25: Elizabeth Linzer

10.9K 215 1
                                    

Napamulat ako nang may biglang tumama na liwanag sa mukha ko. And then the scene last night suddenly popped up on my mind. I hope that wasn't a dream. Pero bakit bigla nalang syang umalis?

"Good, you're finally awake! " ani Sue na may dalang tray. Nilapag nya ang tray sa side table at umupo sa kama ko. Umupo rin ako ng maayos at pinagmasdan silang lahat.

"Why you're here? " tanong ko na parang wala sa sarili.

"Because we want to be here. And Rheign already told you last night that you should expect us here. " ani Sue at tumayo sa harap ko habang magkacross ang dalwa nyang braso at seryosong nakatingin sakin.

"Sinabi ko namang labas na kayo- "

"Hindi naman kami nandito para lang pilitin ka na isama kami sa plano mo. Bukod dun, we're here to tell you something. " dagdag pa ni Sue. She took a deep breathe and shook his head. Tumingin sya kay Keane at parang sinenyasan nya ito na si Keane na ang magsabi.

"Zenn... paano ko ba 'to ipapaliwanag?... Ween! Dito nga kayo! " ani Keane at lumapit naman si Ween at Claude samin. Mukhang mga nagdadalwang isip pa sila kung sasabihin nila o hindi.

"What is it?! " tanong ko ng mapagtantong tumatagal ang pagtititigan namin.

"Nag drop out na si Cynich. Kanina lang namin nalaman nang pumunta kami sa school. Si Rheign ay may inaayos sa school. Sa tingin ko ay mag-e-excuse sya sa principal para sa pagliban natin ng klase. " yumuko si Ween na parang ayaw nyang makita ang reaksyon ko. This fvcking can't be! Kagabi lang ay nag usap kami ni Cynich! Hindi naman pwedeng magdro-drop out sya ng walang paalam!

"You kidding, right? " I faked a laugh. But still, their expression are all serious. Fuck! What's happening?! Mafia, and now? Cynich?! Nakakagago na talaga.

"We're not kidding, Zenn. I know you're hurt. We all know... you love Cynich. " ani Keane na katabi ni Sue. I can't believe it!

"Nagpakita ba sya sa inyo? Tell me! " I fucking lost my temper. Pakiramdam ko ay sasabog na 'ko ano mang oras sa ngayon.

"Calm down, Zenn. Hindi sya nagpakita samin at kung nagpakita man sya ay sinabi na namin dapat sayo. Don't act like you own the world's pain! Your madness can't solve this problems! So calm the fuck down! " sigaw sakin ni Claude kaya natauhan ako. Madalas syang tahimik at mapagbiro. Ngayon ko lang sya nakitang ganiyan. Kadalasan kasi ay si Sue ang laging sumisigaw o kaya ay si Rheign. Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Claude. Siguro nga ay sumusobra na talaga ako. But I really can't help it. Masyadong masakit.

"You both should stop shouting. We can solve this. Ang mahalaga ngayon ay yung about sa mafia. Sa tingin ko ay mabuti naman ang kalagayan ngayon ni Cynich. " sambit ni Sue at nag angat ng tingin sakin. Nag igting ang panga ko sa sinabi nya. How sure is she?

"Rheign's finding some evidence and clues. Kailangan nating mag tulungan para mahanap ang kuta ng mga Draylen. " ani Keane na mas lalong sumeryoso ang ekspresyon. Maybe they are right. Siguro nga ay nasa magandang kalagayan ngayon si Cynich. I trust him. Hindi sya gagawa ng desisyong ikakapahamak nya.

"Take a bath. Pupuntahan natin si Rheign. " hindi parin makatingin sakin si Claude. Siguro ay nabigla lang sya kanina. I understand him. This problem is so big. A big blow for us.

Kumuha ako ng damit at agad na pumasok sa cr. Pagkatapos maligo ay agad narin akong nagbihis bago lumabas ng cr. Pagkalabas ko ay ganun parin ang pwesto nila. Ngunit nadun na si Rheign. Bigo ang mga mata at mukang pagod.

This is my problem. Pero bakit ko pa nga ba sila dinadamay? Dapat ay ako lang. Labas na sila dito. Ayaw ko nang madamay pa sila at mawala sakin. Ayaw ko nang mawalan pa ulit.

My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon