8: First Kiss

16.2K 354 22
                                    

"Ingat kayo sa pupuntahan nyo ha? " paalala samin ni mama at pinagbuksan kami ng gate.


"I-ito ba ang gagamit 'nyong s-sasakyan? " hindi makapaniwalang tanong ni mama ng bumungad samin ang big bike ni Zenn na nakaparada sa tapad ng gate.

"Oho. May problema po ba? " nagtatakang tanong ni Zenn. Hindi ko alam sa babaeng ito kung nagpapatay malisya lang ba sya o wala talaga syang ideya sa reaksyon ni mama.

"I-ikaw ba ang magdra-drive nyan? " -Mama.


"Opo, tita. Don't worry you can ride here with me whenever you want. " masayang tugon ni Zenn. Hayst. Wala talaga syang ideya sa nagyayari. Hindi nya ba ramdam na takot si mama na sumakay kami sa motor na iyan?


"W-wag nalang, ija. A-ah sige ingat kayo. Pasok na ako. " paalam ni mama at sinarhan na ang gate. Tumingin naman ako kay Zenn na ngayon ay chine-check ang motor nya.

"Sure kaba na ito yung sasakyan mo? Baka naman may nakaiwan lang nyan dito sa may gate namin. " napa taas naman ang kilay ni Zenn dahil sa sinabi ko. Hindi naman sa takot akong sumakay sa motor nya, ang inaalala ko lang ay baka ma-aksidente kami. Panget na nga ako tas mas papangit pa ako? Edi mas lalo akong ibu-bully ng nga estudyante sa university namin.


"Afraid of riding? " -Zenn


"Hindi ah! Nag-aalala lang ako. " -ako. Ngumiti lang sya at sumakay na sa big bike nya. Hingang malalim. Mabubuhay kapa Cynich.

"Sakay. " ani Zenn. Sinunod ko naman sya at umupo na sa likod.

"Wala kang helmet? " tanong ko sa kanya. Baka mamaya mahuli pa kami, wala pa naman 'tong lisensya. Wala pa nga syang 18 eh. Ni student license ay wala sya.

"No need. " ani nya at pinaandar na nang mabilis ang motor. Sa totoo lang ay first time kong sumakay sa motor, nagco-comute kasi ako o kaya naman ay kotse. Mas lalo nyang binilisan ang patakbo sa motor kaya hindi ko napigilan na mapayakap nya sakanya.

"Ama namin! Kami'y iyong gabayan at huwag pabayaan! Zenn tama na! Whaaaa! Yung kaluluwa ko naiwan sa tapat ng gate namin, balikan natin! Tama na! " sigaw ko sa kawalan. Mangiyak ngiyak na ko ngunit hindi ko maramdaman ang luha ko sa aking pisngi, siguro ay nililipad na sila dahil sa bilis ng takbo ng motor. Naririnig ko pa ang halakhak ni Zenn at mga busina ng mga sasakyan.


"You're so gay. " natatawang sambit nya at hindi parin natigil sa bilis ng takbo nya. Sigaw lang ako ng sigaw. Alam mo yung pakirandam na tumae ka tas walang tubig panghugas at walang tissue tas sigaw ka ng sigaw ng nanay tapos hindi sya tumutugon. Tapos yung pwet mo nilalangaw na at wala ka ng magawa kung hindi ang umiyak.

"Please wag nyo po kaming pabayaan! Mahal na mahal ko ang pamilya ko! Wag pa po sana akong mamatay, kasi alam mo yung pakiramdam ko? Parang humihiwalay yung kaluluwa ko! Mas malala pa sa sumakay ng roller coster at pakiramdam ko masusuka na ako! Dati na trauma akong sumakay ng roller coster kasi nga ang bilis pero mas nakaka-trauma pala 'to! Ewan ko ba sa babaeng kasama ko ngayon kung bakit nya 'to nagagawa sa pangit na katulad ko--- "

I can feel her lips touches mine. Ngayon ko lang namalayan na kanina pa pala kami naka-tigil dito sa parking lot ng mall. Maraming tao pero hindi ko magawang pigilan si Zenn sa paghalik nya. Parang na-paralyze ako. Hindi ako makagalaw. Nananatili lang ang mata ko na nakamulat, gulat parin talaga ako! Isang Jestin Zenn Santillan leader ng Dark Society ay hinahalikan ako!

If I were a girl and he's the guy, I would probably jump with happiness. Pero kasi, iba 'to! Lalaki ako at babae sya! Ako dapat ang nagpapakilig sa kanya!

"That was my first. Malas mo. " ani Zenn at iniwan akong tulala. 10 seconds! Oo ang tagal 'di ba?! Syaka bakit ako malas? Swerte ko nga e. First kiss nya pala---


"A-ano? First kiss nya 'ko? " ani ko habang hawak hawak yung labi ko. Kakaiba, sobrang kakaiba. Hindi dapat ako magkagusto kay Zenn, loyal ako kay Rheign. Kay Rheign lang ang balls ko este ang heart ko...

pero bakit parang ninanakaw na ni Jestin Zenn yung puso ko?

My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon