Chapter 11

3K 82 2
                                    

Jazz' Point of View

Nandito ako sa kwarto ni Rock at kinukulit sya. Nakakacurious kung sino si Miss LR ha.

"Pabebe ka pa dyan Rock." Sabi ko bago gumulong-gulong sa kama nya. Nasa study table sya at naglalaptop. Ewan ko ba dun, nagpepesbuk ata.

"Hindi ko nga kasi alam kung anong pangalan nya. Bakit ka ba curious?" This time, humarap na sya sa akin.

Hindi ako sumagot. Pinagpatuloy ko lang ang paggulong ko sa kama nya. Bango kasi, amoy lalaki. Ano kayang pabango ni Rock? Makabili din ng ganun. Ayoko kasi ng mga pang girlalush, ang sakit sa ilong ng mga ganun.

"Hitsura. Anong hitsura?"

"Maputi, may salamin, maliit kumpara sa akin. Siguro hanggang baba ko lang sya." Tumalikod sya at humarap ulit sa laptop nya.

"Tss, ikaw na nga ang matangkad."

"Maliit ka lang talaga."

Napasimangot ako sa sinabi nya. Bakit kasi ganun, ang unfair. Kambal naman kami pero bakit mas matangkad sya sa akin. Maduga.

Napaharap sya sa akin at parang may naalala.

"Teka, bakit ka nga pala napadpad dito? May pasok ka di ba? Huwag mong sabihing absent ka na naman."

"Isang linggong holiday." Sagot ko habang tinataas-baba ang kilay ko.

Kumunot ang noo nya sabay tayo sa upuan nya.

"Kachat ko si Majoy, absent ka daw. Nagpapabaya ka na naman ba Jazz?"

"Wow, Haligi ikaw ba 'yan?"

"Seryoso ako Jazz, palipat-lipat ka na lang ng school ah. Kung hindi nakick-out, ikaw mismo ang naalis--"Pinutol ko na ang sinasabi nya.

"Di ba pwedeng magkaroon ng isang linggong holiday ang mga mababait na estudyanteng katulad ko? Lima nga lang kami sa section namin na may special holiday eh. Nagbago na nga kasi ako Boss Rock." Umupo sya sa tabihan ng kama at tumingin sa akin.

"Huwag mo nga akong pinaglololoko Jazz."

"Hindi nga sabi eh, maiba nga tayo. Kamusta naman 'yang mga kabarkada mo?"

"Talagang mga kabarkada ko ang inalala mo ha. Hindi ka man lang nag-alala sa akin na kakambal mo?"

"Boy, di bagay sa'yo ang magdrama. Para kang bakla."

"Sa gwapo kong 'to? Bakla?"
Oh see, kambal nga kami.. parehong may hanging tinataglay.

"May kaschool mate kaming gangster daw, rank ano kaya 'yun?"

"Anong pangalan ng gang?" Curious sya eh, palibhasa gangster din sya.

"Dark Knights"

"Ahh, yung mga kulugong yun. Rank 1, Second Division."

"Ahh, eh kayo? Ano nga ulit ang Division nyo?"

"First Division, Rank 1"

"Kayo na,"

Pagkatapos naming magkulitan, yuck di bagay.. magbugbugan na lang para astig total yun naman ang madalas naming ginagawa eh, ang magbugbugan. Minsan lang yun sweet, err madalas pala.

Kinuha ko yung isa nyang unan at ang comforter nya. Natataranta naman syang napatayo sa pagkakahiga.

"Oy, anong ginagawa mo?" Kita na naman nya, nagtatanong pa. -.-

"Akin na lang 'to."

"Hala hoy, maawa ka sa akin. Malamig pa naman!" Nagroll eyes lang ako at humarap sa kanya.

"Try mong magsuot ng T-shirt para hindi ka lamigin, tsaka hello.. uso ang pahinaan ang AC. Hindi yung todong-todo."

***

*Bzzt *Bzzt

Napabangon ako ng magvibrate ang cellphone ko. Sino naman kaya 'to?

09*********

Why are you absent?

~~~~~~

Sino naman kaya 'to? Yae na, wala din naman akong load.

Ilalagay ko na sana ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko ng may biglang tumawag.

'Yung nagtext.

Sinagot ko ang tawag pero hindi ako nagsasalita.

[Where are you? You're not in your house.]

Alam na this,

"So?"

[Rielle...]

"Bakit mo ba ako hinahanap?"
Gabing-gabi na ah. Mag-aalas dies na nga. Ano na naman bang trip neto? Sana naman di ba, patulugin nya muna ako. Lumalaki na ang mga maleta ko sa mata eh. Oo, maleta. Eye maleta.

[Hindi kita nakita sa University kanina.]

"Absent ako." Minsan nakakairita na din 'tong lalaking 'to.

[Why?]

"Dahil hindi ako present. Bye!" At kelan pa daw ako natutong mag-'bye'? Nababaliw na yata ako. Kulang lang siguro sa tulog. Aish! Makatulog na nga!

***

"Rock..." Paglalambing ko sa kanya. Ayaw nya kasing ibigay yung pabango nya ang daya-daya.

"Ayoko."

"Please?" With matching puppy eyes pa 'yan ha. Niyakap ko sya patalikod at ibinaon ang mukha ko sa likod nya. Amoy na amoy ko yung pabango nya. Ang bango~

"May atraso ka pa nga pala sa akin. Hindi mo sinasabi sa akin kung saan ang bahay mo, hindi naman kita matrack dahil sa may anti-tracker 'yang magaling mong cellphone."

"Iiih~ please? Ibigay mo na sa akin ang pabango mo~" Eto lang ang ayoko kapag malapit sa akin si Rock o kapag nandyan sya sa tabi-tabi, masyado akong nagiging makulit. >.<
Ewan ko ba, sanay kasi akong lagi syang kinukulit, tsaka spoiled ako sa kanya. Lahat ng gusto ko binibigay nya, well in terms of pagkain o kaya ay mga gamit. Kapag kasama ko sya feeling ko ako ang mas bata sa amin, (nauna akong ipanganak sa kanya ng ilang segundo) nagfefeeling kuya kasi sya.

"Ayoko pa din."

"Please na Rock, please, please, please?"

"Tsk. Sige na, pero sa isang kondisyon." Kuminang naman ang mata ko sa sinabi nya. Yehey!

"Samahan mo ako sa mall."

"Yun lang pala eh."

Naligo na ako at nagpalit ng black na T-shirt na bigay ni Rock na may naka print na babaeng chibi na may eyeliner at band-aid sa mukha.. personalize ata 'to, skinny jeans at rubber shoes. Pinusod ko lang ang buhok ko at naglagay ng eyeliner at band-aid sa mukha. Kinuha ko ang pabango ni Rock at inispray sa katawan ko. Hmm, bango ko na.

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba sa hagdan. Wala sina Ilaw ngayon dahil inaasikaso ang kompanya.

Nakita ko si Rock na nakaupo sa sala. Nakasuot din sya ng black t-shirt na may nakaprint na lalaking chibi na may hikaw sa left ear. Okay, sya na ang nageffort na mag papersonalize ng damit na may chibis namin.

"Ano tara na?"

'Yung kotse ni Rock ang ginamit namin papunta sa mall. Malapit-lapit naman ang mall kaya madali kaming nakadating dun. Una akong bumaba ng kotse dahil may nahagip ang mata kong symbol na familliar sa akin. Nakita ko 'yun sa tabing kotse kung saan nakapark ang kotse ni Rock.

Lumapit ako dun para masigurado kung tama nga ang hinala ko.
Napamura ako ng matitigan ko ang simbolo na 'yun.

Shitlacks!!!

Secret of Miss Enigmatic | under editingDove le storie prendono vita. Scoprilo ora