ito talaga ay napaka tanga! Hindi ba sya inform na- napaka-lakas ng boses nya? Rinig na rinig naming pito, kasama yung inahing manok este bibe ni Claude.


"Grabe makapang lait! Konting respeto naman! Hustisya sa chicken na kasama ko! " welga ni Claude. At nakita ko naman ang pag ngiwi nung babae. Sino ba naman kasing matino ang lalaitin ang sarili nyang chix? Siraulo din 'to e.

"Popo nyong dalawa! Hindi yan chicken! Ka-lahi yan ni Denise! " pangbabara ni Sue na ikinatawa namin maliban kay Zenn at Rheign, robot ata sila, si Cynich naman ay nagpipigil ng tawa. Sila Cynich, Zenn at Rheign kasi ay busy sa pag-aaral para sa exam pero kami ay easy-easy lang. Nasa pilot section kasi sila at kami nila Sue, Claude at Keane ay sa second section.

"Pero mas malala parin si Denise! Askal yun eh! " biro by me, the one and only! Nakita ko ang paglabas ng usok sa ilong at tenga ng bibe ni Claude at nagmartya paalis. "Pwede pala syang maging parte ng army, hindi nga lang sundalo kundi aso ng mga sundalo. Galing mag-martya eh. " biro by me again! Tumawa lang kami ng tumawa. That's life. Let ourselves to be happy! Enjoy our life until we have it.

Cynich's

Naglalakad kami dito sa corridor habang dala-dala ang sandamak-mak na test paper papuntang faculty. At sa hindi inaasahang pagkakataon si Rheign pa talaga ang nakasama ko at sobrang dami naming dala. 

"Hurry up! Sa isang building pa ang faculty kaya bilisan mo! Wag mong pairalin ang pagka-bakla mo pag kasama mo ako. " sigaw nya sakin at tumakbo naman ako palapit sa kanya. Bakit ang sungit nya sakin? Samantalang pag iba naman ang kasama nya ay hindi? Sabagay, the more you hate the more you love. Hahaha, love ata ako ni Rheign.


"Hey you stupid creature! Why did you exist? Are you blind? Don't you notice that you are crossing to the other building? This is the way to the faculty, stupid. " at naglakad sya ng mabilis. Pahiya ako dun ah!


-


Nakarating naman kami sa faculty at nilagay sa table ng prof namin ang mga test papers na pinadala nya. Una namang lumabas ng pintuan si Rheign at sumunod ako, ladies first kasi. Gentlemen kasi ako, but that doesn't mean I ain't taking you to bed. Hahaha!

"Hey! " hinawakan nya ang kamay ko at idinikit ako papunta sa pader. Konti lang ang tangkad ko sa kanya —dalawa o tatlong dangkal lang—pero ang lakas nya. Nakaharap lang sya sakin ngayon at mukang ini-examine ako. Bakit ba ganyan ang mga babaeng members ng DCS? Pakiramdam siguro nila e lalaki sila.

"A-anong problema? " syempre ako yan. Nakakapulupot naman kasi talaga ng dila pag sya ang nasa harap mo. Parang pwedeng pwede ka nyang patayin kahit kailan nya gusto.

"Gusto mo 'ko, tama ba? " naka ngisi sya sakin at hindi naalis ang mata nya sa mata ko. Siguro ay ilang inches lang ang layo namin sa isa't isa.

"Pano mo nalaman? " tanong ko nang di manlang nauutal! Isa ba itong achievement?! Pero pano nga ba nya nalaman na may gusto ako sa kanya?

"Halata naman eh. " nakangisi parin sya.

"Pero--- "

"Be with me instead of Zenn. " tama ba ang narinig ko? Trayduran ba ito? Side to side, hindi, mali ito. Ang gulo nakakainis! Niloloko ko na ba si Zenn? Two timer na ba ako?!

Napatingin naman ako kay Rheign at nandun parin ang malaki nyang ngisi. Diretso lang syang nakatingin sa mata ko at hinihintay ang sagot ko. Ganun ba talaga ako kagwapo?!

My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon