Chapter 50

1.3K 33 0
                                    

Jazz' Point of View

Lalong lumala ang kondisyon ni Gio. Hindi na ko nagulat nang sabihin iyon ng doktor, pero kahit na expected ko na na iyon ang magiging resulta, masakit pa rin sa loob ko na marinig iyon.

Katabi ko sina Jax at sina Sakura na nakaupo sa labas ng kwarto kung saan nakaconfine si Gio. Sina Tanda? Hindi ko alam kung nasan. Nang maihatid nila si Gio dito sa ospital, bigla na lang silang naglaho na parang bula. Alam kong aasikasuhin nila ang nangyaring 'to.

Kanina lang ay ininterrogate ni Tanda sina Sakura, Wayne at Bruce. Kung bakit ba nila binaril ang agents, and gaya ng inaasahan, 'Sa halip na iyong mga armadong lalaki ang barilin nila, tinulungan pa nila ang mga ito,' ang isinagot nila.

Naguguluhan na ako kung bakit ba nangyayari 'to. Bakit ba kelangan pang humantong sa ganito? Hanggang sa pumasok sa isip ko na ang mga Alfonso ang sanhi ng lahat. Kinakain na ako ng galit at wala na kong pakielam kung ano man ang maging consequence ng mga gagawin ko. Ang alam ko lang, nagsimula ang lahat ng ito kay 89. At kailangan na syang mahuli, as soon as possible.

Tumayo ako mula sa kinatatayuan ko at nagdire-diretso pababa sa parking lot. Hindi ko pinansin ang mga pag tawag nila ng Jazz at hindi ko pinansin si Jax na hinahabol ako.
"Jazz! Jazz!" Sigaw ni Jax sa likod ko. Pero lalo kong binilisan ang pagtakbo ko at agad na sumakay sa kotse nya. Wala na syang nagawa ng paharurutin ko ito paalis.

Buti na lang at nasa akin ang susi ng kotse nya kaya hindi ko alalahanin kung paano ajo makakapunta pabalik sa University.

Hapon na, oo, pero alam kong may special classes pa si Espasol. Kailangan na nyang umamin. Hindi ako makakapayag na hindi sya aamin.

Napangisi ako nang makita kong may mangilan-ngilang estudyante ang lumabas mula sa room nina Espasol. Mukhang tamang-tama ang dating ko.

Wala kong pakealan kahit na pinagtitinginan ako. Ang alam ko lang, kailangan ko nang tapusin 'to ngayon.

Walang pagdadalawang-isip na pinasok ko ang room nila at hinanap ng mata ko ang anak ni Alfonso. Saktong wala si Jung, walang magiging sagabal sa binabalak ko ngayon.

"Alfonso," napatayo sa pagkakaupo si Espasol at humaap sa akin. Dahan-dahan kong hinila pababa ang butterfly knife na nasa ilalim ng palda ko. Napaurong sya ng isang hakbang nang ilabas ko na ang talim nito, at nang paglaruan ko ang kutsilyo.

"Alam kong alam naman nating dalawa, kung anong nangyari sa lalaking pabuntot-buntot sa'yo." Walang emosyon kong panimula.
Unti-unti syang namutla at patuloy ang pag-urong habang patuloy nman akong humahakbang palapit sa kanya.

Mukhang may mga nakakita na sa nangyayari dito sa loob dahil may nagsisigawan nang babae sa labas. May sumigaw pa na tawagin ang guard pero duda akong makakarating agad ang mga iyon.

"Ano na? Bakit parang nalunok mo ata ang dila mo Miss Alfonso?" Ilang hakbang na lang ang pagitan naming dalawa nang huminto ako sa harap nya. Dahil sa dulo sya umurong, hindi na katakataka kung pader na lang ang meron sya sa likod.

"W--what the hell a--are you s--saying?!" Kinakabahan nyang sigaw sa akin.

Tiningnan ko sya at dahan-dahang umiling.

"Bakit ba ayaw mo pang umamin?" This time, humakbang ako ng ilan closing the gap between me and her.

"Now tell me, Miss Alfonso, saan nagtatago ang magaling mong ama." I asked her coldly. Nakatutok ang blade ng kutsilyo sa leeg nya, making her shiver in fear.

Hindi sya nakatingin sa akin, pero alam kong isa ako sa dahilan kung bakit sya natatakot ngayon. Bukod pa ang dalawang lalaking nakatayo sa likudan ko at nakatutok ang baril sa akin at kay Alfonso.

Secret of Miss Enigmatic | under editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon