30: Inside

9K 178 0
                                    


Isang lapat ko palang sa malaking gate ng aking kamay na nababalot sa itim na gloves ay bumukas na agad ito. Nagkatinginan kaming lahat at napagpasyahan ko nang ako muna ang unang papasok.


Pakurba ang patag na daan. Maraming halaman, may malalaking fountain na may dragon sa gitna at nagbubuga ito ng tubig. May makukulay na rosas ngunit nagtataka ako ng makita kong karamihan rito ay kulay itim. Nakakamangha dito sa loob. Para kang nasa paraiso kung tutuusin dahil sa magagandang halaman sa paligid. Pero ang paraisong ito ay kabaligtaran ng mga pangkaraniwang paraiso na nababasa o napapanood natin. Dahil hindi ito ordinaryo.

"Galing! " sambit ni Claude at tangkang lalapit sa fountain na may estatwang dragon. Isasahod nya sana ang kanyang kamay nang may pumigil sa kanya.

Agad kaming lumapit at tinutukan sya ng mga daladala naming baril. Hindi ordinaryo ang baril na ito. Mas mabigat at mas maraming bala ang maaring ilabas.

"This fountain is poisonous. Ang tubig na iyan ay mainit at nakalalason, na kahit ang katiting na patak nyan ay maaari nang sunugin ang iyong balat. " pormal na paliwanag nya. Binaba namin ang aming baril at nagulat ako ng makita ko ang suot nya.

Tulad rin ito ng suot namin ngunit mas mataas ang rango nya. Draylen Reaper no. 3. Mas malakas, mas mataas.

"Santillan. Gusto mo na ba talagang mamatay? At sinama mo pa ang iyong mga kaibigan. " tinanggal nya ang kanyang tinted glass at nakita ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Maganda at makinis. Napakaamo ng kanyang mukha at hindi mo iisiping kaya nyang gumawa ng krimen.

"Hermina Linzer... " bulong ko. Tinanggal ko ang tinted glass ko at sandali kaming nagtitigan. Ngunit naputol ang lahat ng iyon ng biglang ipulupot ni Sue ang kanyang braso sa leeg ni Hermina at tutukan ito ng baril sa sentido.


"Let us in! " nagulat kami sa inasal ni Sue, pero ni isa ay walang nagtangkang pumigil.

Ngunit mas ikinagulat ko ang paghalakhak ni Hermina. Para syang si Elizabeth Linzer, hindi na ko magtataka kung malaman kong magkapatid nga sila.

"Hindi ko kayo hinaharangan mga binibini at ginoo. Pinigilan ko lang ang walang muwang nyong kaibigan na balak sumalok sa lason na tubig. " masyado syang pormal. But there is something who's bothering me. She's a Draylen Reaper, she have the privilege to kill us now- but why she's not doing anything against us?


"Ano bang balak mo samin? " kalmadong tanong ko at pilit na inaalis ang tensyon. Aminado akong ang presensya nya ay mapanganib. Nakakatakot na parang si Elizabeth.

"Pumatay si Khalil para lang sa inyo. Ano kayang kahihinatnan nyo sa impyernong ito? Paano kaya kayo mamamatay? Masarap sigurong mapakinggan ang walang humpay nyong sigaw at pagmamakaawa.. " nonsense. I won't fucking let that happen. Wala sa sarili akong lumapit sa kanya at agad namang syang sinuntok. I know that wasn't enought to hurt her, but I just want to effing punch her right now.

Sinapo naman ng kanyang dila ang dugo sa kanyang labi. Napapikit pa sya ng matikaman nya ang sarili nyang dugo.


"I can't wait to see all your reaction when you saw the Mafia Prince... " aniya at agad na itinaas ang kanang kamay at inabot ang likod ni Sue. Kitang kita ko ang bawat galaw nya. Ang paghawak nya sa damit ni Sue at ang pagbaliktad nya rito pati na ang pagbagsak ni Sue sa lupa.

"Fck! " mura ni Keane at agad na lumapit kay Sue na namimilit sa sakit ng kanyang likod. Tinignan ko ng matalim ang naka ngising si Hermina.

"Careful, you are all inside this hell. You will feel the heat and smell the fresh bloods. See a flesh and hide for your own lives... Good luck! " paalam nya at agad na umalis. Para kaming mga napako sa aming kinatatayuan. Patuloy na tinatanaw ang isang mapangahas na babaeng reaper na naglalakad papalayo samin. Naka-engkwentro na agad kami ng dalawang reaper at hindi malabong maka-engkwentro pa kami ng mas marami at mas malakas. Sino ang numero unong reaper? Sino ang pangalawa?


"Rheign, yung mapa. " pagpapa-alala ko at agad syang hinarap.

"Ang kwarto ng pinuno nila ay nasa ikalimang palapag. Ang pang apat na palapag ay para sa kaniyang mga anak. Ang pangatlong palapag ay para sa pulong at mga mahahalagang armas. Ang pangalawang palapag ay ang pinaggagawan ng mga ilegal na transaksyon at ang pang unang palapag... nandun ang mga kulungan... kung saan nila pinapatay ang mga bihag. " napapikit ako sa impormasyong mga binasa nya. Lahat ng impormasyong iyon ay galing kay Elizabeth. Isa ring mapangahas na reaper ng mga Draylen.


"Saan tayo tutuloy ngayon? " nag-aalanganing tanong ni Claude na ngayon lang din natauhan sa lahat ng nangyari.

"Hindi ko rin alam. " sagot ko at ginulo ang aking buhok. Wala kaming sapat na plano. Basta basta ko nalang silang dinala rito. Akala ko dadali na ang lahat pag pasok namin dito pero hindi pala.

Mas mahirap.

Mahirap gumalaw dahil sa mga mapagmatyag na mga reapers.



"We doesn't clear our plan! " iritableng sigaw ni Ween na mukang frustrated na rin sa mga nangyayari. I can't blame them if they will blame me for this. It is all my fault. Ako ang nagsimula ng gulong ito.

"Makipag sabayan nalang tayo rito sa loob. We didn't have a choice. " ani Keane at inalalayan si Sue na makatayo.

"Sorry guys--- " agad nila kong pinutol sa aking sasabihin.

"No time for dramas, Zenn. Don't blame yourself, we're all inside this hell. We can't escape, we'll fight... together. " paliwanag ni Rheign na napagpa-gaan sa aking dibdib.

"Rheign is right. Let's go. " nauna na si Claude sa paglalakad at inayos na namin ang aming kasuotan.


We're inside... we can't escape. There's no turning back. No time for running away. We can't runaway.

They are right. We'll fight for our own lives.

My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon