19: Promise

11.8K 261 1
                                    

Sue's



"Ano? Game ba? " tanong ko at agad na nanggigil dahil sa excitement. Inaakit ko kasi silang pumunta sa Baguio tutal 1 week kaming walang pasok dahil sa out of town seminar ng mga teachers at dahil narin sa darating na Christmas ball, kaya nag hahanda ang lahat.


"Meron kaming resthouse sa Baguio. " -Keane


"Ngayon na ba? Maaga pa naman, para makarating agad tayo ng dun. " suwesyon ni Ween habang pinapaikot ang susi ng kotse sa index finger nya.

"Sa bahay ang meet up. 5pm, see you. " ani Rheign syaka umalis at nauna na sa parking lot. Bossy amp! Lagi nalang sya ang nasusunod! Ako ang nag-akit pero sa kanila magkikita kita! Gusto ko samin!

"Wag kang mag alala, Sue. Susunduin ka ni Keane. " ani Cynich at sinabayan na ulit si Zenn maglakad. Napabuntong hininga naman ako at napatingin kay Keane— nakita ko naman na nag wink sya sakin kaya agad ko syang inirapan at nag iwas ng tingin. Nagkaron ako ng goosebump, putek! Hindi ba sya kinikilabutan sa mga ginagawa nya? Kadiri e.


"See you later, babe! Mwahh! " at nag flying kiss pa ang gago, kung flying kick kaya ang ibigay ko sa kanya? Epal e.

Nakita ko naman si Ween at Claude na inaasar si Keane habang sabay sabay silang nag lalakad, akala ba nila ay may chemistry samin?! Wala ah! Walang wala! As in wala! Mamatay man ang kambing na 'yon.


Cynich's



Tahimik lang kami parehas ni Zenn habang dindrive nya ang top down na kotse nya. Damang dama ko naman ang hangin na dumadampi sa aking pisngi— hayst mas okay pa sana kung labi ni Zenn ang dumadampi e.

Nahahagip rin ng mga mata ko ang mga tao sa paligid na tumitingin samin, rather kay Zenn at sa sasakyan nya. Hindi ba ko attractive? Pangit ba ko?


"Hey! " natauhan ako sa biglang sigaw ni Zenn sakin. Nananatili ang tingin nya sa kalsada habang nagmamaneho. "Baliw ka ba? Bakit nakikipag-usap ka sa sarili mo? " napatingin ako sa kanya. At napakamot sa aking batok. Pag sya naman ang kinausap ko, hindi sya sasagot o kaya naman isang sentence lang ang isasagot nya.

"A-ahh! Wala! Hindi ako baliw, sayo lang. Yieeeh! Kiligin ka naman, kj nito! " umiling lang sya at huminto ng makitang red ang traffic light. Aba bago 'to ah! Dati hindi sya nahinto at dirediretso lang sa pagddrive.


"Bakit naman ako kikiligin? Eh wala namang kakilig kilig sa sinasabi mo? " ouch! Hindi ba ko magaling magpakilig? Hindi ba ako yung klase ng lalaking makalaglag panty, mala breathtaking at nakaka starstruck? Bwiset naman e! Sayawan ko kaya sya ng careless whisper? Baka sakaling gumana e. Hahaha!


"Ano ba kasi ang nagustuhan mo sakin, ha? " sumandal ako sa upuan at tumingin sa kalsada, nagpapaawa ako baka sakaling gumana.  "Paki explain, ha? Para naman alam ko. "

"There is no reason, Sam. Because once I give a reason, para na ring sinabi ko na yung rason na yun ang nagustuhan ko at hindi yung mismong ikaw. " medyo hindi pa nag sink in yung sinabi nya sakin kaya hindi ako nakapag react agad. Pero maya maya pa ay nag sink in na yun sakin at agad na napatingin sa kanya na may namimilog na mata.

"Talaga? " di makapaniwalang tanong ko sa kanya at agad naman syang tumingin sakin at ngumiti.

"Yes. I'll accept your flaws no matter what. " tumigil kami sa bahay namin kaya tuluyan na syang humarap sakin.


"Hindi mo ko iiwan ha? Promise yan? Kahit anong mangyari, dito ka lang sa tabi ko. "

"Fine. " nagpinky swear kaming dalawa at hindi parin ako makapaniwalang tumingin sa kanya. I hugged her tight and she hugged me back. "You will always be my rapunzel. " natawa ako sa sinabi nya. Hindi ko akalain na naaalala nya pa pala 'yun.

My Girl Is A Gangster ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon