Chapter 10

3.1K 81 1
                                    

Jazz' Point of View

"Oh, giliw ko~ miss na miss kita~"

Yung feeling na ang aga-aga pa, tahimik kang umiinom ng gatas habang nanunuod ng tv, relax na relax ka.. tapos yung magaling mong kapitbahay biglang magpapatunog ng ganun at ang volume ay aabot hanggang kabilang barangay.

Paking tape, kamusta naman?!

Haneps na 'yan. Panira.

"Pearly shell~ In the ocean~"

Fota -.-"

Hindi ko na inubos ang gatas ko at nilagay ko na lang sa may lababo. Mamaya ko na huhugasan 'yan.
Pinatay ko na ang tv at umakyat sa kwarto ko.

Hahanap na lang ako ng lugar kung saan tahimik. Bwiset kasi yung kapitbahay na 'yun.

Naligo na ako at nagbihis ng black sando na pinatungan ko ng pulang hoodie, maong short at red converse shoes.

Itinali ko ang buhok ko at kumuha ng band-aid tsaka ko nilagay sa may pisngi. Nag-eyeliner na din ako. Nakasanayan ko na yan. Kinuha ko ang bagpack ko na naglalaman ng madaming lollipop at candy.

Bago ako lumabas kinuha ko muna ang earphones ko at sinaksak sa cellphone tsaka isinuot.

Nang mailock ko na ang bahay ay inayos ko na ang folding bike ko. Bahala na kung san ako makakapunta.

Mabisita kaya sina Ilaw at Haligi? Siguro naman ay may pasok ang magaling kong kakambal. Hindi nya ako makikita kung pupunta ako sa bahay.

***

Tumapat ako sa maliit na gate at tsaka tiningnan ang maliit na device na nakalagay sa tabihan ng doorbell. Dito na ako dadaan kesa sa kabilang gate na daanan ng sasakyan. Hello, bike lang naman ang gamit ko. Magmumukha lang akong tanga kapag dun ako dumaan.

"What's the password." Eto lang ang ayoko sa gate na 'to. Madaming kaartehan di tulad sa isang gate... automatic, kapag na detect ang sasakyan na mayroong device na ginawa nina Ilaw at Haligi, magbubukas yung gate.
Yeah, sila na ang may Tech. Inc.

"ChaIanRieJan102400" Pinagsama-samang pangalan naming apat. Cha para kay Ilaw, Charlotte kasi ang name nya. Ian para kay Haligi yun ang name nya. Rie para sa akin, Rielle. Jan para kay Bato, Rock Jan ang buo nyang pangalan. Yung numbers, pabayaan nyo na yun. Kaekekan lang yun.

Umilaw naman yung yellow light na nasa device na katabi ng doorbell at bumukas ang gate. Walang guard dito at technology lang ang gamit. Nagbike na ako papunta sa bahay. Si Ilaw kasi masyadong adik sa bulaklak at ginawa ng parke ang harap ng bahay namin. Ito namang si Haligi masyadong inispoiled si Ilaw.

Tanda ko pa nga ang sinabi nya nang tinanong ko kung bakit parang lahat ng gusto ni Ilaw ay pinagbibigyan nya.

"Anak, ganyan talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Nagiging mapagbigay ka."

Yuck, korni talaga ni Haligi.

Iniwan ko ang bike ko sa may tabi ng kotse ni Rock tsaka pumasok ng bahay.

"Good morning Jazz." Bati ng mga maids na nadadaanan ko. Ganito dito sa amin merong "Igalang ang mas matanda policy." Gawa ng magaling kong nanay syempre. Lahat ng maids namin ay mas matanda sa amin ni Rock kaya kami ang nagpo-po sa kanila. Close na din naman kami sa kanila dahil simula ng nasa tyan pa kami ni Rock, nandito na sila sa bahay. Sina Ilaw lang at Haligi ang hindi namin pinopo dahil parang kabarkada lang namin sila at madalas mas bata pa silang mag-isip sa amin.

Binigyan ko nalang silang half smile. Bihira akong ngumiti. Pinaka-ayos na yang ginawa ko, ang maghalf smile. Ang alam ko lang ay ngumisi na may kasamang masamang binabalak at tumawang malakas dahil sa panglalait at kabadtripan ng mga kaibigan ko. Lagi ko silang tinatawanan kapag naiinis sila sa mga bagay-bagay.

"Anak?" Napatingin ako sa may hagdan at nakita si Ilaw.

"Wahh!! Anak kong maganda na nagmana sa akin! Namiss ka ni Ilaw!! *^*" Dali-dali syang bumaba at yumakap sa akin. Ginantihan ko ang yakap nya at napangiti nalang ako. Pamilya ko lang talaga at mga kaibigan ko lang ang nakakapagpangiti sa akin.

"Miss you too."

"Wahh~ anak anong nangyari? May gusto kabang hilingin sa amin kaya pumunta ka dito? May problema ka? Sa lovelife meron?"

Sumimangot lang ako at humarap sa kanya.

"Why?"

"Kayo talaga, wala nga akong lovelife. Crushlife nga wala eh."

"Nuh ba 'yan 'nak, daig ka pa ni Rock. May crush na 'yon eh. Hihi, namumula nga sya kapag nabananggit namin sa kanya yung girl na 'yun." Sabi ni Ilaw habang kilig na kilig. Kitams, mas bata pang mag-isip sa akin yan.

"Anong pangalan?"

"Hindi din nya alam eh, basta ang tawag nya sa crush nya ay Miss LR."

Ayows na pang blackmail kay Rock. Bwahaha.

"Oh, nandito pala ang anak kong maganda!" Biglang sulpot ni Haligi sa may tagiliran namin.

Niyakap ko din sya.

"Namiss ka namin, anak."

"Miss you too."

"Tamang-tama, kompleto tayo ngayon. Walang pasok ngayon si Rock."

Ha?

"Nasa kwarto nya sya. Tulog pa rin hanggang ngayon." Nagpaalam ako sa kanila pupuntahan ko lang si Rock. Makikipagbati na ako. Mwehehe. Nang makapunta ako sa may pintuan ng kwarto nya pinihit ko ang doorknob pero hindi ko mabuksan. As usual, nakalock na naman.

Kinuha ko ang hair pin ko sa may bulsa at tsaka kinalikot ang doorknob. Nang marinig ko itong nagclick ay pumasok agad ako sa loob.

Kita ko syang nakadapa sa may kama na topless at suot-suot yung may bear na pajamang bigay ko.

Hinubad ko ang sapatos ko at tiningnan sya.

Tumuntong ako sa kama nya at tumalon-talon. Naririnig ko ang mga reklamo at mura nya. Haha, sarap talagang mapagtripan ng lalaking to.

"Ano ba, pota." Ipinatong ko ang isa kong paa sa may likod nya at inuga-uga sya.

Kapag hindi pa 'to nagising dadaganan ko 'to.

"Wha-a-a-tt the-a-a fu-u-u-u-ckk?!"

"Rock Jan!!!"

"Fotangnang shit na yan!" Napatayo sya sa kama nya at tiningnan ako na nasa may kama nya pa rin.

"Bantot mo. Blehh!" Nanlaki ang mata nya. Siguro'y nagulat sya na nandito ako. Bago pa nya ako mabugbog ay kumaripas na ako ng takbo palabas ng kwarto nya.

Narinig ko pa syang sumigaw ng..

"HOY JAZZ RIELLE!! MAY ATRASO KA PA SA AKIN!"

Tinakbuhan ko na lang sya at dali-daling umupo sa may hawakan ng hagdan. Nagslide ako pababa at nagtago sa may kusina.

Bahala sya sa buhay nya. :P

I really love my family. ♡

Secret of Miss Enigmatic | under editingWhere stories live. Discover now