Chapter 39

1.5K 29 0
                                    

Jazz' Point of View

Paulit-ulit na nagplay sa aking utak ang mga nangyari kahapon. Simula sa pagiging cute kong nilalang hanggang sa magkandagulo-gulo sa RIO.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang posibleng magnakaw ng identity data, iyon ang sinabi sa amin ni Tanda. Pero, alam kong hindi ganon kabagal ang organisasyong pinagtatrabahuhan ko. Alam kong meron na silang lead, ayaw lang nilang ipaalam para hindi lalong mag-alala ang mga agents. I know that what they're going to do will be for the better.

"Geeana? Okay ka lang?" Tumingin ako sa nag-aalalang mukha ni Sachi tsaka ngumiti ng malapad.

"Oo naman. Medyo naninibago lang ako dahil second day ko pa lang dito." Sagot ko nang nakangiti. Tumugon lang sya ng isang munting ngiti at tsaka ipinagpatuloy ang ginagawa sa kanyang notebook.

"Oh~ take it off for me, for me, for me, now girl~" kanta ni Larez habang naglalakad palapit sa upuan na katabi ni Sachi.

"Sige lang. Pakasaya kang lintik ka." Pakinig ko namang bulong ni Sachi sa unahan ko.

Umupo si Larez sa tabi ni Sachi tsaka walang kyemeng inilagay ang kaliwang braso sa sandalan ng upuan ni Sachi. Para tuloy nakaakbay si Larez sa babaysot na nasa unahan ko.

Humaygas mga beshy. Otp.
(♡-♡)

"Nasan si Jax?" Napatingin ako kay Larez na nagtanong. Umiling si Sachi kaya napatango na lang sya. Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa labas ng bintana para tingnan ang asul na kalangitan nang tumingin sa akin si Larez at nagtanong.

"Ikaw Geeana, nakita mo si Jax?" Umiling na lang ako sa tanong nya. Napasulyap ako sa bakanteng upuan ni Jax which is yung nasa tabi ko.

I'm wondering kung papasok ba sya ngayon sa kabila na meron silang usapang lakad ng buong Gang. Medyo nagiging magulo na din sa Gangster World dahil ng mga bali-balita na official ng nagbabalik ang Evils.

Hindi din ako sigurado kung matatahimik ba ang mundo nila kung matutunton namin si 89.

"Uhm Geeana?" Sambit ni Sachi.

"Yes?"

"Gusto mo bang itour kita later?" Ngumiti ako at tumango sa kanya.

Kahit na medyo gamay ko na ang campus (dahil pinasaulo ni Tanda sa amin ni Gio ang mga pasikot-sikot dito. For emergency purposes daw, lul) umoo na lang ako kay Sachi.

Kailangan ding makita ng dalawang mata ko kung ano na ba ang progress ng mission, o kung may progress na ba.

Or... niloloko ko na naman ang sarili ko at gusto ko lang talaga syang makita?

¤¤¤

"San ka pupunta dyan Geeana? Uy." Tawag ni Larez sa akin nang magdire-diretso akong pumunta sa room ni Gio. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase.
Nalibot na namin ang west wing and it costs hours na dapat ay aming lunch break. Pero kahit papaano naman ay busog na kami dahil habang naglilibot ay madaming biniling pagkain sina OTP.

Hindi ko sya pinansin sa halip ay kumatok pa rin ako sa pintuan ng room nila nang masigurado kong walang teacher sa loob. Medyo nilakihan ko ang bukas sa pinto sapat na para makita ako mula sa kinatatayuan ko.

"Good afternoon!" Sa bati kong iyon, lahat ay nagtinginan sa gawi ko, maliban sa kanya.

"May I excuse Geeno?" Nakangiti kong tanong. Naguguluhan namang tumayo si Gio sa kinauupuan nya at naglakad papunta sa akin.

Hindi ko nga naramdaman na nakatayo na pala sya sa harap ko dahil masyado akong napatutok sa likod nila na abala sa pag-uusap.

"Anong problema?" Nabalik ang atensyon ko kay Gio na nasa harap ko at naghihintay ng sasabihin ko.

"Wag ka agad uuwi. Susunduin tayo ng RIO. May meeting mamaya." Nang tumango sya ay agad akong tumalikod at pinuntahan sina Sachi at Larez na naghihintay sa akin.

Buti pa sila. Marunong maghintay. Hays. Wala talaang poreber.

Nang makarating kami sa room, sakto namang wala pang teacher kaya happy happy kaming tatlo. Ilang minuto lang nang pumasok ang Mathematics teacher at agad na nagsimula ng klase.

Hala ka bes. Ang strict ni teacher.
Pero ako? Syempre pa easy easy lang. Hindi ko naman ikamamatay kung bungangaan nya ako ng bongga dito. Hehehez. >:)

Lahat ay napatingin sa pintuan nang may pumasok dito nang hindi man lamang kumakatok. As if on cue, biglang nabismud si teacher na kanina lang ay nagsusulat ng mathematical equation sa board.

"Why are you late Jax?!"

"Sorry po Sir. Hindi na po ito mauulit pangako." Pero walang nagawa ang sorry ni Jax dahil tuloy-tuloy pa rin ang pagdakdak nito sa unahan.

Hala, sige Sir. Ubusin nyo ang time nyo sa pagdakdak. Nakaano eh. Math kasi.

Sa halip na mahiya si Jax na kauupo lang sa tabi ko, nakangiti pa sya at parang nasa good mood. Maging ang dalawang kaibigan ni Jax na nakaupo sa aming unahan ay nagtataka rin sa ikinikilos nito.

"Hello Geeana~ good afternoon." Nakangiti nyang bati sa akin. Kahit na naguguluhan, tumugon pa rin ako sa bati nya.

Weird.

¤¤¤

"Alam kong alam ninyo ang nangyaring nakawan ng identity data kahapon." Seryosong panimula ni Tanda nang makarating kami sa room namin sa building ng RIO.

Nagkatinginan muna kami ni Gio bago kami sabay na tumango kay Tanda.

"At alam kong alam din ninyo ang mga posibleng mangyari kapag may nawawalang identity data. Alam kong alam nyo ang kapahamakan na maaring idulot nito." Hindi ko alam kung bakit pero nag-uumpisa na akong kabahan sa mga pinagsasasatsat ni Tanda sa unahan namin.

Dagdag pa sa nararamdaman ko ang isipin na kaming tatlo lang ang nandito na bihira lang mangyari. Laging puno ng ingay at katarantaduhan ang room namin dahil puro balahura ang member ng team namin. (Ako lang talaga yung matino tsaka si Jama. Pramis yan.)

"Sana'y manatili lang sa ating tatlo ang sasabihin kong ito dahil kapag may ibang nakaalam na alam na ninyo, baka lalo kayong mapahamak." Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayong napatunayan kong tama ang hinala ko kanina.

"Ang mga identity data nyo ay kasama sa mga data na nawala."
No. Hindi ito pwede.

Napatingin ako kay Gio na tila kinakabahan na. Maging ako naman. Knowing na anytime ay pwedeng may mangyaring masama sa mga taong malalapit sa amin. Ngayon, dapat na talaga akong humiwalay sa mga magulang ko. Sa pamilya ko. Sa mga kaibigan ko.

"Now, tatanungin ko kayo. Kahit na anong sagot ninyo, buong puso namin itong maiintindihan. Will you still continue the mission you're involved in?" Tanong ni Tanda.

Sa pangalawang pagkakataon, muli kaming nagkatinginan ni Gio. Hindi ko alam ang isasagot nya, pero ako. Alam ko ang isasagot ko.

Wala din namang magbabago kung magda-drop ako sa kasong 'to. Kung magdrop man ako, hindi ko pa rin mababawi yung personal information na nakuha ng mga lintik na magnanakaw na iyan.

"I will." Matigas kong saad habang nakatingin sa mata ni Tanda. Ramdam ko na napatingin si Gio sa akin.

"Itutuloy ko." Sa pagkakataong ito, ako naman ang napatingin sa gawi nya.

Hindi tulad ko, sa iisang bahay nakatira si Gio at ang pamilya nya. Which is too risky dahil kung may binabalak man silang masama kay Gio, anytime ay pwede nilang sundan ito at idamay pati ang pamilya nya, kahit na may kaya naman sila.

Sa akin naman, hindi ko gaanong aalalahanin ang pamilya ko dahil alam ko namang nandyan lang si Rock at ang iba pang connection na may kaugnayan kina Haligi.

"That's good to hear."

---

Pasensya na kung nadelay ang ud na dapat ay kagabi ko pa naipost. May nangyari lang kashitan kaya hindi ko agad naiud. Amd to be honest medyo mainit ang ulo ko kagabi kaya nawala na sa isip ko na magud. Pero okay naman na ngayon. Pasensya na ulit.

Unedited (lahat ng chappy unedited haha)

Maraming salamat sa pagbabasa! :*

Again, tumblr and pastel covers anyone? :>

Secret of Miss Enigmatic | under editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon