31: As One

8.8K 192 2
                                    

Its been a week since we got here. Napaupo ako sa isang bench rito sa garden. Marami rin kaming nakuhang impormasyon tungkol sa mga Draylen.

Ang mga mafia reapers mula no. 300 pababa ay natutulog sa building number 3, nasa likod iyon ng malaking mansion na pagmamay-ari ng mga Draylen. Ang reapers mula no. 70 hanggang 299 ay nasa building number 2 na katabi lang ng building number 3. Ang reapers mula no. 11 hanggang 69 ay building number 1. At ang mga reaper na mula sa no. 1 hanggang 10 ay naka tira sa Draylen mansion. Sa ikatlong palapag, at sila ang nagbabantay sa mahahalagang armas.


And we are here at building no. 3. Bihira namin tanggalin ang aming tinted glass pero wala namang pakialam samin ang ibang reapers.



"This isn't enough. Masyadong tahimik at pormal ang mga reapers. Kahit mabababa ang ranggo ay tahimik rin. " paliwanag ni Keane at agad na naupo sa aking tabi. He's right. Hindi parin sapat ang mga impormasyon na meron kami. Masyadong tahimik ang mga tao dito. No one dares to talk to us, except nalang kung may commands or something.

"Oh, tubig. Grabe! Puro wine rito! " atas ni Ween at agad na inabutan kami ng tubig.

"Guys, sa isang linggo na ipapakilala ang Mafia Prince. Tatanghalin na sya bilang bagong pinuno. " napatingin ako kay Sue. Lahat kami ay naghahantay sa kasunod na sasabihin nya pero hindi na ito nadugtungan.

"Saan mo nakuha yan? " tanong ni Rheign at agad namang namutla si Sue. Kanino nga ba makukuha ni Sue ang impormasyon na iyon? Wala naman kaclose dito dahil mukhang hindi uso dito ang mag chissmisan.

"K-kay E-elizabeth.. " napatayo ako at agad na hinawakan sya sa braso. 

"Sabi ko na nga ba e! Siguro may gusto sakin ang Elizabeth na yun kaya nya tayo tinutulungan! Hayst! Problema ng gwapo, pati sya ay  pinagnanasaan narin ako. " binalewala ko lang ang kamangmangan ni Claude at pinagtuunan ng pansin si Sue. I look directly in her eyes. I'm really begging for her to tell us

"What? Anong balak nila? "

"Masquerade. Padadalhan tayo ng gowns at mask. " binitawan ko ang kanyang balikat at agad na ngumiti. I have a plan.


Ayos lang na mamatay ako dito. Ang mahalaga ay mapatay ko rin ang Mafia Prince. Ang alas sa aking paghihiganti. Wala man akong kasiguraduhan kung ang susunod ngang pinuno ang pumatay sa papa ko, pero malakas ang kutob ko.


Wala akong ititira sa kanya. Lahat uubusin ko hanggang sa magsisi sya sa ginawa nya samin. I'll make him suffer for killing my dad. Next week is his doom. I'm sure with that.


"I have a plan. " lahat naman sila ay napatingin sakin na para bang nag aantay sa susunod kong sasabihin. I'm still in the middle of arguing with myself. May konti paring hesitation ang namumuo sakin dahil hindi ko kakayanin pag dito pa napahamak ang mga kaibigan ko. But we're in. Sisikapin ko na ilabas sila ng buhay dito pagkatapos ng paghihiganti ko.



"You said you already have a plan, so spill it out. We'll help you without any hesitation. Kaya sana naman ay huwag ka ring mag hesitate na isama kami sa laban mo. " biglang sambit ni Ween at lahat sila ay seryosong nakatingin sakin. They are really willing to fight with me. I smiled. Ganitong mga kaibigan ang dapat iniingatan.


"We will fight together. We will fight as one. " sambit ni Rheign at sunod sunod na ngisi ang natanggap ko mula sa kanila.

My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon