22: Mafia Prince

11.2K 224 4
                                    

Cynich's


Agad akong lumapit kay ate Sandy at inagaw ang hawak nyang hook. Hindi ko na ulit sya hahayaang pumatay para lang sakin. Mula nung nag fourteen years old ako ay sya na ang nagtatanggol sakin. Gusto ko nang mabuhay ng ako lang ang nagtatanggol para sa aking sarili. Ayaw ko na syang madamay sa gulo ko. Marami na syang naisakripisyo para sakin at ang ginagawa nya ngayon ay sobra sobra na.


"Go away Sam! Baka makita ka ni dad! " humarap sakin si ate Sandy at agad akong niyakap. Alam kong ito ang araw na kinakatakutan nya. Ang araw na ako na ang papalit sa pwesto ni daddy. Pero wala na syang magagawa. Wala na kaming magagawa.


"I'll face it ate. This is our life. I'm born to be like this. To be a reaper. " I whisper. I felt her tears on my shoulders. I didn't want her to cry. But, what can I do? She's hurt. At kasalanan ko iyon.

"Please Sam. I'm the eldest here, don't fucking act like one! Go back to your friends, ako nang bahala kay dad--- " I interrupt her. I'm here to face our organization. Nang puntahan ako sa Baguio ng isa sa aming mga Mafia Reaper ay agad akong nagpaalam kila Zenn at sinabing may emergency lang. Pati sa nanay-nanayan ko ay nagpaalam na rin ako. This is my fate. Ito ang nakatadhana sakin.

"No, ate. Please, let me prove myself to dad than I'm better than what he think. "

Hindi ko na ulit hahayaang si ate ang masaktan para sakin. Sya ang nag alis sakin dito— sa impyernong mansyon na ito, at ngayon... sya naman ang aalisin ko dito. I'll let her live happily and far away from here. Ito ang oras para ako naman ang magsakripisyo para sa kanya.

I want her to find herself out here and build a family with her love.

I also want to have a happy family. But I know. Zenn didn't deserve a guy like me. Hindi maganda ang pamilya ko. Kriminal kami. Mafia. A crime syndicate. No one can change that. Kaya sa tingin ko, sa oras na malaman ito ng mga kaibigan ko ay lalayuan nila ako.

"What?! You're going to prove your fucking self, again?! Making shits just to prove that you're not a disaster?! What the fuck, Sam?! Give it to me! Ako ng bahala kay dad! Go to your fucking home! Just go! " sigaw ni ate sakin at pilit akong tinutulak palabas. At nagulat nalang kami nang biglang inilapat ng mga tao sa paligid ang kanan nilang tuhod sa sahig habang nakayuko.

"Walang mag papaalis sa kanya. " that cold voice. The voice I've never heard for almost 3 years. That voice who are freaking me out. My dad... the one who throw me outside this goddamned mansion. Fuck it!

Now this is the true me. Not inoccent, not just your goddamned nerd! I'm tired of pretending to be a nerd for almost 3 years! Now that I'm free... still... I'll be jailed in this mansion.

"No dad! " ani ate Sandy at agad akong hinigit papunta sa kaniyang likod. Napaharap ako kay dad dahil sa ginawa ni ate Sandy. He's old, I can see it in his face. Nagbago ang itsura nya.

"Let him, Sandy! Sya ang kusang pumarito! Dalhin nyo si Sandy sa kanyang kwarto! " sigaw ni dad na agad namang sinunod ng mga reapers. Nag wala pa si ate pero kalaunan ay naipasok na rin sya sa kanyang kwarto.

Napatingin ako lalo kay dad at ganun parin ang mga mata nya. Puno ng awtoridad at ang nakakatakot nyang ekspresyon ay naroon parin.

"Hindi ko inaasahang pupunta ka dito. Akala ko ay kailangan pa kitang ipadakip. " sambit nya at tumawa. Lumapit sya sakin kasama si Victor. Ang kanyang kanang kamay.

"W-what was t-that? " tanong ko nang makita ang sniper na hawak ni Victor at inaabot sakin habang nakayuko.

"You forgot? Yan ang ginamit mo sa pagpatay kay Cedrick Carter. Ang detective na pumatay sa mama mo. " ani daddy at kinuha ang sniper na nasa kamay ni Victor.

"Kill her daughter. Jestin Zenn Santillan, a not so ordinary gangster. Sabi nila ay mapangahas daw ang babaeng yun. I want you to kill her. Patayin mo ang anak ng pumatay sa mama mo. " para akong binuhusan ng napaka lamig na tubig. Hindi! Zenn is not Cedrick's daughter. Mag kaiba sila ng apilyedo! Hindi! Hindi ko kaya.

"Dad! Magkaiba sila ng apilyedo. Baka iba ang tatay ng babaeng iyon--- "

"Shut up, Sam! Patayin mo ang babaeng na 'yon. Sya. Sya ang anak ni Cedrick. Matagal ko na iyong pina-imbistigahan. Kill her, or I'll kill her and her friends? " mahal ko si Zenn. Alam ko yun. Sa maikling panahon na nakasama ko sya ay minahal ko na sya. Mahal na mahal. Hindi ko yun kayang gawin.

"No dad! Hindi pwede--- " mabilis na dumapo ang ilong ng baril sa aking pisngi. This can't be!

"Wala kang karapan na sigawan ang sarili mong ama. " ani Victor. Hinarap ko sya at tinaliman ng tingin. Tinutok ko sa kanya ang sniper na hawak ko at agad na hinawakan ang trigger. Walang papatay kay Zenn, walang papatay sa mga kaibigan ko.

"Sam! Stop it! " napatingin ako kay dad kaya agad na binaba ni Victor ang kaniyang baril at ibinaba ko rin ang akin.

"Patayin mo ang babaeng iyon--- "

"Wag mo kong utusan. " lumabas ako ng mansyon at agad na sumakay sa aking sasakyan. I'll protect Zenn no matter what will happened. I'll protect them all. Hindi ko hahayaang pati sila ay mawala sakin. I'm no longer the nerd who's facing the floor and trying to avoid some troubles. Mas mapoprotektahan ko si Zenn kung isasantabi ko ang dating ako.

My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon