Chapter 46

1.3K 41 0
                                    

Jazz' Point of View

Naiinis akong naglalakad pabalik sa clinic. Paano ba naman, napaka-epal ng espasol na iyon. Kanina, nang magkatitigan kami ni Jung biglang sumulpot sa likuran nya si Espasol at inirapan pa ako ng gaga. At eto namang si Gio, isa't kalahati ding may saltik. Biruin nyo ba naman, ako pa ang inutusang kumuha ng camera nya sa clinic na naiwan nya kanina. Jusko. Mukha ba 'kong utusan. Nakakainis na ha. Grr.

Dahil inis na nga ako, walang katok-katok kong pinasok ang clinic. Ang alam ko wala naman kasing tao dito since halos kaaalis-alis lang din namin. Tapos yung nurse naman, pasulpot-sulpot lang. So keribelz lang.

Napaurong na lang ako nang biglang sumulpot si Sir Efren out of nowhere--este sa likod ng green na kurtina. Medyo nagulat pa sya nang makita nya ako.

"Hello po, Sir." Bati ko dito habang suot ang isang malawak na ngiti. Ngumiti naman din ito tsaka bumati pabalik.

"Ano pong ginagawa nyo dito? Hala Sir, may sugat po ba kayo? Parang wala pa ata ang nurse, halika gamutin natin." Biro ko sa kanya na tinawanan nya naman.

"Lokong bata. Sinilip ko lang si Misha dahil naalala kong nagtatanghalian nga pala yung mga medic staffs, baka kamo kailangan nya ng assistance." Paliwanag nya sa akin. Napatango-tango naman ako sa kanya.

"Ang thoughtful nyo naman po pala Sir," papuri ko sa kanya. Ngumiti lang sya at nagpaalam na na mauuna na sya.

Nagdire-diretso ako papunta sa lugar kung saan naiwan ni Gio yung camera, nagulat ako nang makita ko si Misha na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader sa may dulo.

"Misha?" Nag-angat sya ng tingin at tila nabunutan ng tinik nang makitang ako ang nandito. She looks kinda scared. Inalalayan ko syang tumayo at maupo sa kama. Tumabi ako sa kanya at dahan-dahang inayos ang buhok nya. At first, she flinched at my action pero hinayaan naman nya ako later on.

"Namamaga ang mata mo, umiyak ka ba?" I know that my question is stupid. STUPID QUESTION. Pero it's a way para iparating ko sa kanya na I'm worried.

Hindi sya makatingin sa akin ng ayos nang itanong ko iyon.

"Misha..." and finally, narinig ko din syang magsalita sa wakas.

"Si Jeff..." she whispers. Nangunot ang noo ko nang marinig ko ang pangalan ng boyfriend nya. Is he really the reason behind this? Noong una nagda-doubt pa ako kung sya nga talaga, pero ngayong sa bibig na ni Misha ito mismo nanggaling, I'm starting to hate him.

"Jusko 'day. Kung sya pala ang reason ng lahat, bakit hindi mo pa sya hiwalayan?" Medyo inis kong tanong sa kanya. Pero umiling lang sya nang umiling.

"No. I... love him very much." Naiiyak nyang saad.

"You... really do?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Hindi din ako makapaniwala na may mga taong masyadong nabubulag sa pagmamahal. To the point na kahit gaano pa kasama yung taong mahal mo, mamahalin mo pa rin sya ng buo. Duh.

"Yes." Walang alinlangan nyang saad.

Bumuntong-hininga ako.

"Bukas, they'll send him a black thing." Natigilan sya sa sinabi ko. Tumayo ako at kinuha na ang pakay ko. Yung camera, na nasa tabi ng isang libro. Your Soul Is A River by Nikita Gill. Libro siguro nya.

After that, I walked towards the door putting some of the puzzle pieces together.

¤¤¤

Friday.

Dali-dali akong pumasok sa club room para ipaalam sa buong club ang nalaman ko kagabi. Halos hindi ako nakatulog buong magdamag dahil somehow, alam ko na ang nangyari.

"Tamang-tama ang dating mo." Bungad sa akin ni Leo nang makita nya ako na pumasok sa club room. I roam my eyes around, and fortunately, nandito lahat ng club members.

"Ohayo--" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Rai dahil agad kong ibinagsak sa mesa ang print-outs ng blog posts ni Misha at ang isang itim na libro, na hiniram ko kay Liz since meron pala sya ng librong iyon na katulad ng kay Misha.

Dali-dali ko ding isinalpak ang aking flashdrive sa laptop ni Rai bago iconnect ang projector dito para makita nang lahat ang video. Pero bago iyon, bumalik muna ako sa arap ng mesa at binigyan ko sila ng tig-iisang kopya.

"What the hell are these?" Tanong ni Lynx. Katulad nya, nagtatanong din ang mga mata ni Sachi.

Hindi naman umimik si Rai na parang may alam sa nangyayari. Samantalang si Leo naman ay napangisi.

"Nacurious ako sa blog posts nya which are freaking codes. Inisip ko na isa 'to sa susi para malaman kung ano talagang nagyari."

"Blog Post 1 : T:TIHYWH by Hills and Mountains." Bagkis ko sa unang code. Ngayon, iniangat ko naman ang libro na hiniram ko kay Liz. "May nakita ako na ganitong libro ni Misha. Your Soul is a River. Written by Nikita Gill."

"And?" Naiinip na sabi ni Lynx.

"And it turns out na ang author ng librong ito--who is Nikita Gill, is the Hills and Mountains. How? I browse Nikita Gills blog, and it solves everything." Matamang nakikinig ang lahat sa paliwanag ko.

"The weird capitalized letters are initial letters. T:TIHYWH means, Trauma : This is How You Will Hurt by Nikita Gill. Next, blog post 2, TIHYWH, katulad ng una ay This is how you will hurt. And the sentences below, is that she can see herself as the person in the text." Napatango-tango naman si Rai at Leo.

"Blog post 3, TIHYWB - This is how you will bleed. And blog post 4, TIHYWT - This is how you will try. And she posted another blog post yesterday evening, blog post 5, I hope it will end."

"Can't you just--" pinutol ni Sachi ang sasabihin ni Lynx.

"Read the last line." Sabi nito.

Natigilan sya nang mabasa nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Natigilan sya nang mabasa nya.

Napalingon naman ako kay Leo nang pumalakpak sya,

"Very well, Geeana." Ngiti nya.

"Thank you for your explanation. Ngayon, hindi ko na kailang iexplain sa kanila kung bakit hindi natuloy ang pagbibigay ng black chip kay Jeff." Nagulat ang lahat sa sinabi ng club president na si Leo.

Lahat kami ay tila naguguluhan sa nangyayari.

"Yes, we also figured out what's really happening--kami ni Rai." Tumango si Rai bilang pagsang-ayon. "Now, the only question is, who really raped her?"

Napatayo ako nang ayos at lumapit sa laptop ni Rai.

"Well," proud kong saad.

"It's him. The teacher, Sir Efren." I added.

---

Unedited.

Salamat sa pagbabasa! Mwamps :*

I know medyo late, but it's still wed right? RIGHT?

Kung naguguluhan kayo sa mga pasabog, sisihin nyo si Jazz. HAHAHAHA

Nasa next part yung blog post ni Nikita Gill. Take time to read, :>

Secret of Miss Enigmatic | under editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon